You are on page 1of 3

Konseptong Wika

Constantino

Ano nga ba ang konseptong wika? ang konsepto ng wikang filipino, ayon kay Ernesto
Constantino ay nahahati sa pitong mga sangay ng konsepto. Ito ay ang mga pagiging
natural ng wika, buhay na wika, ang ikatlo at ikaapat ay magkatuwang din. Ito ay mga
konsepto na ang wikang filipino ay demokratiko at ang wikang filipino ay egalitaryan sa
wika. Mag-kaugnay din ang pang-lima at anim, ito ay ang mga dinamiko na wika at
instrumento sa wika. At ang ika -pito o panghuli ay dapat gampanan ng wikang pambansa
ang tungkulin ng isang wikang pambansa. Mayroon itong kanya -kanyang kahulugan na
nararapat nating sundin at malaman dahil ang konseptong wika ay mahalaga sa ating
buhay.

may dalawa syang pag aaral:ang The sentence patterns of twenty-six Philippine languages na
nagsasabing ang pagkakamukha at pagkakapareho ng mga pangungusap ng mga wika sa
pilipinas.. at ang The deep structures of Philippine language na nagsasabing lahat ng mga payak
na pangungusap sa wika natin ay may napakalalim na istruktura..

Chomsky
TEORYANG INNATISM: NASA ISIPAN LAHAT IYAN
Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ng bata ay
ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky
(1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang
ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.
Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmedpara sa pagkatuto
ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang
tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang gulang, nagagawa niya
ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang nutrisyon bukod pa sa Malaya siyang
nakakakilos at nakakagalaw.
Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition
Device (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip na ‘black
box’ na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng
kanyang mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag
nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook,
1988; White, 1989).
Sapir Whorf Hypothesis
 Linguistics relativity
 Linguistics determinism
 Arbitrariness

Roman Jakobson
isang Ruso-Amerikanong dalubwika,may anim (6) na paraan ng paggamit ng wika:

Pagpaphayag ng damdamin (Emotive)


Panghihikayat (Connative)
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
Paggamit bilang sanggunian (Referential)
Pagbibgay ng kuru-kuro (Metalingual)
Patalinghaga (Poetic)

Michael Halliday,
isang British na dalubwika na ipinaganak sa Australya, may pitong (7) tungkulin ang wika:
Pang-instrumental
Panregulatori
Pang-interaksyon
Pampersonal
Pang-imahinasyon
Pangheuristiko
Pang-impormatibo

Ronald Wardhaugh
Language Sexism- angpaggamit ng wika ay nakasalalay sa taong gumagamit nito

You might also like