You are on page 1of 3

Module 5 & 6: Pagmamahal sa Bayan

Patriyotismo - Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat


gampanan ng

bawat mamamayang bumubuo rito.

- salitang ‘pater’ na ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang

pinagmulan o pinanggalingan.

Nasyonalismo - tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming


bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga
kaugalian o tradisyon.

Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan

Mahalaga ang pagmamahal sa bayan. Ang pagsasabuhay sa responsibilidad na ito


ay umiiral dahil ang tao ay nagmamahal kasama ang kanyang kapwa. Ang
pagmamahal na ito ay magiging daan upang makamit ang layunin na gusting
maisakatuparan. Naiingatan at pinahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang
karapatan at dignidad ng tao gayundin ang kultura, paniniwala at pagkakakilanlan.

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan

✓ Pagpapahalaga sa buhay
✓ Katotohanan
✓ Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
✓ Pananampalataya
✓ Paggalang
✓ Katarungan
✓ Kapayapaan
✓ Kaayusan
✓ Pagkalinga sa pamilya at salinlahi
✓ Kasipagan
✓ Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran
✓ Pagkakaisa
✓ Kabayanihan
✓ Kalayaan
✓ Pagsunod sa batas
✓ Pagsulong sa kabutihang panlahat

Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan

1. Mag-aral ng mabuti.

2. Huwang magpapahuli dahil ang oras ay mahalaga.

3. Pumila ng maayos.

4. Awitin ang Pambansang Awit nang mgay paggalang at dignidad.

5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya.

6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag itapon ang basura kung saansaan.

7. Iwasan ang anumang gawaing hindi nakatutulong.


8. Bumili ng produktong sariling atin.

9. Kung pwede nang bumoto, isagawa ito nang tama.

10. Alagaan at igalang ang nakatatanda.

11. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan.

Mga Halimbawa ng Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan

✓ Kung hindi ka nagbibigay-pugay sa bandila o watawat ng ating bansa.

✓ Kung hindi mo tinutupad ang iyong mga tungkulin bilang isang mamamayan.

✓ Kung hindi ka tumatawid sa tamang tawiran at pasiga-siga sa lansangan.

✓ Kung hindi pinahahalagahan ang iyong pag-aaral.

✓ Kung hindi mo pinapahalagahan ang ating kultura at mga tradisyon.

✓ Kung hindi mo tinatangkilik ang mga produktong sariling atin.

✓ Kung ikaw ay nagkakalat ng basura sa lansangan.

✓ Kung isa ka sa pumuputol ng mga puno sa kabundukan na nakasisira sa kalikasan.

✓ Kung isa ka sa humuhuli at pumapatay ng mga hayop na pinagbabawal hulihin.

✓ Kung isa ka sa lumalabag sa mga batas na ipinatutupad ng bansa.

Mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang maisabuhay ang


pagmamahal sa bayan na nakapaloob sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.

Bawat tao ay obligasyon sa Diyos ang


paggalang sa buhay dahil ang buhay ay
Pagapahalaga sa buhay galing sa Kanya kaya’t walang sino man
ang maaaring kumuha ng sariling buhay
o buhay ng iba maliban sa Kanya.
Kaugnay ng prinsipyo ng katamaan,
katunayan,
katotohanan
katiyakan, katapatan, kataimtian at
mabuting paniniwala.
Pagmamahal sa pagmamalasakit sa Maipapakita ang malasakit sa kapwa sa
kapwa pamamagitan ng pagtulong na walng
inaasahang kapalit.
Pananampalataya Mahalaga ang pananampalataya at
pagtitiwala sa Diyos na lahat ay
makakaya at possible
Paggalang Mahalaga ang paggalang sa mga
pamayanan dahil tumutulong ito sa mga
tao na makibagay sa ibang mga tao.
Katarungan Ang pagpapanatili ng kung ano ang
tama sa paraang walang kinikilingan.
May paggalang sa karapatan ng kapwa
mamamayan
Kapayapaan Pagkakaroon ng katahimikan o walang
kaguluhan at kapanatagan
Kaayusan Pagiging organisado at disiplinado sa
lahat ng
pagkakataon
Pagkalinga sa pamilya at salinlahi Pamilya ang pangunahing institusyon ng
lipunan. Dito unang tinuturuan ang mga
bata tungkol sa kultura at tradisyon ng
bansa.
Kasipagan Ginagamit ang talent at kahusayan sa
anumang
pamamaraan upang makatulong sa
ikabubuti ng mas nakararami. Ginagawa
ang gawain nang matiyaga at may
pagmamahal.
Pangangalaga sa kalikasan at Lahat ng tao ay may responsibilidad na
kapaligiran alagaan ang kalikasan at lahat ng nilikha
ng Diyos sa pagkasira nito.
Pagkakaisa Ang pakikipagtulungan ng bawat tao na
mapag isa ang ninanais at saloobin para
sa iisa a maayos na layunin.
Kabayanihan Isa sa mga ipinagmamalaking ugali ng
mga Pilipino ay ang tinatawag na
“bayanihan”. Hindi hinihintay kung ano
ang magagawa ng bayan sa tao sa
halip ginagawa ng tao ang magagawa
para sa bayan.
Kalayaan Ang pagiging malaya na gawin ang
mabuti, kumilos ayon sa batas na
ipinapatupad ng bansa at paggawa ng
tungkulin ng isang taong may dignidad.
Pagsunod sa batas Ang pagkilala, paghikayat at
pakikibahagi sa pagsasabuhay sa mga
batas ng lipunan. Isa ito sa mga susi sa
pag-unlad ng lipunan.
Pagsusulong ng kabutihang panlahat Ang pagtutulungan ng bawat isa at
paghikayat sa iba upang makilahok sa
pagtutulongan ay para sa ikabubuti hindi
sa sarili at pamilya kundi para sa lahat.

You might also like