You are on page 1of 2

Activity # 5: Walang Rape sa Bontok

Lomugdang, Trisha Jane


BECO – 3B

Sa pamagat palang na “ Walang Rape sa Bontok” talagang madami na


agad tanong ang pumapasok sa utak ko at mabababaw lang din yung mga
kasagutan na nakukuha ko, hanggang sa naumpisahan ko ng panoorin ang
bidyu at talagang hindi ako makapaniwala na pwede palang ganun yung
mangyare sa isang komunidad, yung walang rape. Sa unang bahagi palang
ng kwento, may dalawang babae na agad ang nag open-up tungkol sa
naging karanasan nila sa rape, at nakakalungkot lang kasi sa murang edad
nila naranasan yun at talagang tumatak na sa isip nila na may ganung
pangyayare sa buhay nila. Kaya talagang tinuloy nila itong research na ito
para malaman kung talagang may lugar ba ang mga babae sa mundong ito
na kung saan malaya sila.
At isa nga ang Bontoc sa mga lugar na hindi pamilyar sa konsepto ng
rape. Pwede pala yun? Yung wala silang alam tungkol sa mga ganung
bagay. Hindi ba sila naabutan ng edukasyon sa mga panahon na iyon? O
sadyang nagagawa na nila, pero hindi nila alam na rape pala ang tawag don.
Habang tumatagal ang aking panonood, mas naliliwanagan ako na talagang
nag e-exist nga yung ganung community, yung rapeless. Sa panahon kasi
noon, talagang malaki yung respeto ng mga kalalakihan sa mga babae, dahil
eka nga nila wala sila sa mundong ito kung hindi dahil sa mga babae, kasi
yung mga babae yung nagbigay buhay sa kanila. Normal din sa kanila na
makakita ng mga private part ng mga babae, at hindi sila nag iisip ng
negative tungkol don kasi yung mindset nila pag babae, babae lang talaga.
Walang mali sa pagpapakita nila ng mga ari o kahit ng breast part ng mga
ito. Nakakabilib lang na pag naririnig ng mga kalalakihan yung salitang
“rape” e talagang diring diri sila, at napapatanong pa kung bakit ginagawa
yun ng isang lalaki sa mga babae, kung pwede mo naman siya ligawan sa
tradisyunal na paraan. At isa pa nakatira sila sa mataas na bundok, ni isang
teknolohiya wala silang ginagamit kaya hindi sila aware sa mga ganung
salita ng mga taga patag. Tanging tahimik at payak ang pamumuhay nila sa
bundok, at masaya sila sa ganung gawain sa pang araw-araw. Sa kanilang
pag iikot-ikot at pagtatanong, napatunayan na wala ngang rape sa Bontoc
dati, dahil mas malakas ang kanilang paniniwala na kung saan nagiging
dahilan rin para mapagtibay ang kanilang kultura. At grabe yung
pagpapahalaga nila sa mga kababaihan, talagang siniserve nila ito as
treasure.
Sa paglipas ng panahon, unti-unting nasasakop yung mundo natin ng
teknolohiya at nalalason ang mga utak ng tao tungkol sa salitang “nudes.”
Hindi na kasi mapipigilan ang kalibugan ng iilan sa mga kalalakihan
ngayon, lalo na at mulat sila sa social media. Hindi na nila tinitignan ang
mga babae bilang babae, kundi pampawi ng init nila sa katawan. Malaki
ang epekto nito lalo na sa mga kabataan, dahil baka magaya nila ito or
gawin din nila sa iba, Walang pinipiling edad ang rape sa bansang ito, dahil
mapabata man o matanda ay narirape parin at ang worst lang ay pinapatay
pa nila. Masyado ng nabaon ang ating kultura at paniniwala, kaya hindi na
ito binibigyan ng kahalagahan. At mga tao ngayon wala ng takot gumawa
ng mali, dahil iisipin lang nila na makukulong lang naman sila, pwede
naman mag piyansa para makalaya agad, hindi tulad sa Bontoc na grabe ang
kapalit pag ginahasa mo yung babae. Huwag lang sana dumating sa punto
na ang pangrirape ng isang tao ay maging normal. Nakakatuwang malaman
na minsan may lugar pala sa Pilipinas na kung saan malayang nakakakilos
ang mga kababaihan, at napoprotektahan ang kanilang karapatan at
pagkababae. Sana ol Bontoc!

You might also like