You are on page 1of 11

Edukasyon sa

Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan
Ikalimang Linggo

Development and Quality Assurance Team

Developer: Celeste B. Suazo


Evaluator: Arnold F. Bode, Delia C. Bode, Imelda A. Grumo
Learning Area Supervisor: Megenila C. Guillen, Ph.D.

Illustration Credits:
Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Graphics: Bryan L. Arreo
1
Page

Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos


Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Pamantayan sa Pagkatuto:
• Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo) (EsP10PB-IIIe-11.1)
• Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)
na umiiral sa lipunan (EsP10PB-IIIe-11.2)

Layunin: Pagkatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:

• nakapagkikilala sa mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na umiiral sa


lipunan;
• nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan gamit
ang graphic graphic organizer
• nakapagtataya sa mga gawi na nagpapakita ng mga paglabag sa
pagmamahal sa bayan.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Leksiyon
(Pahina 194-204 sa Kagamitang Pagkatuto)

Ano ba ang pagmamahal sa bayan?

Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng


bawat mamamayang bumubuo rito. Ito ay tinatawag na patriyotismo mula sa salitang
pater na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o
pinanggalingan. Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang sinilangan
(native land). Ang pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ng marubdob na paggawa ng
trabahong pinili o ibinigay, aktibong pakikilahok sa interes ng mayorya o kabutihang
panlahat, pagsawata sa mga kilos na di makatarungan at hindi moral (Institute for
Development Education Center for Research and Commnunication). Kadalasang
iniuugnay ang patriyotismo sa nasyonalismo ngunit hindi magkasingkahulugan ang
dalawang ito. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at
damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may mgkakaparehong wika, kultura,
at relihiyon na kung saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.
2
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan
Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang sinuman ang ligtas sa
pagsasabuhay ng responsibilidad na ito, dahil ang tao ay umiiral na nagmamahal at
sumasakatawang-diwa. Ito ay nangangahulugan na tayo bilang tao ay umiiral sa mundo
kasama ang ating kapwa.

1. Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang makamit ang layunin.


. Buhay pa rin ang pagbabayanihan sa atin. Tayong mga mamamayan

1
ay nagtutulungan gaya ng paglilingkod sa simbahan at pagtulong sa
clean up drive upang mapaunlad ang ating pamayanan.

2. Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang mga tao sa lipunan


Ang pagmamahal sa bayan ang nagtutulak sa tao na magkaisa o
makipagkaisa. Halimbawa, ang EDSA People Power na kung saan ang
2 mga mamamayan ay pumunta sa EDSA upang isigaw ang kanilang mga
hinaing laban sa pamamahala ng isang diktador.

3. Naiingatan at napahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang


karapatan at dignidad ng tao.
Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng
pagkamamamayan; isang indibidwal na ibinabahagi ang talento sa iba,

3 pinangangalagaan ang integridad ng pagkatao, pinahahalagahan ang


karangalan ng pamilya, na ang pagmamahal ay likas bilang taong may
malasakit para sa adhikaing mapabuti ang lahat.

4. Napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang kultura, paniniwala


at pagkakakilanlan.
Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay may

4
pagpapahalaga sa kultura, tradisyon at pagkakakilanlan ng
kaniyang bayan.Siya ay magsagawa ng mga gawain di lamang
para maipreserba ang kinagisnang kultura at tradisyon kundi para
maisabuhay, maipakita at maging inspirasyon ng kanyang kapwa.

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan

Ang Pilipinas bilang lipunan ay naghihikayat sa mga mamamayan na isabuhay ang


mga birtud na makakatulong upang gumawa ng makataong pagpapasiya at kilos, tungo
sa makabuluhan at pakikipag-ugnayan sa Diyos, kapwa, at sa kapaligiran. Ito ang
kahulugan ng birtud ng kabanalan na iniuugnay ni Santo Tomas de Aquino sa patriyotismo.
3
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Ang sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino
upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan. Nakapaloob ang mga ito sa Panimula
(Preamble) ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas. Narito ang ilan sa mga ito:
(Edukasyon sa Pagpapahalaga 10-Modyul ng Mag-aaral)

Ang paggalang sa buhay ay isang moral na

1.
obligasyon sa Diyos ng bawat isa dahil ang buhay ay mula
sa Kaniya kaya’t walang sinuman ang maaaring bumawi
nito kundi Siya lamang. Kasama sa pagpapahalagang ito,
Pagpapahalaga ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at
isipan.Mahalagang gawin ang makakaya upang mapro-
sa Buhay
tektahan ang buhay bilang pagkilala sa dignidad ng tao.

2. Ang pagsasabi ng katotohanan ay


nakakagaan ng konsensya at nakakapayapa ng
sa isip at sa puso.
Katotohanan https://tl.forcesuniverse.com/supues
tas-verdades-941585

3.
Ang pagpapakita ng malasakit sa kapwa
sa pamamagitan ng pagtulong na walang
hinihintay na kapalit. Kasama sa responsibilidad ng
Pagmamahal at isang indibidwal ang tulungan at ipadama sa iba
Pagmamalasakit na sila ay bahagi ng ating pagkatao bilang kapwa.
https://fineartamerica.com/art/dra
sa Kapuwa wings/honesty

4.
Pananampalataya
Ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos, na
ang lahat ay makakaya at posible.
http://dlrciligan.weebly.com/uploads/
5/0/8/0/50800379/fil.2.yunit_4.pdf

Ang paggalang bilang elemento na

5. bumubuo sa kabutihang panlahat, naipakikita


kapag ang karapatan ng isang mamamayan
ay hindi natatapakan at naisasabuhay ayon sa
Paggalang tamang gamit nito at napangangalagaan ang
dignidad niya bilang tao.
http://marlisbennett.blogspot.com/20
12/11/today-im-thankful-for.html

Ang resulta ng pagkakaroon ng

6. katahimikan, kapanatagan at kawalan ng


kaguluhan. May kapayapaan kapag iginagalang
ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan.
Kapayapaan https://www.pinterest.ph/pin/1227
93527317346620/

7.
Ang pagiging organisado ng ideya,
salita, kilos na may layuning mapabuti ang
4

ugnayan sa kapuwa. Ang pagiging


Page

Kaayusan disiplinado sa lahat ng pagkakataon. https://www.bulacandeped.com/


wp-content/
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Ang pangingibabaw ng papel ng pamilya bilang

8.
Pagkalinga sa
pangunahing institusyon ng lipunan na siyang tutugon sa
pag-unlad na inaasam sa ikabubuti ng lahat. Binibigyang-
halaga rito ang kasal bilang pundasyon ng pamilya at
kumikilos upang mapangalagaan ang pisikal, moral,
pamilya at salinlahi ispiritwal, at panlipunang pag-unlad ng bawat miyembro
https://dokumen.tips/documents/

nito lalong-lalo na ang mga bata. yunit-i-ako-ay-mabuting-kasapi-


ng-pamilya

https://www.bulacandeped.com/

9.
Ang pagiging matiyaga na tapusin ang wp-content/
anumang uri ng gawain nang buong husay at
may pagmamahal. Ginagamit ang talento at
kahusayan sa pamamaraang nakatutulong sa
Kasipagan kapuwa nang buong kagalakan. http://www.nzdl.org/cgi-
bin/library?e=d-00000-00---off-
0hdl--00-0----0-10-0---0---0direct-10-
--4-------0-1l--11-en-50---20-about---
00-0-1-00-0--4----0-0-11-10-0utfZz-8-

10.
Responsibilidad natin bilang tao ang
00&cl=CL2.15.4&d=HASHdef7cdef
a42f3a2a3a9a85.1.10&x=1

maging tagapangalaga ng kalikasan at ng mga


bagay na nilikha ng Diyos laban sa anumang uri
Pangangalaga sa ng pang-aabuso o pagkawasak.
kalikasan https://sportdocbox.com/Cheerle ading/96654439-
Araling-panlipunanl -

Narito ang talahanayan ng mga pagpapahalagang ito batay sa pitong


dimensiyon ng tao na nakalahad sa Batayang Konseptuwal ng Edukasyon sa
Pagpapakatao
Mga Pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa
Dimensyon ng Tao bayan mula sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
1. Pangkatawan Pagpapahalaga sa buhay
2. Pangkaisipan Katotohanan
3. Moral Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa
4. Ispiritwal Pananampalataya
5. Panlipunan Paggalang, katarungan, kapayapaan, kaayusan, at
pagkalinga sa pamilya at salinlahi.
6. Pang-ekonomiya Kasipagan, pangangalag sa kalikasan at kapaligiran
7. Pampolitikal Pagkakaisa, kabayanihan, kalayaan at pagsunod sa batas
8. Lahat ng Dimensyon Pagsusulong ng kabutihang panlahat.
Ang mga kaalamang ito ay pinatunayan ng pahayag ni San Juan Pablo XXIII
(1818-1963), “Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na
maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa
kabutihang panlahat.
Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay nauunawaan ang
pangangailangang maglingkod sa bayan at sa kapuwa. Alam niya kung kalian siya
kikilos dahil sa angking karunungan. Ibibigay ang nararapat para sa iba, kokontrolin ang
sarili lalo na sa mga sitwasyong siya lamang ang makikinabang at hindi ang lahat. Ang
paggawa ng paghuhusga ay dumaraan sa isang prosesong magdidikta upang gawin
ang mabuti para sa kabutihan ng lahat.
Ang bawat Pilipino ay may mga tungkuling ginagampanan para sa pag-unlad ng
ating bayan. Katulad ng mga front liners na naglilingkod sa bayan na hindi alintana ang
panganib ng COVID -19. Nagpapakita lamang ito na sila ay may pagmamahal sa bayan
5

at sa kapwa. Tinitiis ang lahat ng hirap makapagbibigay lamang serbisyo sa mga


Page

nangangailangan lalo na sa panahon ng pandemya at mga sakuna.


Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Mga halimbawa ng mga paglabag sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan
1. Paglabag sa batas trapiko at mga gawaing labag sa batas gaya ng paggamit at
pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.
2. Hindi pagtangkilik sa mga produktong sariling atin.
3. Ang pang-aabuso sa kalikasan at pagkakalat ng basura kung saan-saan.
4. Palaging huli sa pagpasok sa paaralan.
5. Hindi paggalang sa karapatan ng kapwa at mga katutubong mamamayan ng bansa.
6. Hindi pagpapahalaga sa ating kultura at mga tradisyon.
7. Paghuli sa mga hayop na nanganganib ng maubos.
8. Paggamit ng dinamita at mga lambat na may maliliit na butas.
9. Hindi pagbabayad ng tamang buwis.
10. Korapsiyon at pagsasamantala ng mga namamahala sa pamahalaan.

Gawain 1

Manood ng balita sa TV at maglista ng limang (5) mga gawain na lumalabag sa


pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan, isulat din ang mga dahilan ng mga paglabag
na ito. Para sa mga walang TV, maaaring mag -obserba o kaya’y magtanong sa mga
magulang o nakakatanda ukol sa mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na umiiral sa
lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga gawaing lumalabag sa pagsasabuhay Mga dahilan sa mga paglabag na ito


ng pagmamahal sa bayan
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 2
Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan gamit ang
graphic organizer. Gawing gabay ang mga halimbawang graphic
organizer sa ibaba para sa gawaing ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

6
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Rubrik sa Pagtataya ng Graphic Organizer hinggil sa kahalagahan ng pagmamahal sa
bayan

Napakahusay Mahusay Mahusay- Katamtaman Nangangailangan


(5 puntos) (4 puntos) husay (3 puntos) pa (1 punto)
(2 puntos)
- May 5 o higit - May 4 na -May 3 ideyang -May 2 -May 1 ideyang
pang tumpak ideyang tumpak tumpak hinggil ideyang tumpak hinggil sa
na ideya hinggil hinggil sa sa tumpak hinggil kahalagahan sa
sa kahalagahan kahalagahan sa kahalagahan sa kahala- pagmamahal sa
sa pagmamahal sa sa gahan sa pag- bayan.
pagmamahal bayan. pagmamahal mamahal sa - 4 o higit na mali
sa bayan - May 1 mali sa sa bayan. bayan sa baybay,
- Walang mali sa baybay, - May 2 mali sa - May 3 mali bantas at
baybay, bantas bantas at baybay, sa baybay, balarila.
at balarila. balarila. bantas at bantas at - Nakakalito ang
- Pinakamadaling - Madaling balarila. balarila. pagka-
maunawaan maunawaan - Medyo - Medyo organisado
ang organizer ang organizer madaling nakakalito - Walang
- May pinaka- - May angkop maunawaan ang pagka- pamagat at
angkop na na pamagat ang organizer organisado labelo.
pamagat at at labelo. - May medyo - May - Ang mga linya,
labelo. - Ang mga angkop na pamagat at kahon at text ay
- Ang mga linya, linya, kahon at pamagat at labelo. 4 o higit pang
kahon at text ay text ay may 1 labelo. - Ang mga bura-bura.
walang bura- bura-bura. - Ang mga linya, kahon
bura. linya, kahon at text ay
- at text ay may 3 bura-
may 2 bura- bura.
bura.

Gawain 3
Tingnan ang bawat larawan sa ibaba. Isulat kung ang kanilang kilos o gawi ay
nagpapakita ba ng mga paglabag sa pagmamahal sa bayan. Ipaliwanag ang iyong
sagot sa bawat bilang. Gawing gabay ang rubrik na nasa kabilang pahina para sa iyong
pagsagot. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

https://philkotse.com/safe-driving/illegal-parking-laws-in-the-philippines-how-not-to-be-a-parking-jerk-5972
Page

www.cnnphilippines.com

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
1. ___________________________________ 2. __________________________________

https://www.cnn.ph/news/2019/6/10/Six-million-shabu-Manila-buy-bust.html

3. ___________________________________ 4. __________________________________

Napakahusay Mahusay Katamtaman Mahusay- Nangangailangan


(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) husay pa (1 punto)
(2 puntos)
- Nagsasaad ng: Nagsasaad ng Nagsasaad ng Nagsasaad ng Nagsasaad ng 1
- 5 o higit pang 4 na ideyang. 3 ideyang 2 ideyang ideyang tumpak .
tumpak na - May 1 mali sa tumpak. tumpak . - 4 o higit na mali
ideya. baybay, - May 2 mali sa - May 3 mali sa baybay,
- Walang mali sa bantas at baybay, sa baybay, bantas at
baybay, balarila. bantas at bantas at balarila.
bantas at - May angkop balarila. balarila. - Walang
balarila. na pamagat - May medyo - May pamagat at
- May pinaka- at labelo. angkop na pamagat at labelo.
angkop na - Ang awtput pamagat at labelo. - Ang awtput ay 4
pamagat at ay may 1 labelo. - Ang awtput o higit pang
labelo. bura-bura. - Ang awtput ay may 3 bura-bura.
- Ang awtput ay ay may 2 bura-bura.
walang bura- bura-bura.
bura.
Rubriks sa Pagtataya ng Gawain 3

Pagsusulit:

Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan


MALIBAN sa ________.
A. pinagbubuklod ang mga tao sa lipunan
B. nagiging daan upang makamit ang layunin.
8

C. maingay, magulo at walang kaayusan sa pamayanan


Page

D. naiingatan at napahalagahan ang karapatan at dignidad ng tao


Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
2. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita na ikaw ay may pagpapahalaga sa
pagmamahal sa bayan?
A. Hindi iniisip ang mangyayari sa hinaharap, palaging naglalaro ng mga mobile
games at nakatutok palagi sa cellphone at sa social media.
B. Tumutulong sa pamahalaan sa pag-iwas sa COVID-19 sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga paraan para makaiwas sa sakit.
C. Walang pakialam at hindi inaalintana ang mga pangyayari sa paligid na
nakakaapekto sa lipunan.
D. HInahayaan lamang ang mga magulang na magpasiya at magsumikap para sa
kabutihang panlahat ng buong pamilya.

3. Alin dito ang mga pangyayari sa pamayanan at sa ating bansa na hindi naayon o
lumalabag sa pagmamahal sa bayan?
A. paglabag sa batas trapiko at hindi pagsunod sa batas
B. pangangalaga sa kalikasan at iba pang mga yamang dagat
C. paggalang sa karapatan ng kapwa at pagsasabi ng katotohanan
D. pagmamahal sa pamilya, salinlahi at paggalang sa mga matatanda

4. Alin sa mga sumusunod na gawi ang may pagpapahalaga sa ating sariling


produkto?
A. Si Mang Mario ay palaging bumibili ng sapatos sa Marikina dahil ito ay
matibay at matagal mapudpod.
B. Pumupunta sa ibang bansa para bumili ng mga produktong kinahihiligan
tulad ng mga sapatos at bag.
C. Kinahihiligan ang mga imported na chocolates at mga pabango.
D. Mahilig bumili ng mga damit at pumorma na tulad ng sa mga Koreano o K-POP.

5. Alin sa mga sumusunod na gawi ang nagpaakita ng may paglabag sa


pagmamahal sa bayan?
A. Pumapasok sa opisina sa tamang oras at ginagawa ang mga gawaing
nakaatas sa kaniya.
B. Sinusuhulan ang mga naglilingkod sa pamahalaan upang mabilis ang kaniyang
transaksiyon.
C. Sumusunod sa batas at mga alituntunin sa pamayanan at sa buong bansa.
D. Umiiwas sa gulo at sa mga bagay na maaaring ikasasama ng sarili at
pamilya.

9
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Susi sa Pagwawasto
Pamantayan sa Gawain 3
Gawain 1.
Ang mga nasa ibaba ay maaring maging sagot, tinatanggap rin ang iba pang mga sagot.

Mga gawaing lumalabag sa pagsasabuhay ng Mga dahilan sa mga paglabag na ito


pagmamahal sa bayan
Hindi pagsusuot ng helmet, at pagmamaneho ng
1. Paglabag sa batas trapiko walang lisensya.
2. Paggamit ng mga ipinagbabawal na Labag sa batas ang paggamit at pagbebenta ng mga
gamot ito. Nakakasira sa katawan at pag-iisip ng tao.
Libre ang mga transaksiyon at serbisyo sa gobyerno
3. Pagtanggap ng suhol sa mga transaksiyon maliban na lamang kung ang mga ito ay talagang
sa gobyerno. binabayaran.
Ipinagbabawal ng batas ang pagputol sa mga puno
4. Pagputol ng mga puno sa gubat dahil malaki ang kanilang pakinabang sa kalikasan.
Ipinagbabawal ng batas ang paghuli sa mga ito dahil
5. Paghuli ng mga maliit na isda at iba pang mauubos ang mga maliit na isda o hayop at wala ng
hayop na malapi ng maubos. matitira para sa susunod na mga henerasyon.

Gawain 2. Posibleng sagot

1. pinagbubuklod
ang mga tao sa
lipunan.

2. napahalagahan 4. nagiging daan


ang karapatan at Pagmamahal upang makamit ang
dignidad ng tao sa Bayan layunin

3. napahalagahan ang
kultura at
pagkakakilanlan

Gawain 3. May iba’t ibang kasagutan.

Mga Sanggunian

Grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao pahina 194-204


10

Online Resource: Online Resource: ESP 10 Module 10


obtained from
Page

https://www.youtube.com/watch?v=Bm3W5SiOIzo&t=205s
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Susi sa Pagwawasto (Para sa Guro)
1. C
2. B
3. A
4. A
5. B

11
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

You might also like