You are on page 1of 3

Soc R.

Tuason Filipino 40
2014 77411 March 11, 2015
Walang rape sa Buntoc
ni Carla Ocampo
Isang reaksyon

Noong unang semestre ko dito sa UP, sa Kasaysayan at Arkiyoloji , nalaman ko na matataas ang posisyon

at simbolo ng mga kababaihan sa istruktura at politika ng isang pamamayan bilang ispiritwal na pinuno at tagapayo.

Natutunan ko rin na ang mga katutubong Pilipino noon ay walang konsepto ng ari, panahon at lugar. Ibig sabihin

wala silang inaangkin, tao man, bagay o panahon, kayat masasabi ko na pantay-pantay ang mga katutubo noon

bago ang Civilization, at ang kulturang dala nito.

Nagsimula ang dokumentaryo sa dalawang Pilipinang, may nakaraang karanasan na pang-aabuso,

naghahanap ng lugar kung saan maaring ligtas na manirahan ang mga kababaihan na hindi natatakot sa

pang-aabuso. Nagkataong nakadaan sila ng pag-aaral na nagsasaad na walang konsepto ang mga Bontok ng rape.

Dito nila sinimulan ang sarili nilang pag-aaral tungkol sa kultura ng Bontok ukol sa rape. Ayon sa synopsis:

Through judiciary archives, local government records, and the oral narratives of Bontok elders, the
mission does find its holy grail, albeit almost dead: suffocating under the inevitable weight of alien culture
and mass media. If at all, the rape-less society still exists, but only within very small, tightly-knit Bontok
communes. Still exists, but trapped in the rapidly-fading past: the last evidence proving its very existence is
the collective memory of Bontok elders who do not even know each other, all saying Idi, awan! Tatta, addan
(In our days, there was none! But today, there is rape).

Mula sa synopsis matututunan natin na mayroon o nagkaroon talaga ng komunidad na walang rape, ngunit

pawala na ito sa pag-agos ng panahon, nakakamangha man isipin na may lugar talaga sa mundo na walang

konsepto ng rape. Karamihan satin ay magtatanong kung seryoso ba talaga ito o hindi. Ganun kalalim ang kultura ng

rape sa kaisipan ng mga tao at maspinalala pa ng lipunan at ng pop culture at midya.

Kung susuriin, nangyayari ang rape sa mga lipunan na ginagawang bahagi ang dahas at rape sa kanilang

kabuhayan o kultura. Isipin mo, ano ba ang mga popular na pinapalabas sa mga teleserye? Hindi ba isa doon ang

mga anak sa labas at pag-iwan ng asawa pagkatapos makabuntis? Hindi ba nito pinapakita sa mga manonood ang

mahahalintulad sa rape?

Sanggunian:
http://www.imdb.com/title/tt4024848/synopsis?ref_=ttt_ov_pl
Ngunit ayon sa pag-aaral ni Dr. June Prill-Brett, ang Buntoc ay walang katutubong konsepto at salita ng

rape. Pero kung walang salita o konsepto hindi ibig sabihin na wala o hindi ito nangyayari sa araw-araw na buhay ng

mga Buntok.

Maganda ang kanilang pagkapakita ng kanilang dokumentaryo sapagkat ito ay payak, malinis at hindi

umasa sa mga dagdag na pangpaganda na maaring makasira sa seryosong tema at usapan. Sinuri nila ng ma-igi at

paisa-isa ang lahat ng mga kadahilanan kung bakit walang rape sa Buntoc.

Unang nilang pinag usapan ang moral at ispiritwal na paniniwala ng mga Buntok. Dahil sa ito ay tagong

lugar sa kabundukan, hindi ito medaling mapasok ng mga kanluraning kultura. May dalawa silang pinakamalalang

pinagbabawal na pananiniwalaan nila, incest at public sex dahil ito ay magdadala ng pagkaguho at kasiraan. Ngunit

sa mga nakaraang panahon ay napasok ng modernong mundo ang Mt. Province. Kung noong unang panahon ang

tao at kalikasan ay mapayapang nabubuhay, ang tama at mali ay nakabatay sa batas kalikasan at ang moralidad ay

nakatatak sa bawat kasapi daan sa mga matatanda. Pagdating ng makabagong panahon nakasalalay na ang mga

ispiritwal at moral na pananaw sa mga doktrina, utos o pinuno na gawa at mababago ng mga tao. Ito ang dahilan

kung bakit nag hihingalo na ang mga nakaraan paniniwala.

Ikalawa ang pisikal na istruktura. Una sa lahat, mala-walang konsepto ng privacy ang mga Buntok dahil saw

wala silang bakod, kandado at manipis lang ang mga pader nila, kayat kung may ginagawa ang mag-asawa ay alam

ito ng buong tribo. Naipakita rin nila ang katutubong tradisyon na paghihiwalay ng tulugan ng mga babae at lalaki

kapag nakarating na sila sa tamang edad. Kolektibo ang tulugan at panliligaw, sapagkat ang lalaki at babae ay

pwedeng matulog magkatabi. Ang mga naandun ang proweba kung mag-aasawa na dahil alam ng lahat kung sino

ang gumalaw at nagalaw. Gayundin, kapag ang lalaki o ang babae ay hindi tinanggap ng liniligawan, alam ito ng

lahat at tutulungan nila ito maghahanap na iba pang liligawan.

Ikatlo, tribal wars. Mas angkop itong tawaging intervillage wars dahil Bontok sa Bontok ang karamihan ng

labanan at hindi laging mula sa ibang ethnoliguistikong grupo. Lalaki lamang ang nakikidigma at ang mga babae ay

maiiwan sa tribo, sapagkat sila lang ang maaaring magtanim at magdalang tao. Mataas ang paningin ng mga Bontok

sa mga kababaihan dahil sila ang nagtitiyak ng pananatili at pag-iral ng kanilang grupo. Kayat may paniniwala sila

Sanggunian:
http://www.imdb.com/title/tt4024848/synopsis?ref_=ttt_ov_pl
na kapag tiningnan ang ari ng babae ay mamamalasin at maaring mamatay. Ayon sa dokumentaryo, hindi angkop

ang kasabihan na kasabay ng kaguluhan/digmaan ang rape.

Ang pang-apat ay ang gender ideology. Dito nila pinag-usapan ang pagiging pantay ng Bontoc sa mga

babae at lalaki noon at ngayon. Naipakita ito sa Bontoc Womens Brigade, na binubuo ng mga matatandang babae,

na silay nagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan, maging sa paglibot pag curfew at pagbabantay sa mga lasing.

Sumusunod din ang Bontok sa isang pangalang lipunan kung saan ang apelyido nila ang lugar na kanilang

pinangalingan.

Panglima ang pananaw sa relasyon, kahubaran at pagtatalik. Ang mga Bontok ay may simpleng pananaw

sa relasyon, hindi katulad ng mga romantikong pananaw ng kasalukuyang panahon. Inaasawa mo ang isang tao

hindi dahil romantikong pagmamahal, kundi dahil gusto mo siya bilang kasama sa buhay. Dahil sa simpleng

paniniwalang ito at sa restrikto ng lahi/uri, mayroong mga arranged marriage. Sa kanila, hindi kailangan ng pag-iibig

at pagmamahal, sabi nga nila, matututuhan mo na lang ito. Sa pagtratrabaho naman, kapwa babae at lalaki ang

nagtratrabaho sa payew. Kahit sa gawaing bahay, ang unang dumating ang siyang gagawa ng gawaing bahay. Ayon

nga sakanila, bakit mo hihintayin ang isang taong wala pa?. Gayundin ay paningin nila sa katawan, simple.

Walang malisya kapag hubad ang isang babae o lalaki, sabay pa silang naliligo sa palikuran o ilog pagkaminsan sa

panahon wala pang pribadong palikuran. Dahil naman sa marami nilang gawain, responsibilidad at trabaho, pagod

na sila pagbalik sa bahay kayat wala silang panahon magtalik.

Pang-anim at panghuli, ang buhay sa payew. Sa Bontoc, wala silang konsepto ng rape dahil wala itong

lugar sa pang-araw-araw na gawain. Dito pinapakita na nasa mentalidad, komunidad, at kultura nagsisimula ang

masasamang gawain at pag-iisip. Katulad ng kasabihang Idleness is the root of sin.

Bago ko pa man napanood ang dokumentaryong ito, ang pananaw ko na sa rape ay gawaing nakakadiri at

nakakapagpababa sa dignidad ng taong gumawa at ng nabiktima. Ngunit, sa palagay ko rin, sabay na may

kasalanan ang dalawang tao dahil sa nakasalalay naman ang gawaing ito sa pag-iisip at pagkatao nila na siya ring

nakasalalay sa lipunan at komunidad nila. Ang ibig ko lamang sabihin ay lahat ng bagay na ito ang nabuo lamang sa

kaisipan ng mga tao, hindi ko sinasabi na hindi mali ang rape, pero nasa tao na iyan kung bakit nabuo ang kulturang

ito. Upang tuluyang mawala ang rape culture, kailangan baguhin ang lipunan at sarili na siyang kinaroroonan natin.

Sanggunian:
http://www.imdb.com/title/tt4024848/synopsis?ref_=ttt_ov_pl

You might also like