You are on page 1of 93

FLT 209

Kontemporaryong
Panitikang Filipino
FLT
209
TULA
sa
Kontemporaryong Panahon
TULA SA KONTEMPORARYONG PANAHON

Ang panahon ng kontemporaryong


panitikan sa Pilipinas ay nagsimula
noong taong 1986. Ito ang panahon
ng paglaya ng mga Pilipino sa
pamahalaang Marcos sa
pamamagitang ng People’s Power .
TULA SA KONTEMPORARYONG PANAHON

 Ang mga karanasang pinagdaanan ng mga Pilipino


mula sa panahon ng Batas Militar hanggang sa
mapayapang pakikibaka laban sa pinunong
nagpairal nito ay siyang pinaghugutan ng
mahuhusay nating manunulat ng mga kuwento ng
kanilang buhay at ng buhay ng kanilang kapwa
Pilipino na nakapagpayaman pa ng higit sa
Panitikang Pilipino.
 Naglalaman ang panitikan ng mga kwento ng
kasiyahan, tagumpay, pighati at kabiguan na
naisusulat sa iba’t ibang anyo ng panitikan gaya ng
tula, awit, nobela, maikling kwento at iba pa.
BALIK-ARAL
TULA
 Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo
ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan
na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito
ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong
ay binubuo ng mga taludtud. Ang tula ay
pagpapahayag ng magagandang kaisipan at
pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod.
 Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin,
kaisipan, gamit ng marikit na salita.
Mga Sangkap ng Tula
1. Sukat. Ang sukat ay bilang ng pantig sa
bawat taludtod sa isang saknong. Ang bawat
taludtod ay maaaring magkaroon ng walo,
labindalawa, labing-anim, o labingwalong
pantig.
2. Tugma. Ang tugma ay pagkakatulad ng
tunog ng mga huling pantig sa bawat
taludtod. May dalawang uri ng tugma:
Mga Sangkap ng Tula
2. Tugma
• May dalawang uri ng tugma:
a. Karaniwang tugma (ordinary rhyme). Kung ang
bigkas na malumay at mabilis o malumi at maragsa
ay magkasama sa huling pantig ng mga taludtod sa
isang saknong, ito ay karaniwang tugma.
b. Ganap na tugma (exact rhyme). Sa ganap na
tugma, ang huling pantig ng bawat taludtod ay
nagtatapos sa isang tunog.
Mga Sangkap ng Tula
3. Kariktan. Ang kariktan ay kagandahan ng isipan at
diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin dito ang
kagandahan ng mga pananalitang pinili ng makata
upang iangkop sa isipan o diwang ipinahahayag ng
mga taludtod.
4. Talinghaga. Ang talinghaga ay mga pahayag na may
mga nakatagong kahulugan o di-tuwirang tinutukoy.
Maaaring ang sinasabing “naggagandahang bulaklak
sa hardin ang aking daigdig” ay ang magagandang
dalaga sa kanyang ginagalawang lipunan.
Tanyag na makata sa kontemporaryong panahon

Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan


1.Allejandro Abadilla
Tinaguriang “Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog,” si Alejandro
G. Abadilla o mas kilala sa kanyang palayaw na “AGA,” ay isinilang sa
bayan ng Rosario, Cavite. Lumaki sa simpleng pamilya, nang
makatapos sa sekondarya o mataas na paaralan ay nagtungo si
Alejandro sa Amerika upang mag-hanapbuhay at masuportahan ang
pamilya. Doon ay nagsilbi siya sa isang limbagan sa Washington.
Nag-trabaho rin siya para sa mga sikat na pahayagan noon tulad ng
Philippine Digest at Philippines-American Review. Matapos ang ilang
taon, si AGA ay umuwi muli ng Pilipinas at kanyang ipinagpatuloy
ang naudlot na pag-aaral. Taong 1934 nang siya ay makatapos sa
kursong Pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla
I
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig
II
ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig

ako ang malayang ako


matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula

ako
ang tula
sa daidig

ako
ang daigdig
ng tula
ako
III
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
ako
IV
ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako
ang daigdig

ako
ang tula

daigdig
tula
ako....
Tanyag na makata sa kontemporaryong panahon

2. Virgilio Almario
 Kilala si Virgilio Senadrin Almario bilang magaling na guro,
kritiko ng panitikan, makata, mananaliksik, tagasalin,
tagapatnugot, cultural heritage leader, at higit sa lahat ay
ang pagiging matapang na taga-taguyod ng pambansang
wika.
 Mula sa lugar ng Camias, San Miguel de Mayumo Bulacan ay
isinilang si Virgilio Senadrin Almario noong Marso 9, 1944.
Anak siya ng mag-asawang Ricardo Almario at Feliciana
Senadrin. Ang batang Almario ay lumaki at namuhay sa
isang lugar na kung saan ay payak at simple ang
pamumuhay.
Tanyag na makata sa kontemporaryong panahon

2. Virgilio Almario
 Kilala din si ya sa tawag na Rio Alma.
Koleksiyon nin mga tula
• Palipad-Hangin. (1985)
• Katon Para sa Limang Pandama. (1987)
• Sentimental. (2004)
• Estremelenggoles. (2004)
• Memo Mulang Gimokudan. (2005)
• Dust Devils. (2005)
• Sonetos Postumos, book of poems with translation by Marne Kilates and paintings by
National Artist Ang Kiukok. (2006)
• Tatlong Pasyon sa Ating Panahon, poems for children with illustrations by Mark
Justiniani, Neil Doloricon, Ferdinand Doctolero. (2006)
• Buwan, Buwang, Bulawan. (2009)
• UP Diksyunaryong Filipino
• Kulo at Kolorum
Taliba ng Bayan
(Para sa mga babaeng frontliners)
Tutulaan kitá, munti kong prinsesa,
Perlas ng silangan, at walang korona;
Lingkod ka ng bayang kung maalaala
Dahil nakíta kang lugmok sa umaga.

Wala kang medalya, gawad, o parangal


Na maitatampok sa gitna ng altar;
Ngunit may dambana ang iyong larawan
Sa puso ng madlang napaglilingkuran.
Taliba ng Bayan
(Para sa mga babaeng frontliners)
Di mo naman nais na maging balita
Ang pagkalinga mo sa maraming dukha;
Ang malasákit mo’y taal na adhikang
Kapuwa’y damayan, lalo’t may pinsala.

Tunay kang taliba: Nása unang hanay


Anumang panganib ang dapat labánan;
Kalong mo ang musmos ng kinabukasan,
Akay mo’y matandang dapat mong bayaran.

Tutulaan kitá, hindi mo man hiling,


Upang ang dibdib mo’y hindi magupiling;
Tula lámang ito, ngunit kung mapansin,
Maligaya akong ikaw ay naratíng.

Rio Alma
26 Marso 2020
Tanyag na makata sa kontemporaryong panahon

3.Roberto Anunuevo
 Makata, tagasalin, at editor
 ay isinilang sa Maynila ngunit lumaki sa Pasig
at kung saan-saang panig ng bansa ipinadpad
ng mga lagalag na paa. Iginawad sa kanya ang
Hall of Fame Award ng Don Carlos Palanca
Memorial Awards para sa kanyang kalipunan
ng mga tula . Sumungkit ng mga gantimpala
ang kanyang mga tula sa Talaang Ginto.
Tanyag na makata sa kontemporaryong panahon

• 4. Amado Vera Hernández


 ay isang makata at manunulat sa wikang
Tagalog.
 Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga
Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng
mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang
mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng
katarungang naganap sa Pilipinas noong
kaniyang kapanahunan. 
Isang Dipang Langit

Ako’y ipiniit ng linsil na puno


hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:


bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Isang Dipang Langit
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Isang Dipang Langit
Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang


sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
Isang Dipang Langit
At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Isang Dipang Langit
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
Tanyag na makata sa kontemporaryong panahon

5.Michael M. Coroza
 isang batikon manunulat at makata. Siya ay mas kilala
bilang tagasalin ng mga sulat na nasa wikang Tagalog.
Siya ay nagsusulat ng mga tula, salaysay, mga sulat na
basehan sa kathang-isip.
 ay ipinanganak noong ika-26 ng Agosto 1969 sa
lungsod ng Maynila. Siya ay nag-aral ng kolehiyo sa
kursong AB Philosophy sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Pagkatapos niya sa kolehiyo ay agad siyang
kumuha ng kanyang masteral degree sa Ateneo de
Manila University.
Tanyag na makata sa kontemporaryong panahon

Putol
Michael M. Coroza
 
May kanang paang
putol
sa tambakan
ng basura.
Naka-Nike.
 
Dinampot
ng basurero.
Kumatas
ang dugo.

Umiling-iling
ang basurero't
bumulong, "Sayang,
wala na namang kapares."
Tanyag na makata sa kontemporaryong panahon

6. Juan Miguel Severo


isang Pilipinong aktor, makata,
mang-aawit, manunulat at isang
modelo.
Isa sa mga nagpasikat ng spoken
poetry sa kasalukuyan.
ISANG LETRA
Hindi pa.
Nakakatuwa ang dalawang salitang iyon.
Hindi pa.
Para ang gandang pakinggan sa umpisa.
Parang laging may paanyaya ng simula.
Kumain ka na ba? Hindi pa.
Napanood mo na ba ‘tong pelikula? Hindi pa.
Natikman mo na ba ‘to? Hindi pa e.
Natikman mo na ba ako? Hindi pa.
Hindi pa.
ISANG LETRA
Parang laging may kasunod na “pero gusto ko sana.”
Parang nagsisimula ng maraming oo, tama, magsisimula.
May pangako ng isang simula.
Kaya siguro magandang pakinggan sa una dahil sa pinapangakong simula.
Pero hindi pa, sandali, huwag muna.
Mahal ko na ba? hindi pa.
Sandali, huwag muna,
mahal ko na ba? hindi kaya..huwag muna.
Tapos na ba? hindi pa, huwag sana.
Hindi pa.
Nagustuhan ko ‘tong dalawang salita dahil sa ibang pagkakataon para
bang
may pangako na balang araw magiging hindi na.
ISANG LETRA
Umaasa ka pa ba? Hindi na.
Naghihintay ka pa ba? Hindi na.
Masakit pa ba? Hindi na.
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
Tama. Wakas. Hudyat ng isang wakas.
Kaya siguro magandang pakinggan hanggang sa ngayon dahil sa
hinuhudyat nitong pagwawakas,
hindi ba?
Umaasa ka pa ba? Hindi na.
Naghihintay ka pa ba? Hindi na.
Masakit pa ba? Hindi na.
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
ISANG LETRA
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
Umaasa ka pa ba?
Umaasa ka pa ba?
Nakalimutan mo na ba sya? Hindi na.
Hindi na? Nakalimutan mo na ba siya?
Hindi pa.
Tangina.
Nagsimula pero ‘di tayo matapos- tapos sa hindi pa at hindi na.
Tangina. Isang letra lang ang pinagkaiba.
Wala pang isang segundo para isulat, isang pindot lang sa keyboard.
Tangina. Ang tagal na. Pero hanggang ngayon hindi pa.
‘Pag tinakpan mo nga ang letrang P magmumukha itong hindi na e.
Pero hindi pa.
ISANG LETRA
Kung anu-ano na ang pinantakip ko pero gano'n pa
din siya.
Kung anu-ano na ang pinambura ko, pero hanggang
ngayon nasa simula pa.
Kung sinu-sino na ang nilapitan ko pero na sa'yo pa
rin ang mga paa ko.
Na sa'yo pa rin ako.
Sabihin mo nga, gaano karaming salita pa ang
kailangan kong isulat para mapalitan ang isang letra?
Tangina.
Makabagong Tula

1.SPOKEN POETRY
2. FLIP-TOP
Makabagong Tula

1. SPOKEN POETRY
 Ang spoken word poetry ay ang pagsasaad ng
kwento sa pamamagitan ng isang tula. Ito ay
isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay
naglalahad ng tula sa madlang tao sa
pamamagitan ng pagsasalaysay o "narration"
sa Wikang Ingles. Kumpara sa isang normal na
tula, mas malikhain at mapaghamong gawin
ang spoken word poetry.
Makabagong Tula

1. SPOKEN POETRY
 ay mas malikhain at mapaghamong gawin.
Mas nakaaaliw rin itong pakinggan.
 ay isang anyo ng tula na may malikhaing
pagsasaad ng kwento o pagsasalaysay.
Makabagong Tula

1. SPOKEN POETRY
• Juan Miguel Severo isang Pilipinong aktor,
makata, mang-aawit, manunulat at isang
modelo. Isa sa mga nagpasikat ng spoken
poetry sa kasalukuyan.
Pagsulat ng Spoken Poetry

Upang makagawa ng isang maganda at maayos


na spoken poetry, narito ang ilan sa mga tip na
maaari mong sundin ukol sa pagsulat ng spoken
poetry:
1. Gumamit ng konkretong lenggwahe - kabilang
dito ang mga matitingkad na imahe, tunog, kilos,
pakiramdam, emosyon, at iba pa.  Ang isang
magandang spoken poetry ay nakakalikha ng
mayamang imahe sa isip ng mga nakikinig.
Pagsulat ng Spoken Poetry

2. Gumamit ng pag-uulit - kabilang


dito ang pag-uulit ng mga kaisipan
o imahe sa spoken poetry.
3. Gumamit ng mga rhyme para
may elemento ng aliw at sorpresa
sa iyong spoken poetry.
Pagsulat ng Spoken Poetry

4. Gumamit ng iyong sariling saloobin.


Ito ay upang makuha mo ang emosyon
at pakiramdam ng mga nakikinig.
5.Gumamit ng persona. Halimbawa,
kung gagamit ka ng persona ng ibang
tao, gamitin mo rin ang opinyon nito
kahit na ito ay iba sa opinyon mo.
Makabagong Tula

2. FLIP-TOP
 Ang FlipTop Battle League (mas kilala sa tawag
na fliptop) ay ang kauna-unahan at
pinakamalaking rap battle conference sa
Pilipinas. Itinatag ito ni Alaric Riam Yuson
(Kilala bilang Anygma) noong taong 2010. Ang
liga ay layong mas itaguyod ang Pinoy hip hop.
Makabagong Tula

1. FLIP-TOP
 Ang Fliptop ay masasabing na-impluwensyahan
ng mga orihanal na rap battle leagues sa
kanluran na naitatag naman noong taong 2008
tulad ng - Grind Time Now, King of the Dot and 
Don't Flop, na nagbigay inspirasyon sa
pagkakatatag ng Fliptop at ng iba pang liga sa
iba't-ibang sulok ng mundo. Ang ligang ito ay
nasa pamamahala ng FlipTop Kru Corp isang
kumpanya na itinatag mismo ni Yuson.
Makabagong Tula

1. FLIP-TOP
 Karaniwang binubuo ng tatlong rounds ang paligsahan na
mayroong time limit ang bawat kalahok na itinakda ng
reperi o ng namamahala. Ang obertaym ay ipinapataw
kung tabla ang laban. Ang unang sasalang ay
napagpapasyahan sa pamamagitan ng toss coin o
pagpahagis/pagpitik/pagpapaikot ng barya. Hindi
pinagbabawal ang mga barang naisulat na bago ang laban
pati na ang mga hindi pa naisusulat. Ang panunungayaw,
malalang pamimintas, at panunukso ay hindi
pinagbabawal sa laban, at nararapat na 'wag itong
Makabagong Tula

1. FLIP-TOP
 Ang magkabilang panig ay maaari ding magdala
ng props para sa event. Filipino ang
pangunahing wika na ginagamit sa laban
bagamat may mga laban din na ginagamitan ng
ibang wika at diyalekto o idyoma. Ang panalo sa
laban ay pinagpapasyahan ng mga hurado. Ang
batayan para sa paghatol ay maaaring sa
paggamit ng mga salita, ang kakaibang epekto sa
madla, at estilo sa pagra-rap.
Makabagong Tula
1. FLIP-TOP
• Mayroong tatlong battle format ang Fliptop. Written,
Freestyle, at Old School na minsa'y ipinagsasama sa Freestyle.
1. Written - Ang sa ngayon ay karaniwang labanan sa Fliptop,
wala itong background music. Maaring mayro'n o walang
sukat ang mga rima.
2. Freestyle - Noong simula ito ang madalas na format ng
labanan sa Fliptop, may mga freestyle battle pa rin ngunit 'di
na kasing dalas ng Written format. Mayroon at wala itong
background music, at wala ring sukat ang mga rima.
3.Old School - Madalas gamitin sa tryouts. Mayroon itong
background music, at naipagsasama sa Freestyle.
Makabagong Tula
May iba't-ibang variations ng rap competition sa Fliptop:
• Dos por Dos - Ito ay kampihan ng dalawa laban sa dalawang rap
emcee o femcee, maaari itong Written o Freestyle.
• Five on Five - Ito ay kampihan ng lima laban sa limang rap emcee
o femcee, maaari itong Written o Freestyle.
• Femcee Battle - Tanging mga kababaihan lamang ang maaaring
lumaban dito na tinatawag na femcee.
• Intergender Battle - Kalalakihan laban sa mga kababaihan.
• Royal Rumble - Isang rap battle na binubuo ng tatlo o mahigit
pang katao, na inaatake at matinding pinipintasan ang bawat isa.
• Secret Battle - Ito ay tulad rin ng iba, ngunit mapapanood lamang
ng mga pili o limitadong manunuod. Minsan biglaan ang laban
• Won Minutes - Isang minutong lamang na bara kada round.
Makabagong Tula

Sikat na magagaling sa Flip-top sa Pilipinas


1.Bassilyo- Lordivino Ignacio sa totoong buhay.
Siya ay isang sikat na rapper sa Pilipinas. Ang
Bassilyo ay nanggaling sa nobelang Noli Me
Tangere.
Makabagong Tula

Sikat na magagaling sa Flip-top sa Pilipinas


2. Loonie o Marlon Peroramas sa totoong
buhay. Ang kaisa-isahang nanalo Fliptop
Isabuhay champion.
Makabagong Tula

Sikat na magagaling sa Flip-top sa Pilipinas


3. Smugglaz  tinaguriang “Multi-Syllabic Machine
Gun”sa larangan ng Flip-top.
AWIT

 Ang kahulugan ng awit ay isa itong uri ng


musika na nagsasangkot ng pag-kanta o
paggamit ng boses upang makagawa ng
musika. Ang awit ay may tono, sukat at haba.
Maaari din itong sabayan ng ibat-ibang
instrumento upang higit na maging maganda
at masarap pakinggan. Maaari din itong ituring
bilang bahagi ng sining at ituring na isang
talento. Ilan lamang ito sa kahulugan ng awit.
AWIT

 Ang kahulugan ng awit ay isa itong uri ng


musika na nagsasangkot ng pag-kanta o
paggamit ng boses upang makagawa ng
musika. 
 Ang awit ay may tono, sukat at haba. Maaari
din itong sabayan ng ibat-ibang instrumento
upang higit na maging maganda at masarap
pakinggan.
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon

Kasaysayan
• Unang Bahagi (1960's – 1990’s)
 Ang mga awiting kabilang sa Filipino pop ay
ang mga kantang nauso mula pa noong
1960’s; tulad ng balad na isa sa mga uri ng
musikang tunay na bumihag sa atensiyon ng
mga Pilipino.
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon

Kasaysayan
Unang Bahagi (1960's – 1990’s)
Ilan sa mga tanyag na artistang sumikat sa pag-awit ng
balad ay sina Pilita Corrales, Nora Aunor, Basil Valdez,
Freddie Aguilar, at Rey Valera. Kasabay din nilang kinilala
ang husay nina Ryan Cayabyab at José Mari Chan sa pag-
awit at paggawa ng mga orihinal na Ingles at Tagalog na
awiting tungkol sa pag-ibig. Sa parehong dekada rin unang
nabuo ang ilan sa mga sikat na grupong pop tulad ng APO
Hiking Society at Hotdog. Noong 1980’s, ang disco group
na VST & Co. at pop icon na si Gary V naman ang
nagbigay-daan upang makilala ang dance-pop sa
industriya.
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon

Kasaysayan
• “Ginintuang Panahon” ng Hip-hop (unang bahagi
ng 1990s)
 Sa unang bahagi ng 1980’s, ang Pilipinas ay kinilala
bilang unang bansang nagkaroon ng unang hip-
hop music scene sa buong Asya at Pasipiko.
Kasabay nito ay ang pagsikat din ng magagaling at
hinahangaang mga hip-hopper at rapper tulad
nina Francis Magalona at Andrew E. na nagbigay-
daan sa pag-usbong ng Ginintuang Panahon ng
Pinoy hip-hop sa unang bahagi ng dekada ‘90.
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon

Kasaysayan
Katanyagan ng Pop-Rock (kalagitnaan ng 1990s sa
kasalukuyan)
1.Eraserheads-sa pagbungad hanggang kalagitnaan ng dekada
nubenta unang nasaksihan ang husay ng isa sa mga
pinakakinagigiliwang grupong pop-rock. Ang kanilang paglitaw
ay pinaniniwalaang nagbigay ng kritikal na sitwasyon para sa
sektor ng OPM. Nagbigay-daan din ang kanilang pagsikat sa
paglabas ng iba pang impluwensiyal na banda; tulad ng Yano,
Siakol, Parokya ni Edgar, Rivermaya, Moonstar 88, at Hungry
Young Poets. Ang istilo ng mga nabanggit ay nabuo mula sa
impluwensiya ng iba’t ibang mga musikang pop at rock.
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon

Kasaysayan
Katanyagan ng Pop-Rock (kalagitnaan ng 1990s sa
kasalukuyan)
• Nagpatuloy sa pag-unlad at paglago ang Filipino rock,
hanggang sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng mga
bagong grupo. Ilan sa mga ito ay ang Hale, Cueshe',
Sponge Cola, Chicosci, Kamikazee, Urbandub, at ang
unang virtwal na banda ng bansa, ang Mistula.. Ilan sa
mga ito ay ang Pupil, Sandwich, at Bamboo. Mayroon
ding ilang bumubuo na lamang ng sariling musika, tulad
nina Kitchie Nadal, Barbie Almalbis, at Rico Blanco.
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon

Kasaysayan
Katanyagan ng Pop-Rock (kalagitnaan ng 1990s sa
kasalukuyan)
• Ang mga solong mang-aawit at balladeers, tulad nina Regine
Velasquez, Sharon Cuneta, Joey Albert, at Martin Nievera
ay regular ding napapanood sa televisyon at naririnig sa
radyo. Sa kasalukuyan, ang mga tanyag na makabagong
soloyista, tulad nina Mark Bautista, Erik Santos, Sheryn
Regis, Sarah Geronimo, Christian Bautista, at Rachelle Ann
Go ay patuloy ding namamayagpag at iniidolo ng marami.
Bagaman, ang kanilang mga awit ay pawang mga revisyon
lamang ng mga lumang awiting OPM at banyaga.
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon

Kasaysayan
Katanyagan ng Pop-Rock (kalagitnaan ng 1990s sa
kasalukuyan)
 Ang popular na mga acoustic acts nina Nina, Juris (ng
MYMP), at Aiza Seguerra ay nagpapatunay rin ng
malawak na pagkakaiba ng Filipino pop. Ang mga
soloyistang mang-aawit ng R&B na sina Kyla at Jay-R,
at ang hip-hopper na sina Gloc-9 at Dice & K9
(Mobbstarr), ay nananatiling matatag at kinagigiliwan
sa kabila ng kakulangan ng representasyon ng
kanilang sariling genre sa kasalukuyang industriya.
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon

Kasaysayan
• Mga Grupong P-pop o Pinoy Pop (2010 hanggang sa
kasalukuyan)
 Mula sa impluwensiya ng industriya ng musikang nag-ugat at
patuloy na sumusikat sa bansang Korea, na ngayon ay
namamayagpag sa buong mundo, nabuo ang mga grupo ng
mga mananayaw at mang-aawit na nagpapakilala ng bagong
versyon ng Pinoy pop. Ang mga grupong ito ay tinatawag na
P-Pop. Kabilang dito ang XLR8, 1:43, Freshmyx, Sakto at A-
FIVE—pawang mga lalaki. At, ang grupong ng mga
kababaihan tulad ng PopGirls, Pointen at Eurasia. Mayroon
ding kombinasyon ng mga lalaki at babaing astista, ang RPM.
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon

Kasaysayan
• Internasyunal na Pagkilala
• Sa taong 2010, ang paglunsad ng unang album ng
Little Big Star 2nd runner-up at YouTube sensation na
si Charice ay kinilala ng Billboard 200 bilang
pangwalo sa may pinakamataas na kita. Ito ang
unang beses na nakapasok at nabigyan ng karangalan
ang isang Asyano sa ganitong pagkakataon. Isa rin
siya sa mga unang artistang Asyanong nagkaroon ng
kantang nanguna sa Dance/Club Play Songs ng
Billboard 200.
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon

• Sikat na mang-aawit
1.Moira dela Torre
2. Moresssette Amon
3.Angeline Quinto
4. Sarah Geronimo at iba pa
Tanyag na mang-aawit sa kontemporaryong panahon
Istilo sa Pag-awit

Ang mga mang await ay gumagamit ng genre sa


kanilang pag-awit gaya ng;
Rock
Ballad
Pop music
Hiphop music
Love song
Istilo sa Pag-awit

Gumagamit din ang mga mag-


aawit ng mga instrumenting
pangmusika gaya ng gitara,drum
at piano.
paksa pagsulat ng mga awit
sakontemporaryong panahon
pag-ibig
-kasintahan o kabiyak
-anak ng magulang
Nasyonalismo
-pag-ibig sa lupang sinilangan
Relihiyoso at pangangaral
Pagsusuri
ng
tula
TULA
Putol
Michael M. Coroza
 
May kanang paang
putol
sa tambakan
ng basura.
Naka-Nike.
 
Dinampot
ng basurero.
Kumatas
ang dugo.

Umiling-iling
ang basurero't
bumulong, "Sayang,
wala na namang kapares."
PUTOL
I. Buod ng Tula
Ang tulang ito ay pumapatungkol sa pagiging
praktikal at pagkamakasarili ng mgatao dahil sa
kahirapan. Na kung saan mas mahalaga pa sa
kanila ang mga pansariling intereskaysa ang
magmalasakit sa ibang tao. Sa halip na maawa at
manlumo sa kanyang nakita, maspinanghinayangan
pa niya ang sapatos na di niya mapakinabanagan.
Masasabi din natin na ssanay na siyang makakita
ng mga patay doon sa tambakan ng basurahan.
PUTOL
I. Buod ng Tula
Ang tulang ito ay pumapatungkol sa pagiging
praktikal at pagkamakasarili ng mgatao dahil sa
kahirapan. Na kung saan mas mahalaga pa sa
kanila ang mga pansariling intereskaysa ang
magmalasakit sa ibang tao. Sa halip na maawa at
manlumo sa kanyang nakita, maspinanghinayangan
pa niya ang sapatos na di niya mapakinabanagan.
Masasabi din natin na ssanay na siyang makakita
ng mga patay doon sa tambakan ng basurahan.
PUTOL
I. Pagsusuri
A.Anyo / Uri ng Tula
Malayang Taludturan
Ang tulang ito ay malayang taludturan sapagkat
ito’y walang sinusunod nasukat at tugma.
B.Sangkap ng Tula.
Sukat
-Ang kayarian ng tula ay nasa malayang taludturan
dahil wala itong sinusunod nasukat at hindi
isinaalang-alang ang tugma sa bawat taludtod.
PUTOL
I. Pagsusuri
B.Sangkap ng Tula.
Sukat
Unang saknong: 1, 2, 2 Ikalawang saknong: 3
2 2,4
1, 3 3
1, 3 1,2
4
2-Ikatlong Saknong: 5
1, 5
3, 2
2, 1, 2, 3
PUTOL
I. Pagsusuri
b.Saknong
Unang saknong: may limang (5) taludtod
Ikalawang saknong: may apat (4) na
taludtodIkatlong saknong: may apat (4) na
taludtod
c.Tugma
-Malayang taludturan o eksperimenta
PUTOL
I. Pagsusuri
d.Sining o Kariktan
• -Angkop lamang at simple ang pagpili ng mga
salita sa pagbuo ng tula kung kaya’tnaging
maganda ang paglalarawan.
e.Persona
-Ikatlong panauhan
f.Paksa
-Ang paksang nais ipabatid ng tulang putol ay tungkol sa
karahasan at kahirapangnagaganap sa lipunan.
PUTOL
I. Pagsusuri
f. Paksa - Ang paksang nais ipabatid ng
tulang putol ay tungkol sa karahasan at
kahirapang nagaganap sa lipunan.
g. Imahen o Larawang-diwa - Ang tulang ito
ay nagpapakita ng imahen ng kasalukuyan
tulad ng kahirapan, kaguluhan, karahasan,
kawalan ng siguridad at kawalan ng pakialam
sa ibang bagay maliban sa sariling buhay.
PUTOL
I. PAGSUSURI
III. Istilo
Ang istilo ng tulang putol ay sa paraang
karaniwang pagsasalaysay lamang ngunit
kung ito’y susuriin ay malalaman mong
mayroong malalimang mensahe ang nais
ipahiwatig nito, nais iparating ng may-akda
ang pamumuhay ng mga tao sa lipunan na
kung saan nananaig ang kahirapan.
PUTOL
I. PAGSUSURI
IV. Layunin ng Tula
Layunin ng tulang ito na ipakita sa mambabasa ang
kawalan ng malay sa lipunang ginagalawan. Karamihan
sa atin ngayon ay pawang pansariling interes na lamang
ang iniisip lalong-lalo na sa pang-araw-araw na
pakikibaka sa buhay. Sa akdang ito ay ipinapakita na ang
Pilipinas ay nahaharap ngayon sa kahirapan na kung saan
ito ang nagiging dahilan ng pagiging makasarili ng mga
tao. Sa tulang ito, kung iyong babasahin ay aakalain
mong ito’y karaniwan lamang, ngunit kung iyong susuriin
ay malalaman mo ang mahalagang nilalaman nito.
PUTOL
I.PAGSUSURI
V. Pagdulog/Teorya
Pagdulog Realismo
Layunin ng teoryang ito na ipakita ang karanasan ng tao at
lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan. Itinataguyod
ng mga realista ang pagtinging dapat na ilarawan ang buhay o
mga pangyayari sa lipunan nang makatotohanan at buong
katapatan. Pinangingibabaw sa akda ang katotohanan kaysa
kagandahan. Ang pagtingin at paglalarawan sa buhay ay dapat
na walang pagkiling. Buong katapatang inilalantad ng akda
ang mga pangyayari maging ito man ay napakapangit.
PUTOL
I.PAGSUSURI
V. Pagdulog/Teorya
Ang pagiging praktikal ng tao dahil sa
kahirapan ay patuloy pa ring nangyayari sa
ating lipunan. Nawawala ang pagmamalasakit
ng mga tao sa kanyang kapwa dahil sa
kahirapan. Mas iniisip na ng mga tao ang
pansariling buhay kaysa magmalasakit sa
ibang tao.
PUTOL
I.PAGSUSURI
V. Pagdulog/Teorya
Masasabing makikita sa akda ni Michael Coroza na
“Putol” ang sikolohikal na realismo at kritikal na
realismo sapagkat inilalarawan sa tulang ito ang tunay
na nagaganap sa buhay ng isang taong lubog sa
kahirapan, sa panahong hindi lamang kakulangan
kundi kawalan ng silya ang nangingibabaw sa buhay ng
mga maralita. Ang kahirapan ang pangunahing motibo
kung bakit humahantong sa kawalan ng
pagmamalasakit sa kapwa ang ibang tao.
PUTOL
I. PAGSUSURI
V. Pagdulog/Teorya

Simulain:
Karahasan
Patunay:
“May kanang paang putol sa tambakan ng
basura, Naka-Nike.” (Unang saknong, 1-5
taludtod)
PUTOL
I. PAGSUSURI
V. Pagdulog/Teorya

Paliwanag: Ang unang saknong ay kakikitaan ng


karahasan. Sa literal na pagpapakahulagan ng
kanang paa’ng putol na itinapon lamang sa
tambakan ng basura ay isa nang patunay sa
karahasang nangyayari sa ating lipunan. Di
maikakaila na totoong nangyayari ito ngayon sa
kasalukuyang panahon dahil kung ating tututukan
ang mga balitang ating naririnig ay mas sobra pa sa
pagputol ng paa ang nagaganap na patayan ngayon.
PUTOL
I. PAGSUSURI
V. Pagdulog/Teorya
Patunay:
“Dinampot
Ng basurero
Kumatas
Ang dugo.”
(ikalawang saknong, 1-4 na taludtod)
Paliwanag:
Ang saknong na ito ay kakikitaan parin ng karahasan. Ang pagkatas
ng dugo ay nagpapakita ng paghihirap at pasakit na dinanas ang may-ari
nito. Kasabay ng pagtagas nito ay mahihinuha ang pagkawala at
pagkasayang ng isang buhay. Sa realidad na ating nakikita ngayon, madalas
ang pagdanak ng dugo bunga ng karahasang dala ng kasamaan.
PUTOL
I. PAGSUSURI
V. Pagdulog/Teorya
Simulain:
Materyalistik
Patunay:
“Umiling-iling
Ang basurero’t
Bumulong, “Sayang,
Wala na namang kapares.

Paliwanag:Ang parteng ito ng tula ay kakikitaan ng pagkabigo at panghihinayang.


Pagkabigo dahil sa hindi pagkamit ng inaasam na mga bagay sa mundo.
Panghihinayang dahil sa pagkasira ng pag-asang nasilayan na sana. Sa
kahirapang tinatamasa ng bayan ngayon, nariyan lagi at kaakibat ng buhay
ang pagkabigo’t panghihinayang sa maraming bagay na hindi natin nakamit
maging material man o hindi. Ang ganitong mga parte ay nangyayari’t
natatamasa ng bawat isa sa atin sa tunay mundo.
PUTOL
I. PAGSUSURI
V. Pagdulog/Teorya
Simulain:
Kawalan ng Pagmamalasakit sa Kapwa at Kapaligiran
Patunay:
“Umiling-iling
Ang basurero’t
Bumulong, “Sayang,
Wala na namang kapares.”
Paliwanag:
Ang talatang ito’y nagpapakita ng kawalan ng pag-aalala sa ating
kapwa tao. Mas binibigyang halaga pa ng tauhan ang pansariling
pangangailangan at interes kaysa bigyang pansin ang sitwasyong
nasaksikan. Masasabing ito’y kakikitaan ng realidad sapagkat totoo itong
nangyayari sa kasalukuyang panahon.otoo itong nangyayari sa kasalukuyang panahon.
PUTOL
I.PAGSUSURI
V. Pagdulog/Teorya
Napapatungkol ito sa mga bagay-bagay na sumisimbolo sa nakatagong
sagisag sa tula.
1. Paang Putol
Ito ay sumisimbolo sa karahasang nagaganap sa lipunan dala ng
kahirapan.
2. Kanang Paang Putol
Ito ay sumisimbolo sa kawalang katarungan.
3. Nike
Sumisimbolo sa pagiging materyalistik ng tao.
4. Basurero
Sumisimbolo ang basurero sa kahirapang dinaranas ng mas
nakararami sa kasalukuyang panahon.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like