You are on page 1of 6

Panganiban, Roman Cyril A.

2008- 03955

Anthro 187
September 26, 2012

Dear Sir,
Una sa lahat, salamat sa isang semestre na puno ng bagong mga kaalaman, mga katuwaan at mga
paglilinaw na sadya nga namang nagbigay sagot o luminaw sa mga katanungan ko at pati na rin
ng aking mga kaklase. Sa umpisa ay medyo nasindak ako dahil sinabi niyo na magtatawag kayo
sa klase lagi pero ang pagtatawag pala na iyon ay isang bahagi para mas matutuhan naming ang
mga aralin. Simula umpisa hanggang huli ay may natutuhang bago kada Miyerkules at Biyernes
o di naman kaya ay mabibigyang linaw ang isang bagay at nagpapasalamat po ako dun. Tuwing
di nga ako makakapasok ay tila isang exciting na aralan ang namimiss ko pero napagtanto ko na
lahat naman pala ng aralin ay ganun.
Una sa lahat ng mga aralin ay tungkol sa Kultura. Dito ko natutuhan na ang tao ay nahahati sa
biological at sa cultural na aspeto. Ang biological ay tumutukoy sa matter at substance na
nagsasabing ang tao ay isang organism na binubuo ng mga genes ang impormasyon ukol sa
kanya. Sa kabilang banda naman, ang culutural ay ang subhektibong parte ng tao at kasama ditto
ang mind at meaning. Sinasabi ditto na ang tao ay person at pwedeng maturuan. Dito ay
napagalaman ko n gang tao ay hindi lamang basta- basta na minsan ay pwedeng maging
kumplikado pero maaring namang magkaroon ng kaalaman ukol dito.
Sunod naman ay ang panunuod ng History of Sex na dokumentaryo na naglalalarawan sa sex
nung Victorian, Middle Ages, Eastern at Ancient Civilizations. Dito ko natutuhan na ang sex ay
dapat hind imaging taboo na paksa dahil natural ito at parte talaga ng buhay ng tao noon pa man.
Kung wala nga naman ito, wala ring tao dahil mauubos ang lahi.

Ikatlo ay ang Sex and evolution. Dito ay sinabing sex drives evolution and evolution drives sex.
Napagtanto ko na magkaakibat nga talaga ang dalawang paksa na iyon. Maraming kaganapan
noong una pang panahon ang naganap para mas mapaayos ang sex at nagging daan ito patra mas
mapaayos naman din ang evolution ng tao. Kasama din ditto ang mga bagay na nagaganap sa
katawan ng tao kapag nakikpagtalik. Ilan sa mga ito ay ang paglabas ng Oxytocin, Cortisol,
dopamine, testosterone at endorphins. Ang mga ito ay nagbibigay ng pagkamalapit sa isat- isa,
nagpapababa ng stress, nagpapakilig, nagpapalibog at nagdudulotng sarap ayon ito sa
pagkakaayos sa una. Talagang nga namang magandang malaman ito dahil ito ang nangyayari sa
iyo at dapat alam mo ito.
Sunod na dalawang paksa ay ang mate selection at homosexuality. Sinsabi ditto na ang pagkaakit
ay hindi lamang pisikal ngunit may iba din namang tinitignan. Kasama na din ditto ang
monogamy at promiscuity. Ang monogamy umano ay ang tanggap sa atin pero mas mabisa ang
promiscuity kung ang paguusapan ay ang pagpapanatili ng lahi dahil mas malaki ang pagkakaton
nitong magparami. Sa homosexuality naman ay sinasabing lahat tayo ay bading na tama nga
naman. Kung titignan lahat naman tayo ay may pagabading di ba? Kaya bakit ba sila inaalipusta?
Hindi naman sila iba kung titignan. Siguro ay mali o hindi tama ang tingin ng lipunan sa kanila
para hindi dapat ganoon dahil sa isang tingin naman ay lalaki at babae din sila na iba lang ang
pagnanais sa buhay.
Ang mgaaphrodisiacs naman ang sunod. Dito ay nakita ko na saan mang parte ng mundo ay may
tumatangkilik nito. Pinapatunayan lang nito na kahit nasaan ka man, ang pagtatalik ay
nangyayari. Di ba totoo? Meron ditto na mga hayop ang tinitira o halaman o kahit nga ugat eh
basta malaman nila na pwedeng makapagpagana sa kama. Dito makikita na ang pagtatalik ay

hindi lamang para magkaanak kundi para pasarapan din ang sarili. May epekto man o wala ang
pampagana ay go lang sila ate at kuya baka naman mas mapasarap.
Sunod naman ay ang globalisasyon na kaugnay ng sex. Dito ay makikitang ang teknolohiya ay
may impluwensya din sa pagtatalik. Ngayon kahit nasaan man yung kaparis mo, pwede na dahil
andyan ang internet, ang webcam at iba pa. Mas madali din makahanap ng pwee mong makatalik
na hidni tulad dati na kailangan maglakabay ka pa kung saan- saan. Tunay nga namang
pinapadali ng teknolohiya ng buhay ng tao saan mang aspeto.
Napagalaman ko din ang pagkakaiba ng babae sa lalaki na may kaugnayan sa sex at masasbi ko
na sang- ayon ako ditto base sa mga nakikita sa realidad. Sinasabi na ang babae ay may kaakibat
na emosyon lagi lalo na kung pagtatalik ang pag- uusapan at ang lalaki naman ay go lang ng go
saan man at kalian man. Hindi ba tama nga naman ito? Pero sa paglipas ng panaahon ay
nagkakaroon nan g kompromiso sa pagitan ng lalaki at babae para nga naman walang talo at
panalo lahat.
Sunod ay ang pagnood ng Sexual Revolution na nagpapakita ng impluwensya ng media kasama
na ang musika kaugnay sa sex. Dito makikita ang ibat- ibang sanhi at bunga na dulot nito.
Ang huling dalawang paksa ay ang arousal at rape. Sa arousal ay makikitang ang utang ang
pinakaseksing bahagi ng tao. Nakakatawa man pero totoo na ang mga lalaki ay tila aso at ang
mga babae ay magulo. Pero aso man daw ang lalaki ay pwede mo itong turuan na umasal ng
tama at magulo man daw ang babae ay may rason naman kung bakit. Sa usain naman ng rape ay
nakita ko ang mga pantasya ng babae ayon sa mga saliksik at bakit ang mga lalaki naman ay
nanghahalay. Masasabing bawat katanungan ay pwedeng mahanapan ng sagot at pwedeng
maigyang linaw sa tulong ng siyensa at iba pang salik.

Sa loob ng ilang buwan ay ang dami kong natutuhan sa asignaturang ito at salamat uli sir sa
lahat. Dati- ratiy kasi sobrang taboo sa akin ng ganitong mga usapinb pero hindi naman pala
dapat maging ganoon dahil sa pagaaaral natin ay mas nakilala ko ang aking sarili. Nakita ko na
ang sex ay natural lamang at hindi dapat ikahiya pero baka nga dahil sa kultura kayo ganito tayo
ngayon sa usaping ito. Pero ang importante ay namulat ako sa mga bagay- bagay at nagkaroon
ng karagdagang kaalamn. Salamat po sir. At sang- ayon ako na lahat tayo ay parehas pero
magkakaiba.

Salamat,
Ang minsan ay sobrang late ngunit totoo namang nakikinig ng maigi mong estudyante

You might also like