You are on page 1of 2

Iba’t iba ang tingin o imahen ng kababaihan sa mga awit.

Sa kantang “Sisikat ka iha” ng Bita and


The Botflies, binabanggit kung papaano ino-objectify ang kababaihan sa realidad gamit ang industriya
ng musika at showbiz. Ayon kay Sofy Aldeguer na bokalista ng banda sa pag-aaral ni Robbie Pangilinan,
nais ng banda nilang galugarin ang papel ng kababaihan sa komunidad at nais pang gumawa ng kanta
patungkol sa kababaihan gamit ang mga impormasyong makakalap ng kanilang banda. Sumunod ang
kanta ng rapper na si Geo Ong na kadalasang tinatalakay ang mga pangunahing isyu sa ating bansa gamit
ang kanta upang ipahayag and saloobin niya. Isa sa kaniyang awit ang pinangalanang “Parokyana” na
kung saan sinasabing ang kababaihan ay ginagamit ang katawan upang sumikat at pagkakitaan. Isa pa
rito ang kantang “Neneng B” ni Nik Makino na sinesexualize ang kababaihan at dinedegrade gamit ang
mga salita na ginagamitan ng tayutay upang hindi direktang mabastos ang mga ito at direktang
paglalarawan naman ang ginamit sa kantang “Lexi” na sinasabing madali lang makuha ang mga babae.

Puta : Imahen ng Babae sa mga napiling kanta

Puta

Isa si Geo Ong sa mga artistang lumilikha ng kanta patungkol sa mga problemang kasalukuyang
nangyayari sa ating bansa tulad ng prostitusyon na kadalasang isyu sa kababaihan. Sinasabi sa kanta ni
Geo Ong na pinamagatang “Parokyana” na “Di ka liberated, malandi ka talaga” dahil madalas na
nagpapakita ng mga malalaswang imahe ang mga babae hindi upang ipagmalaki ang sarili at itaguyod
ang kalayaan kung hindi dahil, gusto nitong maakit ang mga kalalakihan upang magpagamit at kumita
upang matustusan ang mga pagnanasa nito. Binabanggit rin sa kanta na “Kung kani-kanino ka na
lumalapit, kahit na kaninong patalim ay kumakapit” na ang ibig sabihin ay kahit sino ay papatusin upang
magkaroon ng pera at magpagamit ay walang problema sakanila. “Sariling sikap ‘di ba kayang
umabante” ipinapahiwatig nito na magpagamit lang ang posibleng naiisip na paraan ng kababaihan
upang makalikha ng pera sa madaling paraan upang makasabay sa bago dahil ayaw nitong maghirap at
magsumikap para sa kaniyang hinaharap.

Ano nga ba ang dahilan ng prostitusyon? Ayon sa pag-aaral ni Ortiz Bryan


(2018), sinasabi ni Allan Schwartz na mas mabilis kumita ng pera sa prostitusyon dahil
hindi man ganon kalaki ang nakukuha, tuloy tuloy naman ang pagtanggap ng pera. Isa pa
sa dahilan ay ang ito ang nagsisilbing negosyo para sa kababaihan at ito ang solusyon
upang makalabas ng kahirapan. Nasasalin din sa prostitusyon ang mga kababaihan dahil
sa kultura ng pang-aabuso na kanilang kinalakihan.
Binabanggit rin sa pag-aaral ni Jennedie Rojo na and pagkalulong sa
pinagbabawal na gamot ang nag-uudyok upang masalang sa prostitusyon. Isa rin sa
posibleng kadahilanan ang impluwensiya ng mga taong nakapaligid tulad ng mga
kaibigan at pamilya na pinanggalingan ng isang babae. Dagdag pa dito ang panloloko ng
mga recruiter, mga turista o turismong gumagamit ng kababaihan, at kawalan ng paki-
alam ng lipunan at simbahan ng realidad ng prostitusyon.

You might also like