You are on page 1of 2

REVIEWER IN FILIPINO

Uri ng Taludturan
Kopla- ang tulang ito ay may dalawang taludtod sa isang saknong.
EX: Republikang Basahan (1945)

ni Teodoro Agoncillo

Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?

Ang tingin sa tanikala’y busilak ng kalayaan?

Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi,

Ang matamong nakadilat ay bulag na di mawari?

Ang buhay mo’y walang patid na hibla ng pagtataksil

Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan mong dumaraing

Triplet- ang tulang ito ay may tatlong taludtod sa isang saknong.


EX: Kalooban

ni Jose Villa Panganiban

Aninong maitim sa mukha ng araw,

Tabing na pansangga sa ngiti ng araw,

Palagay ko’y ganyan ‘pag may kalungkutan.

Malawak na laot na sakmal ng dilim

Mabigat na pataw na nagdudumiin,

Ganyan ang damdam ko kapag may panimdim

Soneto- ang tulang ito ay may labing-apat (14) na taludtod. Ang kilalang manunulat ng
soneto ay si William Shakespeare.
Soneto para sa Makatang Bayan

ni Ron De Vera

Kung wika ang sandata at tugmaan ang digma

gawan ng sarswela ang aping magsasaka

ikuwento ang buhay ng nasa selda

at ipagbalagtasan ang tunay na paglaya

kung lapis ang sandata at nasa papel ang digma

sumulat ng tula para sa mga nawawala

gawan ng dalit ang pinatay na walang aba

at bumuo ng nobela tungkol sa pakikibaka

kaya’t pulutin ang sandata at mamuno sa digmaan

pagka’t tula mo’y di lang pang silid-aklatan

ang sinulat mo’y mumulat ng kaisipan

makata ng bayan, may lugar ka sa kilusan

ang obra mo ngayo’y di na lang pang libangan

makata ng bayan, ngayon ay lumalaban!


REVIEWER IN FILIPINO

You might also like