You are on page 1of 5

Host: Isa sa pinakamahalagang magagawa ng isang mamamayan para

sa
kaniyang bayang sinilangan ay ang pagmamahal sa bayan.
(pause 2 seconds) Pero paano? (1 sec pause) Sa episode na ito ng
(placeholder), tatalakayin natin ang mga paraan para maipadama ang
pagmamahal sa ating Inang bayan.

(intro, backdrop)

Host: Magandang hapon sa inyong lahat, nandito po ako ngayon


kasama ang ating mga guest.

(mga guest kay nag introduce sa sarili)

Host: Patriyotismo. Ang Pilipinas bilang bansa at lipunan ay


nananawagan sa mga mamamayan nito na isabuhay ang mga
pagpapahalaga na makatutulong. Ano-ano ba ang mga indikasyon
nito? Sir (Guest) magaling ka sa mga bagay na ito, ipaliwanag mo
naman.

Guest #1: Nakapaloob ang mga ito sa Panimula (Preamble) ng 1987


Konstitusyon ng Pilipinas. Ang una ay Pagpapahalaga sa buhay,
pangangalaga sa katawan at isipan, proteksyon bilang pagpapahalaga
sa dignidad ng tao. Pangalawa ay Katotohanan, walang kapaguran sa
paghahanap ng kaalaman, pinangangalagaan sa lahat ng oras.
Pangatlo, Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa, Ang pagpapakita ng
malasakit sa kapwa ay sa pamamagitan ng pagtulong na walang hinihintay na
kapalit. Pang-apat. Pananampalataya. Ang pagtitiwala at pagmamahal sa
Diyos, na ang lahat ay makakaya at posible. Pang-lima, Paggalang.
ipinapakita kapag ang karapatan ng isang tao ay hindi naaapi at ang kanyang
dignidad ay naaayon sa tamang paggamit nito. Ikaw naman (Guest 2)
Guest #2: Pang-anim Katarungan, Sinisigurado ang paggalang sa
karapatan ng bawat isa at hindi nagmamalabis o nandaraya sa kapwa.
Pang-pito Kapayapaan: May kapayapaan kapag nirerespeto ang
bawat isa at nagpapairal ng katarungan, na nagpapahiwatig ng
kabutihang panlahat.
Pang-walo, Kaayusan: Pagsunod sa organisasyon at disiplina sa
pagsasalita at kilos para mapabuti ang ugnayan sa iba.
Pang-siyam. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi: Pagbibigay-halaga sa
papel ng pamilya bilang pangunahing institusyon sa lipunan at
pagtuturo sa mga halaga at kultura na dapat ipasa sa kabataan. Ika-
sampo, Kasipagan: Pagsisikap na matapos nang maayos ang mga
gawain at paggamit ng talento at kahusayan para sa ikabubuti ng iba.
Ikaw naman (Guest 3).

Guest #3: ikalabing-isa, Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran:


Pagtupad sa responsibilidad bilang tagapangalaga ng kalikasan at ng
mga nilikha, na layuning protektahan ang mga ito laban sa anumang
uri ng pang-aabuso o pagkasira. Ikalabindalawa, Pagkakaisa:
Pakikipagtulungan ng lahat para sa iisang layunin, na nagpapakita ng
pagiging mabuting mamamayan. Ikalabintatlo, Kabayanihan:
Responsableng pagtugon sa mga pangangailangan ng bayan at
kapwa. Ikalabinapat, Kalayaan: Kalayaang gumawa ng mabuti at
tumalima sa batas bilang pagtupad sa tungkulin ng isang taong may
dignidad. Ikalabinlima, Pagsunod sa batas: Pagsunod at pagsuporta sa
pagsasabuhay ng mga batas na naglalayong pangalagaan ang
karapatan ng bawat mamamayan. At panghuli, Pagsusulong sa
kabutihang panlahat: Sama-samang pagkilos upang mahikayat ang
lahat na makilahok sa mga oportunidad na makakatulong hindi
lamang sa sarili at pamilya, kundi sa lahat.

Host: Ano naman ang Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng


Pagmamahal sa Bayan?

Guest #4: Mag-aral ng Mabuti Huwag magpapahuli, ang oras ay


mahalaga. Pumila ng maayos. Awitin ang Pambansang Awitn ang
may paggalang at dignidad Maging totoo at tapat, Huwag mangopya
o magpakopya Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag
magtapon ng basura kahit saan Iwasan ang anumang gawain na hindi
nakatutulong Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke,
smuggled o pirated Kung pwede nang bumoto, isagawa ito ng tama
Alagaan at igalang ang nakatatanda Isama sa panalangin ang bansa at
kapuwa mamamayan.

Host: Bukod sa mga nabanggit, ano pa ang nakakatulong?


Guest #5: Ang tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip ay malaking
tulong. Ang taong may tamang pag-uugali ay gagawa ng paraan para
makatulong at susuriin ang mga dahilan ng mga problema. Subalit,
madalas na nakakalimutan ito ng marami.

Host: Sa bawat tamang gawain, may mga dapat ding iwasang gawin.
Ano-ano ang mga dapat iwasan o Mga Paglabag sa Pagsasabuhay ng
Pagmamahal sa Bayan?

Guest #4: Ang hindi pagpapahalaga sa pamilya at kapuwa. Ang hindi


pag-aaral ng mabuti.

Guest #5: Ang hindi pagmalaki sa ating bansa. At Ang hindi


pagpapahalaga sa kapaligiran.

Host: Malapit na matapos ang oras natin, ano-ano ba ang inyong


gustong sabihin para sa ating mga mamamayan na nanunuod?

Guest #1: Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa dapat


gampanan ng isang mamamayan sa kanyang bansa.

Guest #2: Akin naman ay, Ang tamang paggamit sa likas na yaman
ay isang pagpapahiwatig ng pagmamahal sa bayan.
Guest #3: Ang pagiging Pilipino ay isang biyaya, hindi ito aksidente,
nakaplano
ito ayon sa kagustuhan ng Diyos bilang isang indibidwal na
sumasakatawang-diwa. Maisasakatuparan ito at magiging kasaysayan
kung
magkakaisa tayo bilang mamamayang may pagmamahal sa bayan.

Host: At iyon na po, maraming salamat sa panonood sa aming


programa.

You might also like