You are on page 1of 3

1.

1 Theoritical Framework/ Balangkas Teoritikal

Ayon sa pag-aaral ni Maria Fe Gannaban-Hicana (2020), sa kanyang papel na ” Ang

Teorya sa Gramatika at Wika, Salalayan sa Pagtuturo ng Filipino” at pag-aaral ni

ClarisseLapitan na “Pagsusuri sa Dalawang Modelong Panggramatika ni Chomsky”, na

noong mga taong 1951-1955, habang nag-aaral sa Harvard University bilang isang fellow, si

Chomsky ay nagka-ideya na ang pag-aaral ng sintaks o palaugnayan ng isang wika ay

maaaring isagawa sa paraang Autonomous o hiwalay sa ibang antas ng wika. Syntactic

Structures, isang kaganapan ng kanyang matibay na paniniwala na ang gramatika ay mapag-

aralan nang hiwalay sa kahulugan. Kung sabagay ay hindi naman niya lubusang isinasantabi

ang semantika sapagkat tinanggap naman niya na relasyon ng sintaksis at semantiks ay

maaring pag-aralan pagkatapos pag-aralan ng hiwalay ang sintaks. Nang lumabas ang

Syntactic Structures ni Chomsky ay nayanig ang pundsyon ng Istrukturalismo sa Amerika.

Magugunita na nang mga panahong iyon, ang daigdig na linggwistika sa Amerika ay

nadodominahan ng istrukturalismong pormal na nagsimula nang ipalathala ni Bloomfield ang

kanyang aklat na may pamagat na Language noong 1933. Lumaganap nang lumaganap

naging palasak sa Amerika ang Istrukturalismo o makraan ang mga dalawampung taon.

Nagpakita ng isang modelo si Chomsky, isang paraan ng paglalarawan sa “competence”

ng isang tao sa paggamit ng wika. Ang anyo ng wika, ayon kay Chomsky (1957) ay yaong

walang pagbabagong salik na nagbibigay-buhay at kahalagahan sa bawat particular na

pagsasalita. Sa ibang salita, sa pamamagitan lamang ng kaalaman sa panloob na

representasyon ng anyo maaaring magkaroon ng kakayahan ng isang tao sa pag-unawa at

paggamit ng isang wika. Nagkakaunawaan ang dalawang taong nagtatalastasan ay sapagkat

kapwa nila ala mang panloob na anyo ng wikang kanilang ginagamit. Sa Structures 1957 ni
Chomsky ang wika sa paraang matematikal . Sinabi niyang ang kanyang modelo sa

gramatika ay tulad ng isang automaton na magpapabalabas (generate) ng lahat ng maaaring

palabasing tamang pangungusap sa isang particular na wika.

Ang pamaraan ni Chomsky ay maituturing na di natural na paraan ng paglalarawan sa

wika, lalo na ng mga di nakaunawa sa kanyang ginawa. Maaring sabihin na pinahihirapan ni

Chomsky ang pag-aaral sa isang buhay na kasangkapan sa pakikipagtalastasann ng tao ang

wika. subalit nakinig kay Chomsky ang daigdig ng linggwistika, kundi man maniwala ang

karamihan. Maaaring ang dahilan ay sapagkat dumating ang modelong matematikal ni

Chomsky nang ang daigdig ay nagbago tungo sa panahon ng computer.

Sa sumunod na taon mula nang malathala ang Structures 1957 ni Chomsky ay tumanggap

siya ng iba’t ibang puna mula sa ibang mga linggwistika kaya’t sa hangad ni Chomsky na

maremedyuhan ang kahinaan ng kanyang Structures 1957 ay ipinalabas niya ang Aspects

1965. Ang modelong 1965 ni Chomsky, tumutuon sa konsepto ng deep structures na

itinuturing niyang nasa pagitan ng base component at ng sematic component.

Napabilis ang Aspects of the Theory of Syntax ni Chomsky (1965) kung saan pormal

nyang binigyan ng distingksyon ang kanyang mga term na linggwistik-kompitens at

performans. Ayon sa awtor na si, Dr. Lydia Garcia-Gonzales(1992), inihanda ang aklat

niya na may pamagat na “Makabagong Gramar ng Filipino. Sinabi niyang ang modelong

tranformasyunal ni Chomsky ay “ang depinisyon niya para sa una ay ang kaalaman at

kakayahan ng tagapagsalita sa kanyang wika at sa pangalawa naman ay ang aktwal na mga

sinasabi/binibigkas sa spesipikong sitwasyon. Ang nabuong modelo ng pag-aanalays ng wika

na hango sa librong ito ay tinawag ni Chomsky na standard theory na nirevays din pagkaraan

lang ng ilang taon na tinawag naming extended standard theory. Hindi pa rin natapos ang
mga pagbabago sa pamamaraan ng linggwistik-analisis na ipinopropos ni Chomsky. Mula

1980’s mas dumami pa ang mga reserts at tumuon na ngayon ang focus ng reserts sa pagbuo

ng mga prinsipol. Ang mga prinsipol na ito ang ipinapalagay na syang nagdedefayn ng

tinatawag na core grammar ng wika.

1.2 Conceptual Framework/ Balangkas Konseptuwal


Ang pagsusulit ay sistematikong paraan ng pagsukat ng kakayahan ng isang indibidwal

(Brown, 1991). Ayon naman kay Eisner (1993) ang paggamit ng pasulit ay nakapagtuturo sa mga

mga mag-aaral nap ag-aral o magpakabihasa sa mga espisipikong sangay o larangan na itinakda

ng paaralan. Ang mga pasulit ay maaring isagawa bago o matapos ang talakayan. Ito rin ay

maaring pasulat o pasalitang pamamaraan.

Sa pag-aaral nina Huevos, Tindugan, Boso, Benavides, Sandigan at Vargas sinabi nila na

nakasalalay ang perpormans at kasanayan ng mga mag-aaral sa estratehiyang ginagamit ng mga

guro. Ang paggamit ng mga makabagong estratehiya ay nakakatulong upang maabot ang masteri

lebel ng pagkatuto.

Ang Input - Process - Output na balangkas ay ginamit sa pagsasaliksik na ito. Makikita sa

schematic diagram o iskema ng pag-aaral na ito ang proseso upang masukat ang antas ng

kaunlaran ng mga mag-aaral sa bawat antas sa kaalaman sa gramatikang Filipino.

You might also like