You are on page 1of 28

Kababaihan sa

Silangan at Timog-
Silangang Asya sa
Makabagong Panahon
CHINA - Malaki ang impluwensya ng
kaisipang Confucianismo at kaunlaran
sa takbo ng buhay ng kababaihan sa
Silangang Asya. Katulad ng mga bansa
sa Kanluran at Timog Asya, ang
Confucianismo na nagsusulong ng
patriarchal na lipunan ang pumipigil
sa kababaihan na mamayagpag.
Dahil din sa industriyalisasyon ng
mga bansa sa rehiyon, nararanasan
ng kababaihan ang magaganda at
masasamang bunga ng kaunlaran
sa kanilang kalagayan at
pagsusulong ng kanilang mga
karapatan sa lipunan.
Sa sinaunang Tsina, ang sukatan ng
kababaihan ay ang kakayahan na
makapagbigay ng anak na lalaki.
Laganap din ang feudal marriage o
pakikipagkasundo ng magulang para
sa pagpapakasal ng mga anak upang
mapalawak ang nasasakupan at
kapangyarihan.
Sa pagpasok ng Kanluraning impluwensya
sa panahon ng dinastiyang Qing,
nagsimulang manawagan para sa pagbabago
sa lipunan gaya ng pagkakapantay-pantay sa
kasarian, kalayaan sa pagpili nang iibigin at
pakakasalan, at karapatan sa edukasyon at
paggawa ng kababaihan. Tinawag itong May
Fourth Feminism at pinangunahan ng
kalalakihang nakapag-aral sa mga
Kanluraning paaralan.
Ipinagbawal na din ang
footbinding simula 1902
pero ilang dekada pa bago ito
tuluyang nawala at tanging
sa syudad lamang.
Malaki ang naitulong ng Sosyalistang pamahalaan sa
pagbabago ng katayuan sa lipunan ng kababaihan
matapos itong itatag noong 1949. Ayon sa pinuno
nitong si Mao Zedong, “Women hold up half the
sky” na ibig sabihin malaki ang tulong ng kababaihan
sa lipunan at ekonomiya. Upang matanggal ang
tradisyunal na pagtingin sa mga babae, nagkaroon ng
malawakang edukasyon tungkol sa Marriage Law ng
1950 na nagbawal sa prostitusyon, kasunduang kasal
sa mga bata, at concubinage.
Nagkaroon din ng libreng kasal at
diborsyo. Subalit, nang tumaas ang bilang
ng mga pinapatay at nagpapakamatay na
kababaihan dahil sa diborsyo, hinigpitan ng
pamahalaan ang proseso ng diborsyo at
isinulong ang kahalagahan ng gawaing
bahay sa kababaihan upang magkaroon ng
maayos na pamilya
Sa pagsisimula ng Great Leap Forward
Movement noong 1958, ibinigay sa
kababaihan ang trabaho ng kalalakihan na
inilipat sa ibang industriya. Naging kolektibo o
tulung-tulong ang mga gawaing bahay ng mga
pamilyang magkakasama sa isang pamayanan,
kooperatiba o samahan. Nagtayo nang higit
3.6 milyong kainan, at higit 4.9 milyong
kindergartens at nurseries na pinapatakbo ng
kababaihan.
KOREA. Sa tangway naman ng Korea,
magkatulad ang kasaysayan ng kababaihan sa
dalawang bansa bago naghiwalay.
Sa panahon ng Silla, mataas ang katayuan sa
lipunan ng kababaihan gaya ng pamumuno ni
Reyna Seondeok. Sa panahon ng Koryo,
pinayagan ang mga biyuda na muling mag-
asawa at kapantay ng babae ang lalaki sa
karapatan sa mana.
Ngunit sa panahon ng Joseon, sinunod ang
pamantayan ng Neo-Confucianismo na ang
batayan ng pagiging mabuting babae ay ang
pagiging masunurin sa ama, asawa, at anak.
Pinagbawalan rin magpakasal ang biyudang
babae at tanging asawang lalaki lamang ang
maaaring magdiborsyo sa kanyang asawa nang
dahil lamang sa kawalan ng anak na lalaki o di
kaya ay hindi makasundo ang magulang ng
lalaki.
Sa pagbubukas ng Korea sa pandaigdigang
kalakalan noong huling bahagi ng ika-19 siglo,
pumasok ang impluwensya ng mga Kanluranin.
Nagtayo ang mga misyonerong Kristiyano ng
mga paaralan para sa kababaihan gaya ng Ewha
at Hansong. Sa panahon naman ng pananakop ng
mga Hapon, lumahok ang kababaihan sa mga
kilusan para sa kalayaan. Sa pagtatapos ng
digmaang sibil sa tangway, nag-iba ang kuwento
ng kababaihan sa dalawang Korea.
1.Sa Hilagang Korea, isinusulong ng
pamahalaan ang pagkakapantay- 6 pantay ng
kasarian ngunit sa prinsipyo lamang. Noong
1946 isinabatas ang Sex Equality Law.
2.Sa pagtatag ng Republika ng Korea sa
Timog Korea noong 1948, tiniyak ng
kanilang Saligang batas ang pantay na
karapatan para sa kababaihan gaya ng pagbari-
arian.
3.Tumaas ang bilang ng kababaihang
nakapag-aral at nakapagtrabaho.
4. Noong 1950s inumpisahan ang
kilusang Chollima na pagsasamasama
ng lahat ng gawaing bahay ng
kababaihan gaya ng pag-aalaga ng
bata, kindergartens, paglalaba, atbp.
TIMOG-SILANGANG ASYA Kapag pinag-
uusapan ang kababaihan sa panitikan ng
Timog-Silangang Asya, madalas
ipinahihiwatig na sila ay kapantay ng
kalalakihan gaya ng Kwento ng Unang Tao sa
Pilipinas kung saan si Maganda at Malakas ay
sabay na lumabas sa buho ng kawayan. Sa
panitikan ng Burma, babae ang huwes na
tinatawag na Prinsesang Maaalam sa Batas.
Sa Cambodia, may kaparehong tradisyon ng pamamanhikan
sa Pilipinas kung saan nagsisilbi ang lalaki sa tahanan ng
babaeng papakasalan ng 2 - 3 taon. Sa kasalukuyan, ang
paninilbihan ay napalitan na ng dote mula sa pamilya ng
lalaki bilang kabayaran sa pag-aaruga o gatas ng ina.
Sa lipunang Khmer matapos ang kasal, tumitira ang bagong
kasal malapit, kundi man, sa mismong tahanan ng magulang
ng babae (uxorilocality). Kasama sa pinamamanahan ang
mga babae gaya sa Burma na ang mga balon ng langis ay sa
babae ipinamamana. Mababasa rin sa kasaysayan ang mga
babaeng pinuno ng lipunan. Kaya, masasabing matriarchal
ang lipunan ng Timog-Silangang Asya.
1. Sa Cambodia, mas mahalaga ang edad kaysa kasarian.
Dahil sa impluwensya ng Budismo na nagtuturo ng merit
at karma, ang katayuan sa lipunan ay ayon sa asal o kilos
ng isang tao. Sa kababaihan, mataas ang respeto ng
lipunan sa nagpapakita ng inaasahang tamang asal gaya
ng paglakad nang mabagal at walang ingay na maririnig sa
laylayan ng palda. Inaasahan ang kanyang pagiging
mahiyain at masipag sa gawaing bahay, marunong
humawak ng pera, at hindi palalabas ng bahay lalo na
kung walang kasamang kamag -anak. Inaasahan din na
pagsisilbihan niya ang kanyang asawa at magiging
tagapayo nito.
Matapos ang malupit na rehimen ni Pol Pot kung
saan maraming kalalakihan ang pinatay ng Khmer
Rouge, kinailangan nang maghanapbuhay ng
kababaihan gaya ng pagtitinda, pagtatrabaho sa
paggawaan ng tela, at construction upang
suportahan ang kanyang pamilya. Mababa ang tingin
sa mga ulilang walang tagapangalagang ama o kuya.
Maraming kababaihan ang hindi na nakapag-asawa
at naging monghe. Higit sa kalahati ng populasyon
ay babae kaya ang kababihan ang nagsaka ng lupain.
2.Sa Burma o Myanmar, walang ginagamit na
apelyido kaya hindi nagbabago ang pangalan ng
babae sa kanyang pag -aasawa. Maaaring
magtrabaho ang babae sa larangan ng batas,
medisina, at negosyo. May karapatan rin siyang
pumili ng mapapangasawa, tumira sa bahay ng
kanyang magulang kahit may asawa na, at maaaring
hiwalayan ang malupit na asawa kahit walang
pahintulot ang lalaki. Kapag hindi na sila nagsasama
ng isang taon at walang suporta mula sa lalaki maaari
nang idiborsyo pero 3 taon ang kailangan para sa
lalaki.
Ang karapatan sa pagboto at politika ay hindi
naging suliranin para sa kababaihan sa
Indonesia dahil kasama sila sa mga nakaboto
sa unang halalan sa bansa noong 1955. Sa
katunayan, si Megawati Sukarnoputri 11 ang
unang naging babaeng Pangulo (2001 - 2004)
at Pangalawang Pangulo sa Indonesia
samantalang itinalaga naman bilang
tagapagmana ng Kaharian ng Yogyakarta si
Prinsesa Mangkubumi.
3.Ang katayuan at pangangailangan ng kababaihan
sa Singapore ay kahalintulad sa Japan. Nakasaad sa
aklat na The Three Paradoxes: Working Women in
Singapore nina Jean Le S.K., Kathleen Campbell, at
Audrey Chia, ang sumusunod:

Inaasahan ng lipunan na pangunahing tungkulin


pa rin ng babae ang pagiging ina at maybahay
kahit may propesyunal na trabaho ito.
Nagdudulot ng problema ang pagtatrabaho
ng maybahay gaya ng pagdami ng diborsyo
na sanhi ng problema sa mga anak,
pababang birth rate, at mataas na bilang ng
mga matandang dalaga.
Nahihirapan ang babae na umangat sa
posisyon sa trabaho kahit mataas ang
pinag-aralan dahil sa kaisipang mas
decisive at assertive ang lalaki.
4. Sa Thailand, mahirap ang pakikipaglaban ng
kababaihan sa karapatan. Gayunpaman, ang
kababaihang Thai ang una sa Asya na nabigyan ng
karapatan bumoto noong 1932 at noong 2011
naitalaga ang unang bababeng Punong Ministro ng
bansa, si Yingluck Shinawatra. Gayundin,
maraming mga samahan ang naitatag gaya ng
International Women's Partnership for Peace and
Justice (IWP), Association for the Promotion of the
Status of Women (APSW), at The Foundation for
Women.
Thai Buddhist Femenist
Theory, isang paraan nang
pagtulong sa inabusong
kababaihan sa pamamagitan ng
ispiritwal na gawain gaya ng
meditasyon, tamang paghinga,
at pakikinig.
5.Malaki ang ambag ng kababaihan sa paglaya ng Vietnam
at noong panahon ng digmaang sibil noong 1945 - 1975.
Kinikilalang bayani si Trieu Thi Trinh at ang magkapatid
na Trung sa paglaya ng bansa sa kontrol ng Tsina. Sa
panahon ng digmaan, nagsilbi silang bantay, espiya,
propagandista, sundalo, guro, ina, at tagapagtaguyod ng
pamilya habang ang asawa ay nakikipagdigma. Dahil dito,
nakawala sila sa makalumang pagtingin sa babae na
impluwensya ng Confucianismo sa kanilang bansa.
Itinuturing silang Ba Me Anh Hung (Hero Mothers) dahil
sila ang tagapagtaguyod ng susunod ng henerasyon.
Sa kabila ng impluwensya ng Kanluraning mananakop at
relihiyong patriarchal sa Pilipinas, hindi nawala ang
respeto ng lipunang Pilipino sa kanilang kababaihan dahil
sila ang sentro ng pamilya na pundasyon ng lipunang
Pilipino.
Bago ang kolonyalisasyon, maaaring maging
manggagamot, pamanahan, makipaghiwalay sa asawa,
makipagkalakalan, maging babaylan, at mamuno ang
kababaihan. Maraming hara o dayang (reyna) ang
mababasa sa panitikan gaya nina Urduja ng Pangasinan at
Dayang Kalangitan ng Kaharian ng Tondo.
Sa panahon ng kolonyalisasyon, inasahan na maging
mabuting maybahay at ina ang kababaihan. Subalit, may
nagpakita ng katapangan para sa kalayaan ng bansa gaya
nina Tandang Sora, Gabriela Silang, Gregoria De Jesus,
Nicolasa Dayrit, at iba pa.
Malaki ang naitulong ng edukasyon at mga internasyunal
na komperensya at panulat sa pagmulat at pagbuo ng
samahan ng kababaihan sa Pilipinas. Ilan sa mga kilalang
manunulat sa Pilipinas sa panahon bago at matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sina Liwayway
Arceo, Genoveva Edroza Matute, at Lualhati Bautista.
Sa paglaya ng bansa at pag-usad ng
kaunlaran, unti-unting nanumbalik ang
kinang ng kababaihan sa iba’t ibang
larangan.
1937 – pinayagang bumoto ang mga
kababaihan sa Pilipinas matapos manalo
ang botong ‘Payag o Oo’ sa isang plebesito
(Woman's Suffrage Plebiscite Bill)

You might also like