You are on page 1of 2

Keyna: Magandang umaga pilipinas at Magandang umaga kababayan!

, Sa araw na ito ang balitang


ibabahagi naman sainyo ay ang isang programa na edukasyonal tungkol sa gender timeline upang
mas maintindihan natin ang kahalagahan ng ebolusyon ng pagbabago isa itong kolaborasyon na
ginawa ng iba ibang Unibersidad sa ating bansa.

Frank: Ngayong araw, ay madami tayong makapapanayam na mga tao na may ibat ibang opinion
sa buhay galing sa ibat ibang paaralan na may maibabahaging aral sa isyung tatalakayin natin
ngayon. Unahin natin ang studyanteng representative ng Batangas State University pakinggan
natin ang kanyang ulat tungkol sa kung ano ba talaga ang gender timeline noong panahon ng Pre -
kolonyal.

Aivan: Sa panahon ng pre-kolonyal na Pilipinas, ang mga kababaihan ay malaking kontribusyon sa


pag-unlad ng mga domestic na industriya kabilang ang paghabi, pagbuburda, at pagpaparami ng
baboy at manok. Lumahok sila sa pagkuha ng pagkain, pangangaso, at pangingisda kasama ang
kanilang mga katapat na lalaki. Bago ang kolonyalismo, ang pangangalunya, kawalan ng anak, at
kawalan ng kakayahan na gampanan ang mga tungkulin sa pamilya ay mga batayan para sa
diborsyo para sa kapwa lalaki at babae. Sa isang diborsiyo, ang lahat ng mga bata, anuman ang
kasarian, at mga ari-arian ay pantay na ipinamahagi.

Frank: Maraming salamat Aivan Tan! ngayon pakinggan naman natin ang ulat ni Vien Virtucio na
representative ng University of the Philippines kung ano ba ang masasabi nya sa gender timeline
noong panahon na ng espanyol

Vien: Base sa mga pananaliksik at sa aking mga natututunan. Ang karaniwan na alam natin ay ang
mga kababaihan ay itinuturing na mas mababa sa kalalakihan, dulot nito ang kawalan nila ng
karapatan sa pag-aaral dahil pinaniniwalaang sila'y pantahanan lamang habang ang lalaki ang nag-
aaral. Ngunit mas palawakin pa natin ito

Ang mga lalaki noon ay may kalayaan na magsuot ng kahit na ano, ang mga babae naman ay hindi
dapat magsuot ng malalaswa sa paniniwalang ito ay mula sa demonyo. Noon, habang bata pa lang
ang babae ay sinsanay na sila kung paano maging mabuti at mapagmahal na ina sa anak at asawa,
hindi nila kinakailangang magkaroon ng mataas na pinag-aralan, habang ang lalaki pinag-aaral para
magkaroon ng mataas na puwesto, gaya ng manananggol, doktor, o inhinyero (engineer).

Sa mga kasayahan, hindi pinapayagang dumalo ang kababaihan kung sila ay nag-iisa, kinakailangan
na sila'y may kasamag kapatid o kamag-anak. Habang ang lalaki puwedeng magpunta mag-isa. Sa
pamilya naman itinuturing mas mataas ang kapatid na lalaki kaysa kapatid na babae.

Keyna: Salamat Vien Ngayon ay kilalanin naman natin ang isang guro na nagtapos mula sa
Pamantasan Lungsod ng Maynila pakinggan natin ang kanyang sasabihin patungkol sa gender
timeline sa panahon ng amerikano.

Nicole: Sa pagsakop ng mga Amerikano, ang babae ay binigyan na ng karapatan na makapag-aral


dahil sila ay nagpakilala ng libreng sistema ng pampublikong edukasyon na nagbibigay ng
oportunidad sa kahit sinong bata kahit ano pa man ang kasarian. Mula noon, naging pantay ang
pagtanggap ng mga paaralan sa mga babae’t lalaki.

Sa panahong iyon, ang gampanin ng mga lalaki at babae ay hindi na gaano malayo at magkaiba. Ito
ay dahil sa liberal na ideya na dala ng mga Amerikano. Nagkaroon ng pantay na karapatan ang mga
babae’t lalaki sa pag-aaral at tuluyan na ring nabuksan ang kaisipan ng mga kababaihan.
Frank: Salamat Binibining Nicole Morta Bago naman tayo dumako sa susunod na magbabahagi ay
magbibigay ako ng isang fun fact tungkol sa balita ngayong araw. Alam nyo ba Na Bawat isang
daan na lalaki sa mga posisyon sa pamumuno sa buong mundo, Mayroon lamang tatlumput pitong
kababaihan. Isa sa tatlong kababaihan sa buong mundo, kabilang sa mga mauunlad na bansa tulad
ng sa US At ngayon naman ay ang studyante na galing sa National University pakinggan natin sya
sa kanyang pagpapahayag sa gender timeline noong panahon ng hapones.

Dominic: Base sa aking pananaliksik kung ano ng aba talaga Noong panahon ng Hapon, Ay ang mga sundalo
lalake ay naging biktima ng Bataan Death March, binubuo nito ng 65k na sundalo, 28k na sibilyan, at 12k na
Amerikano. Dati sa panahon ng hapones ay mahigpit ang militar

Na nagdudulot sa mga kababaihan Noong panahon ng Hapon, higit isang libong babae at iba sakanila ay
menor de edad ay naging biktima sa pagiging sex slave ng mga Hapon para sa entertainment na tinatawag nila
noon. Ito ay klaro satin na kulang ang salitang oppresyon sa kababaihan noon para idescribe ang kanilang
naranasan.

Frank: At sa panghuli natin ay ang representative na si Vien Virtucio parin na magbabahagi ng


kaalaman sa kalagayan ng gender timeline sa kasalukuyang panahon naman

Vien: Sa kasalukuyang panahon ay madami paring tao ang may ibat ibang masasabi dahil
meron tayong iba ibang pananaw sa buhay, Sa panahon ngayon ay mas naging matapang at
mas pinaiigting na ng mga kababaihan ang opinion nila at hindi na basta basta nagpapatinag.
O hindi na hahayaan na bastusin lamang. Mas nabibigyan na ng pansin lalo na ng mga
kabataan ang halaga ng GENDER EQUALITY sa mundo hindi lamang sa ating bansa.

Frank: Maraming salamat sa lahat ng tumutok sana ay may naibahagi kaming aral na
maipupulot sa balita ngayong araw at wag nating kalimutan na ang pagrespeto ay walang
pinipili na araw o tao.

Keyna: Muli mga kababayaan ako nga pala si Keyna Manahan


Frank: At ako naman si Frank Rongralerios

Both: Ito ang Good Morning philippines laging tandaan, Sa ikauunlad ng bayan,
disiplina ang kailangan. Maraming Salamat po!

You might also like