You are on page 1of 1

KABABAIHAN

“Kaya ka nabastos dahil sa suot mo,” “Kababae mong tao”, at “Boys will be boys.”

Ilan lamang iyan sa mga bagay na naririnig ng kababaihan sa araw-araw. Ayon sa isinagawang pagsisiyasat
ng UN Women noong 2016 sa Pilipinas, tatlo sa bawat limang kababaihan ay nakaranas na nang tinatawag na sexual
harassment, sa lungsod ng Quezon lamang, samantalang tatlo naman sa bawat limang kalalakihan ang umamin na
kanila na itong nagawa sa mga kababaihan.

Ngunit ano nga ba ang sexual harassment? Kasalanan ba ito ng biktima?

Ang sexual harassment ang pananakot o pambabastos na may katangiang pang-sekswal laban sa isang
tiyak na kasarian. Kabilang na rito ang pag-sutsot o catcalling, mahalay na pananalita laban sa isang tao, at iba pang
mga malalaswang gawain na maaaring manakot o magbigay kaba sa mga biktima.

Madalas, nasisisi sa mga ganitong sitwasyon ang biktima, partikular na ang mga babae. Dito na pumapasok
ang mga katagang binanggit ko kanina lamang, mga kataga na pinipighati ang boses ng mga kababaihan. Ayon din
sa parehong pagsisiyasat ng UN Women noong 2016, 50% sa mga kaso ng sexual harassment ay hindi naipag-alam
sa mga awtoridad, at 20% nito ay buhat ng takot ng mga kababaihan sa mga posibilidad na maaaring mangyari sa
kanila. Mas marami ring mga kababaihan ang iginiit na, sa kanilang palagay, kasalanan ng babae kung siya ay
nabastos.

Para sa akin, hindi kasalanan ng biktima ang kanyang naranasan. Walang tao ang naghahangad na
mabastos, kahit na ano pa ang kanyang suot o galaw. Hindi naman lahat nang ginagawa ng babae ay para sa
kasiyahan ng lalaki, at ang pag-iisip ng karamihan na ang kababaihan ay nabubuhay para sa mga kalalakihan ang
siyang totoong sanhi ng sexual harassment.

Ngunit ito nga lang ba ang opresyon na nararanasan ng mga kababaihan? Natatapos ba ito sa simpleng
pagsutsot ng mga kalalakihan sa kanila sa kalye?

Ang sexism laban sa mga babae ay hindi lamang natatapos ditto, at minsan pa nga’y lingid na sa kaalaman
ng kababaihan na sila ay nababastos.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng George Washington University noong 2015, mas madalas na sumabat
ang mga kalalakihan sa kanilang kausap kung ang kausap nila ay babae, kaysa sa kung ang kanilang kausap ay
kapwa nilang lalaki. Madalas rin na nilalagyan ng salitang ‘babaeng” ang propesyinal na titulo nang mga
kababaihan, samantalang ang mga lalaki ay simple lamang na tinatawag sa kanilang titulo, na para bang kakaiba sa
babae ang makamit ang propesyon niya.

Naririto rin nag pagkutya ng mga kalalakihan sa mga ekspresyon o galaw ng mga babae, at ang pagtawag
na “sensitibo” o ‘di kaya’y “OA” sa mga babae kung sila ay hindi umaproba sa ginagawa ng lalaki. Kahit na ang
simpleng pagsabi ng mga kalalakihan sa kanilang kapwa lalaki na “magpakalalaki ka naman” ay parte ng sexism sa
ating lipunan, dahil ipinapahiwatig nito na ang mga lalaki ay mas mataas sa mga babae, at ang mga babae ay
mahina.

Gabriela, The Paper Project, at World Vision ay ilan lamang sa mga organisasyon o proyekto na
nagbibigay boses sa mga kababaihan. Pinagtatanggol nila ang mga karapatan ng mga kababaihan laban sa
diskriminasyon at pambabastos, at siya naming tumutulong sa mga naging biktima ng pang-aapi laban sa
kababaihan.

Ang pag-iisip na kasalanan ng mga kababaihan ang pambabastos laban sa kanila ay hindi na bago sa ating
kultura. Maaring ito ay buhat nang pag-iisip natin na ang mga babae ay dapat parang si Maria Clara, ngunit
mahalaga na ating tandaan na si Maria Clara, ang disente at mahinhing si Maria Clara, ay nagawa paring bastusin ng
isang lalaki, kaya hindi katanggap-tanggap na isisi sa pagiging “kabastos-bastos” ng babae ang pang-aaping kanyang
naranasan, dahil ang diskriminasyon ay walang pinipiling tao. Importante na matutunan ng bawat kasarian ang
disiplina sa sarili, at ang pagrespeto sa lahat ng sekswalidad.

You might also like