You are on page 1of 2

DISPENSASYON NG PANITIKANG PILIPINO

Panuto: Mula sa mga tinalakay hinggil sa dispensasyon ng Panitikang Pilipino ay mapapansing


nagbabago ang paksa at anyo ng mga panitikan depende sa pangangailangan ng sambayanan.
Halimbawang ikaw ay nabuhay sa isa sa mga panahong ito (maliban sa kasalukuyan), sumulat
ng isang akda (maaring nasa anyong patula o tuluyan) na aakma sa pangangailangan ng
panahong iyon.

Sigaw ng Bayan

Anong nangyari’t ikaw’y nakulong,


Nakaposas at boses ay tila laging bulong?
Sarili mo’y hindi na angkop sa tuwing may pagpupulong.
Bakit tila hinayaan mong mag-usok ang iyong ilong?

Kalayaan! Kalayaan!
Sambit ni Juan
Kalayaan! Kalayaan!
Ang ngayo’y sigaw ng bayan.

Gumising ka aking mga mata


Kastila’y tila nakapinta na sa’yong mukha.
Huwag kang pumayag, lumaban para sa ama!
Tignan mo’t nasa panganib ang bansang dakila.

Kalayaan! Kalayaan!
Alam kong ikaw’y abot-kamay lamang.
Sa tulong ng bayan at taglay na tapang,
Kalayaan! Itakda na ang araw ng paglaban!

Sigaw ng lahat ay inyong pakinggan,


Walang sinuman ang lulupig sa aming bayan!
Kami’y babalik at patas na lalaban
Buhay na payapa, aming makakamtan.
O, bayan, ngayon ang oras na pinakahihintay.
Itakwil ang masama’t ibalik ang tunay na kulay,
Unti-unting malalasap payapang buhay.
Tayo na’t lahat ay umalalay!

Kalayaan, kalayaan!
Ang sigaw ng bayan
Kalayaan, Kalayaan!
Sa wakas ay dama na sa buong Katagalugan.

You might also like