You are on page 1of 10

Ano ang Pakikilahok Na Pansibiko?

• Tungkulin natin ito upang makatugon tayo sa mga pangangailangan ng ating pamayanan at
bansa.

• Dapat ginagawa ito nang may pagkukusang-loob at buong katapatan.

• Karaniwang sinasakop ng kagalingang pansibiko ang mga usapin hinggil sa edukasyon, kalikasan,
kabuhayan, pampublikong serbisyo, at kalusugan.

• Di matatawaran ang kahalagahan ng gawaing pansibiko sa isang bansa. Ito ay isang paraan ng
pagtiyak na ang mga mamamayan sa isang lipunan ay tunay na malaya, nagsasarili, at kontento
sa kanilang pamunuan.

Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong Mamamayan

1. MAKABAYAN

- Isang katangian na dapat taglayin para sa bayang kinagisnan at bahagi ng tungkulin bilang isang
mamamayan ng bansa ay sikapin ang pagbubuklod at pagkakaisa. (Sa tulong nito'y maipapakita Ang
bukal sa pusong pagmamahal at tunay na pakikibuklod sa mga kababayan.)

Mga bagay na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan o pagkamakabayan:

 Tapat sa Republika ng Pilipinas


 Bilang mamayang Pilipino, kailangang may ganap tayong tiwala sa Republika ng Pilipinas.
 Dapat tayong magmalasakit at maglingkod sa bansa.
 Ang paggalang sa bandila at pambansang awit ay nagpapakita ng tiwala sa republika.
 Ayon sa Saligang Batas Artikulo XVI, Seksyon 1, “Ang bandila ng Pilipinas ay dapat na
pula, puti, at bughaw, na may isang araw at tatlong bituin, na dinadakila at iginagalang
ng sambayanan at kinikilala ng batas.”
 Isang halimbawa ng pagpapakita ng karapatan ay ang pagpapahalaga at pangangalaga sa
mga makasaysayang lugar at bagay-pangkultural sa ating bansa.
 Isang 12 anyos na babae na si Janela Leis ay pinarangalan sa Mababang kapulungan ng
kongreso noong Agosto 25, 2011 dahil sa pagligtas sa watawat ng Pilipinas ng kanilang
paaralan sa gitna ng paghagupit ng malakas na bagyo at mataas na pagbaha na
nagpapatunay ng likas na pagiging makabayan ng mga Pilipino.
- Handang Ipagtanggol ang Estado
 Bilang bahagi ng ating estado, isa ito sa ating mahalagang tungkulin.
 Ayon sa Saligang Batas Artikulo II, Seksyon 4, “Ang pangunahing tungkulin ng
pamahallan ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. Maaring tawagan ng
pamahalaan ang sambayanan upang ipagtanggol ang Estado, at sa ikatutupad niyon, ang
lahat ng mga mamamayan ay maaaring atasang maghandog ng personal na serbisyo
military o sibil, sa ilalim ng kondisyong itinatakda ng batas.”
 Halimbawa pagtatangol sa estado ay ang pinakitang katapangan ng 95 ng Philippine
Navy na ipinadala sa Spratlys Island upang ipagtanggol ang ating bansa
- Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas
 Kailangang sundin ng bawat mamamayan ang Saligang Batas at iba pang mga batas
upang manatiling maayos at matiwasay ang bansa.
 Maitataguyod din ang kaunlaran at interes ng bansa sa pamamagitan nito.
 Ang hindi pagsunod dito ay maaring magdulot ng kaguluhan, pagtanggal ng ating
kapayapaan at seguridad, at paghadlang sa kaunlarang pang-ekonomiya.
- Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan
 Ang pakikipagtulungan ay nakatutulong upang mapanatili ang kaayusan at mapangalagaan
ang katarungan sa ating lipunan.
 Nakatutulong ang partisipasyon upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng bansa
gaya ng pagkasira at pagkawala Ng mga ari-arian dulot ng bagyo at iba pang kalamidad.
 Ang epektibong pag-oorganisa upang kumilos bilang isang grupo para makamtan ang isang
layunin ay 'di lamang nakakapagpaunlad ng ekonomiya pati na rin sa mga aspektong
political, espiritwal at panlipunan.

Mga pagkilos na makatutulong upang maabot ang mga mithiin o ninanais:

• Magandang koneksiyon sa pagitan Ng mga pinuno at mga mamamayan.

• Dapat ay kasama o kabilang ang mga mamamayan sa paggawa ng desisyon, pagtukoy sa mga
suliranin at pagbibigay ng mga solusyon at pangangailangan.

• Pagpapatupad ng mga proyekto na mapapakinabanggan din ng mga mamamayan.

2. MAKATAO

- Bawat isa sa atin ay may mga karapatan na dapat igalang, isaalang-alang, at matugunan o protektahan.

- Dapat gamitin ang ating mga karapatan nang may kalakip na pananagutan at may marapat na
paggalang sa mga karapatan ng iba.

Bilang mamamayan:

• Dapat nating itaguyod ang karapatan ng bawat isa dahil dito natin maipapakita ang pagmamahal
sa iba at pagrerespeto sa kanilang katangian, kapakanan, at dignidad bilang tao.

• May laya tayong gamitin ang maraming karapatang ating tinatamasa, ngunit kailangan din
nating isipin na may pananagutan at tungkulin tayong dapat na gampanan.

• Dapat igalang ang mga karapatan ng iba.

• Kailangan tiyakin na hindi tayo makapipinsala sa ating kapwa.


• Kailangan mamuhay nang matiwasay at may pakikiisa sa mabubuting bagay na
makakapagpaaunlad hindi lang para sa sarili kundi pati rin sa mas nakararami

3. PRODUKTIBO

- Hindi na mawawala sa ugali nating mga Pilipino ang pagiging matiyaga at masipag mula noon pa man.

- Ang Hagdan-hagdang Palayan sa Banaue ay nagpapatunay nito na gawa pa ng ating mga ninuno.

- Upang mapaunlad natin ang ating pamumuhay, kailangan nating ipakita ang ating angking kasipagan.

Aktibong mamamayan:

• Nagtatrabaho sa maayos at tamang paraan.

• Pinagbubuti ang anumang gawain sa abot ng kanyang makakaya at ng may pagkukusa.

• Natatapos nang maayos ang mga gawain sa tamang oras sa kapaki-pakinabang na gawain.

• May mga layunin ang bawat bansa para makamtan at mapabuti ang pamumuhay ng mga
mamamayan. Kailangan nating maging produktibo upang makatulong sa pag-unlad at pagsulong
ng ating bansa.

• Ang tao ang tagagawa ng mga produkto sa pamamagitan ng paggamit ng lakas o manpower
ayon sa mga ekonomista.

• Ang mga tao rin ang umuukit at nagtatalaga ng landas tungo sa kaunlarang pangkabuhayan at
maging hangaring panlipunan ng isang bansa.

• Ang PILIPINAS ay may mataas na bilang ng populasyon na maaring makapagambag sa iba't-ibang


gawain at makadagdag sa labor force.

• karamihan sa populasyon ay mga bata na maaaring linangin, sanayin, at paghusayin upang


maging produktibo sa hinaharap.

4. MATATAG, MAY LAKAS NG LOOB AT TIWALA SA SARILI

- Ipinakita ng ating mga ninuno ang kanilang katatagan ng loob ng lumaban sila sa Espanyol,
Amerikano at Hapon upang matamo natin ang kalayaan. Nakikita rin sa ngayon ang katatagan ng
loob ng mga Pilipino nanagpupunta sa ibang bansa upang magtrabaho. Nakatulong ito sa atin
upang sumuong sa mahihirap na gawain.

- Nakakatulong ito sa pagiging malakas, mapunyagi, matiyaga at masikap. Kailangan ito upang
kayanin natin ang anumang pagkabigo sa buhay. Kadalasang nararanasan ito ng mga nagiging
biktima ng karahasan at kalamidad.
5. MATULUNGIN SA KAPWA

- Isang likas na gawain ng mga Pilipino and pagtulong sa kapwa. Tayo ay likas na mapagkawang-gawa
lalong-lalo na sa mga kapwa nating kapos-palad at dumadanas ng hirap sa buhay. Nakikita rin ang
pagiging matulungin nating mga Pilipino sa panahon ng mga kalamidad, sakuna, aksidente, at iba pa.

6. MAKASANDAIGDIGAN

- Ang aktibong mamamayan ay mamamayan ng kanyang bansa gayon din ng mundo.

- Isinasaalang-alang ang kagalingan ng kanyang sariling bansa pati sa mundo.

Mga iba't-ibang pansibikong organisasyon na naglilingkod para sa PAGKAKAWANGGAWA,


RELIHIYON, KAPATIRAN, at KOMUNIDAD:

1. ABS-CBN Foundation 11. Institute for Developmental Education


and Services, Inc.
2. Alpha Phi Omega
12. Magna Kultura Foundation
3. Ayala Foundation
13. Peace and Equity Foundation
4. CATW- Asia Pacific
14. Philippine National Red Cross
5. Council for Health and Development
15. Program for Cultural Cooperation
6. Gawad Kalinga
16. PVI Foundation, Inc. - Pagkakaisa
7. GMA Foundation Volunteers, Inc.
8. Habitat for Humanity Philippines 17. 17. Ramon Magsaysay Award
9. Hakbang Kalikasan Mountaineering Foundation
Society 18. Reach Out Foundation International
10. Ibon Foundation Inc. 19. Restored Heritage Foundation, Inc.

20. Rotary Club of Manila

Mga Paraan ng mga Gawaing Pansibiko

1. Pagtatag o pakikilahok sa mga organisadong pagkilos at organisasyong nagsusulong ng


kagalingan at pag-unlad ng komunidad at bansa.

- Ang partisipasyon sa civil society ay isang panukalang nasasaad mula sa 1987 Philippine Constitution.

- Naglalaman ng mga tiyak na probisyon sa pagsulong ng mga hindi pampamahalaan, batay sa


komunidad o sektoryal na organisasyon.

- Inaasahang magiging mataas ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko sa mga susunod na taon.
3 ISYU NA PINAKAMAHALAGA PARA SA CIVIL SOCIETY SA PILIPINAS

- paglalaban sa katiwalian o corruption

- pagsugpo o pagbawas ng kahirapan

- pangangalaga sa kapaligiran

MGA PARAAN AT TEMA NG PAKIKILAHOK SA CIVIL SOCIETY

SECTOR FREQUENCY %

Farmers 81 89%

Fisheries 52 57%

Indigenous People 45 50%

Women 80 89%

Children, Youth 65 71%

OFW 17 19%

Senior Citizens 11 12%

Urban Poor 13 14%

Others 17 19%

THEMES FREQUENCY %

Agrarian Reform 49 54%

Environment 75 82%

Education 73 80%

Health 70 77%

Agricultural Development 70 77%

Rural Employment 34 37%

Livelihood/ Microfinances/

Coops 77 85%
General Family Welfare 45 50%

Infrastructure 38 42%

Disaster Relief and

Rehabilitation 42 46%

Local Governance 64 70%

Peace and Order 42 46%

MGA MAAARING PARAAN NG PAKIKILAHOK

- Pinangungunahan at ipinapatupad ng mga pribadong sektor at mga non-government


organizations ang mga organisadong gawaing pansibiko.

Ilang mga proyekto at programang maaaring salihan at suportahan:

Mga Programa

1. Day-care Centers 5. 5. Programang Pangkalusugan

2. Pagbabahagi ng Kaalaman (Libreng 6. 6. Pagsasaayos sa Basura (Waste


Tutorial) Management)

3. Feeding Program 7. 7. Programang Pagtatanim ng Puno


(Reforestation)
4. Programang Pangkabuhayan
8. 8. Clean and Green Campaign

Paraan ng Pakikilahok

1. Assistant o katulong sa iba pang mga gawain sa day-care centers.

2. Pagbabahagi ng iyong mga kagalingan sa asignatura.

3. Pagsasagawa ng pagpupulong para sa libreng pagpapakain sa mga bata.

4. Pag-alam at pagbibigay impormasyon ng mga institusyong gumagawa ng libreng seminar na


pangkabuhayan.

5. Pagbabalita at paghikayat ng mga mamamayan sa mga programa at serbisyong medical.

6. Pakikiisa sa pangongolekta sa pangangalap ng pondo o pagkolekta ng mga lalagyan upang


gawing basurahan.
7. Pagtatanim ng mga puno sa bakanteng lote o lupa sa inyong komunidad. Ipakita ang
kahalagahan ng mga halaman at puno.

8. Maglinis ng kapaligiran sa inyong komunidad.

2. Pagpaparating sa kinauukulan ng kinakailangang gawin.

- Mahalaga na ang kabataan na katulad natin ay maging mapagmasid sa mga kaganapan sa ating
komunidad. Kung mayroong bagay na dapat bigyang pansin, i-ulat agad sa lokal na pamahalaan o mga
organisasyon na makakatulong.

3. Pag-aangat sa kalagayan ng ating kapwa Pilipino.

Mga organisasyong nakapagpapaunlad at nagpapabuti ng ating kalagayan:

• National Council of Social Development (NCSD)

- Itinatag noong 1949 bilang unang sistemang panlipunang pag-unlad sa Pilipinas.

- Kinilala bilang Council of Welfare Agencies in the Philippines, Inc. (CWAPI).

- Unang sistemang NGO na nagbibigay ng lisensiya at akreditasyon ng pamahalaan.

• National Secretariat of Social Action-Justice and Peace (NASSA)

- Naitatag sa pamamagitan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong 1996.

- Nakapokus sa kahirapan, demokratikong pamamahala, ekolohiya at integridad ng paglikha,


kapayapaan, at pag-unlad.

• Philippine NGO Council on Population, Health and Welfare (PNGOC)

- Itinatag noong Hunyo 24, 1987.

- Binubuo ng 6 na miyembrong NGO na nakatuon sa reproductive health, gender equality at


pagkapantay-pantay, women and development, non-formal education, sustainable development, at
HIV/ AIDS prevention and care.

• Asian NGO Coalition for Agrarian Reform and Rural Development (ANGOC)

- Itinatag noong 1979.

- Binubuo ng 20 nasyonal at rehiyonal na mga network ng mga NGO sa 14 na bansa sa Asya.

- Nakatuon sila sa seguridad ng pagkain, repormang agraryo, sustainable agriculture, participatory


governance, at rural nap ag-unlad.

4. Pakikipagpalitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.


- Kapag ang mga impormasyon ay kaalaman ay naipamahagi, mas madaling makalahok ang mga sangay
ng pamahalaan at mga mamamayan sa paglikha ng mga polisiya at paglutas sa mga isyu at suliranin.

5. Pangangalaga sa ating mga minanang yaman at pampublikong pasilidad.

- Maraming mga pamana ang ating mga ninuno sa atin na handog ng mayamang kasaysayan ng ating
bansa at mga pasilidad na ating ginagamit sa araw-araw ng ating pamumuhay. Marapat lamang na
pahalagaan nating mga kayamanang ito upang patuloy na magamit at kalingain ng susunod na
henerasyon.

6. Pangangalaga ng ating mga kapaligiran at paglinang ng mga likas na yaman.

- Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman at kagandahan na kalikasan. Sa pagtagal ng panahon, ang
tao ay patuloy na nangangailangan ng likas na yaman para sa patuloy ng paglago ng sangkatauhan.
Ngunit kailangan parin natin isaalang-alang ang ating likas na yaman at ang ating kalikasan. Atang
marapat na pangalagaan ang sa atin ay kumalinga.

MGA ILANG PARAAN NG PANGANGALAGA SA KAPALIGIRAN

• Panatilihing malinis at malusog ang kapaligiran

• Ayusin at linisin ang kapaligiran.

• Pangalagaan ang ating mga likas na yaman.

• Ibaon ang basurang natutunaw (biodegradable) sa lupa.

• I-recycle ang mga basurang ‘di-natutunaw (non-biodegradable).

• Magtanim ng mga halaman at puno.

7. Pagpapaunlad at pagsuporta sa mga produkto ng bansa.

- Ang ekonomiya ng bansa ay umaangat kung ating napapaunlad ang mga industrya at
pangangalakal.

- Saligang Batas ng Pilipinas; Artikulo XII, Seksyon XII

- SEKSYON 12. (Dapat magtaguyod ang Estado ng makiling na paggamit ng paggawang Pilipino,


domestikong materyales at mga kalakal na yaring lokal at adpat magpatibay ng mga hakbangin
upang makalaban sa kompitensya ang mga ito.)

8. Pagtangkilik at pag-angkat ng produktong Pilipino.


- Malaki ang maitutulong ng ating pagtangkilik sa gawang atin. Dahil sa pagtangkilik sa ating mga
produkto, ating nabibigyang kabuhayan ang ating kapuwa, ating nai-aangat ang estado ng
ekonomiya ng ating bansa, at naibabahahagi natin ang talentong Pilipino sa buong mundo.

Mga Epekto ng Pakikilahok ng Mamamayan sa mga Gawaing Pansibiko

Sa Kabuhayan

- Madaling maisasagawa ang mga gawain at proyekto kung lahat ng mga mamamayan ay
nakikilahok sa mga gawaing pansibiko at nagtutulungan. Ang pagtutulungan ay nakapag-
bubuklod sa atin. Nagiging daan ito upang tayo ay magkaisa. Sa ganitong paraan, mas madaling
makamit ang mithiing umuunlad ang pamumuhay sa bansa.

Sa Lipunan

- Magiging maayos at tahimik angg ating pamayanan at bansa kung nakikilahok tayo sa mga
gawaing pansibiko, nagtutulungan, at tumutupad sa mga batas. Sa maayos na pamayanan, ang
mamamayan ay may disiplina. Mababawasan ang mga pagnanakaw at krimen, at maiiwasan ang
mga kaguluhan. Natutupad ng mga gawain at proyektong naglalayong paunlarin ang komunidad
at itaas ang kalidad ng pamumuhay ng lahat ng miyembro nito sa pamamagitan ng pagharap at
pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.

Sa Politika

- Makakamit ang maayos at matapat na pamahalaan kung piliin natin ang manunungkulan sa
ating pamahalaan. Mithiin nating mga Pilipino ang magkaroon ng matapat na pamahalaan. Kung
ang katiwalian ay sa pamahalaan ay masusugpo, magiging mabilis and pag-unlad sa bansa.
Noong taong 1986, nagtipon-tipon and milyon-milyong Pilipino sa Epifanio de los Santos
Avenue(EDSA). Noong taong 2001, nagkaroon din ng People Power II. Umuunlad ang komunidad
kung ang mga namumuno dito at mga mamamayan ay magkasamang kumikilos at
nagtutulungan upang lutasin ang mga suliranin at pangangailangan ng bawat isa. Ang mga
tradisyunal na anyo ng pampublikong pamamahala ay nananatiling nahahati sa mahihirap at sa
mga nangangailangan.

You might also like