You are on page 1of 7

FIKOM-11/ REVIEWER

Mga Teoryang ng Pinagmulan ng Wika

Teoryang Biblikal

-Ipinahahayag sa teoryang ito na batay sa Bibliya, ang wika ay kaloob ng Diyos sa tao na isang
instrument o upang pangalagaan ang iba pang nilikha Niya.

1. Tore ng Babel – kilala rin sa tawag na teorya ng Kalituhan, hango ito sa aklat ng Genesis na
nagsasabing noon ay may iisang wika lamang na ginagamit ang tao, iyon ang wikang Aramaic.
2. Pentecostes – Ito naman ay hango sa Bagong Tipan na nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya
ng Espirito Santo, natuto ang mga apostol ng mga wikang hindi nila nilalaman.

Teoryang Siyentipiko

-Huling bahagi ng ikalabindalawang siglo nang simulang mag-usisa ng mga iskolar sa pagkakaroon ng
iba’t ibang wika sa mundo at maghanap ng nga sagot sa katanungang, paano nagkaroon ng wika?

1. Teoryang Bow-wow – pinanainiwalaan sa teoryang ito na nagmula ang wika sa panggagaya ng


tao sa tunog ng kalikasan.
2. Teoryang Ding-dong – kilala rin sa tawag na teoryang natibistiko na ayon sa mga haka-haka ay
may misteryong ugnayan ang mga tunog at ang katuturan ng isang wika.
3. Teoryang Pooh-pooh – mula sa masidhing damdamin nakabubulalas tayo ng tunog at iyon ang
pinupunto ng teoryang ito.
4. Teoryang Yo-he-ho – ito ay nabuo ni Noire, isang iskolar noong ika- 19 na daan taon. Naniniwala
siya na ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang sa kanilang
pagtatrabaho.
5. Teoryang Ta-ta – ito ay salitang Pranses na nangangahulugang goodbye o paalam.
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na sa kumpas ng kamay ng tao ng kanyang ginagawa sa bawat
particular na okasyon ay sinusundan ng paggalaw ng dila ay naging sanhi upang matutong
makabuo ng salita ang tao.
6. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay – ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nalilikha ng mga
sinaunang tao sa ritwal at dasal.

Mga Teoryang naka-impluwensiya sa Proseso ng Pagkatuto (Castillo et. Al, 2008)


1. Teoryang Behaviorist – batay sa teoryang ito, ang bata ay ipinanganak na may sapat na lakas at
kakayahan sa pagkatuto.

Ayon kay Burrhus Frederic Skinner (1968), pangunahing tagapagsulong ng teoryang behaviorist , higit na
pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ang “pag-aalaga” kaaysa sa pinagtutuunan ng intelektwal.

Journal of Nature Neuroscience ,may malaking kaugnay ang mga tunog na ipinakikinig sa mga batang
wala pang dalawang taong gulang sa bilis ng kanilang pagkatuto sa pagsasalita.

2. Teoryang Innative – ito ang teoryang nagsasabi na ang pagkatuto ng wika ng bata ay batay sa
kanyang angking likas na kakayahan.

Noam Chomsky, ipinaliwanag niya na ang kakayahan sa pagkatuto ng wika ay kasama na mula
pagkasilang na umuunlad sa pakikinig-interaksyon ng bata sa kanyang kapaligiran kung saan nabibigyan
hugis ang kanyang sosyo-kultural.

3. Teoryang Cognitive – ayon dito, ang pagkatuto ng wika ay nagaganap matapos maunawaan ang
isang bagay o pangyayari.

Kognitibong Sikolohikal (Cognitive Psychology), ang mga bata ay unang natutong bumuo ng biswal na
larawan bago pa man siya magsalita.

Konklusyon:

Ayon kina Page at Pinnel (1979), ang teoryang Cognitive at Innative ay halos magkatulad. Ang tanging
pinagkaiba ng dalawang teorya ay anf implikasyon ng mga ito sa paraan ng pagkatuto ng bata.
Pinaniniwalaaan ng mga “innativist” na ang suporta sa pagtamo ng wika ng bata ay hindi kinakailangan
dahil likas na niya itong natutunan. Samantala, pinaniniwalaan naman ng mga “cognitivist” na upang
mabilis ang pagkatuto ng wika ang bata kailangan ang pakikipag-ugnayan sa kapaligiran.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Ang ating bansa ay binubuo ng mahigit pitong libong pulo na siyang dahilan kung bakit tayo ay
tinituring multilingual na bansa. Dahilan upang maging mahirap ang pikikipag ugnayan natin sa isa’t isa
at makabuo ng iisang bansa o nasyon.

Ang pangunahing katangian ng isang pambansag wika ay ang pagiging daan nito sa tungo sa
pagkakaisa at pag-unlad ng bansang gumagamit nito. Ito ang siyang dapat tinatanggap bilang
pangkalahatang midyum ginagamit sa pang araw araw na pamumuhay ng halos lahat ng mamamayan.
(Rubin et., al 2006).

Saligang Batas ng Biak na Baton g 1897- unang nagkaroon ng banggit o hugis sa pagkaaroon ng
wikang mabubuklod sa ating lahi ng mga Katipunero. Ginawa nilang opisyal na wika ang Wikang Tagalog.

*simula naman ng dumating ang mga amerikano…

Natuto ang mga Pilipino ng mga kultura ng mga amerikano maging sa paggamit ng wikang
ingles, na hanggang ngayon ay nagagamit pa. sa kabila nito, ayon kina Resuma at Semorian (2002) na
batay sa sarbey ng Komisyon Monroe noong 1925, napatunayan na may kakulanganpa rin sa paggamit
ng Ingles bilang wikang panturo sa primary. Ito ang dahilan kung bakit noong 1931, nagmungkahi ang
noo’y Bise Gobernador-Heneral at kalihim din ng pampublikong edukasyon na si Butte,na gamitin ang
mga bernakular na wika upang gawing midyum sa pagtuturo. (Garcia et,. Al 2010)

Sa Konstitusyon 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3- ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng isang panlahat na Wikang Pambansa na nagsasalig sa isa
sa mga wikang katutubo. Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay
magpapatuloy na mga wikang opisyal.

Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt
Blg.184 na may pamagat na “Isang Batas na Nagtatakda ng Surian ng Wikang Pambansa at Nagtatakda
ng mga Kapangyarihan at Tungkulin nito.”

Matapos na maisagawa na Surian ang antas ng batas, noong Disyembre 30, 1937 ay ipinahayag
ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag rerekomenda na tagalog ang
gawing saligan ng Wikang Pambansa.

Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1, 1940, ipinahintulot ng Pangulo ng
Pilipinas ang pagpapalimbag ng A Tagalog English Vocabolary at Ang Balarila ng Wikang Pambans.
Sinimulan din na ituro sa mga paaralang pibliko at pribado ang wikang pambansa noong Hunyo 19, 1940
(Gabay sa Ortograpiyang Filipino, 2009)

Batas Komonwelt Blg. 570 – ipinapahayag ang pagiging isa sa mga wikang opisyal ng wikang
pambansa simula Hulyo 4, 1946. . Sinimulan ding ituro mula sa unang baiting sa elementarya hanggang
sa ikaapat na taon sa sekundarya ang wikang pambansa

Sa panahon ng Pangulong Ramon Magsaysay, sa bisa ng kanyang Proklamasyon Blg. 12 na


nilagdaan noong Marso 26, 1954, unang ipinagdiwang ang Linggo ng Wika noong Marso 29 hanggang
Abril 4 na ang pinakatampok na petsa ay ang kapanganakan ng Dakilang Makatang Francisco Balagtas
(Abril 2).

Proklamasyon Bgl. 186 - Inilipat niya ang pagdiriwang sa Agosto 13-19 na ang tampok namang
petsa ay ang agosto 19 na kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa, ang Pangulong Manuel Luis M.
Quezon.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 –ang wikang pambansa ay tinawag ana ding PILIPINO noong
Agosto 13, 1959.

Matapos ang rebolusyon EDSA I, Konstitusyon ng 1987 (Artikulo XIV, Seksyon 6-9)- tuluyan
nang tiniyak na ang pambansang wika ay tinatawag na hanggang ngayon ay FILIPINO.

Sek 6.- ang wikang pambansa ng pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa
nakatadhana ng batas at sang ayon sa nararapat na maaaring ipasya sng kongreso, dapat magsagawa ng
hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng partuturo sa sistemang pang edukasyon.

Sek 7- ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Sek 8- ang Konstitusyon ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang pangrehiyon , Arabic at Kastila.

Sek 9- dapat magtatag ang Konggreso ng isang komisyon ngWikang Pambansa na binubuo ng
mga kinatawan sa iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa , mag uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad ,
pagpapalagaanap at pagpapanatili.
Mga Batas Pangwika:

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 – mula kay Pangulong Marcos na nagtatadhana sa pagsasa-


Pilipino ng mga pangalan ng gusal, edipisyo at opisina ng gobyerno.

Kautusang Tagapagpaganap Blg.24 (Nobyembre 14, 1962) – nilagdaan ni kalihim Jose Romero
at nag-uutos na simula sa taong-aralan 1963-1964 ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay
ipalilimbag sa Wikang Plipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg.60 (Disyembre 19, 1963) – niagdaan ni PAngulong Diosdado


Macapagal na nag-uutos na awitin ang pambansang Awit sa titik nitong Pilipno.

Memoramdum Sirkular Blg. 172 (Marso 27, 1968) – pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap
Rafael Salas at ipinag-utos na ang mga letter heads ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa
Pilipino, kalakip ang kanilang tekstosa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa
tungklin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gawin.

Kautusang Tagapagpaganap Blg.187 (Agosto 6, 1968) – nilagdaan ni Pangulong Marcos at nag-


utos sa lahat ng kagawaran, kawanian, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang
wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito sa lahat ng opisyal na
komunikasyon at transaksyon.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (Marso 16, 1971) – nilagdaan ni Pangulong Marcos na
nagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at
tungkulin nito.

Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972) – nag-aatas sa Surian ng Wikan Pambansa na isalin ang teksto ng
Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng 50,000 mamamayan alinsunod sa probinsya ng Saligang Batas
Art. XV, Sek 3.

Kautusang Pangministri Blg. 22 (Hulyo 21, 1978) – isinasaad na kailangan ituro ang 6 na yunit ng
Pilipino sa lahat ng kurso sa antas ng tersarya maliban sa kurikulum ng edukasyon na ang 12 yunit ng
Pilipino ay pananatilihin.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 22 (1987) – paggamit ng katawagang Filipino sa pagtukoy sa


wikang pambansa ng Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura at Isports.

Kautusan Blg. 52 (1987) – ang patakaran sa Edukasyon Bilinggwal ng 1987

Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 (1987) – ang Alpabeto at Patnubay ng Wikang Flipino.


Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 – nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan,
ahensya, instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang para sa layuning magamit ang
wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya. Nilagdaan ni
Pangulong Corazon Aquino.

Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) – nilagdaan ng Pangulong Corazon Aquino na
lumilikha ng Komisyon sa Wikang Filipino, nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga
gawain, naglalaan ng gugulin ukol ditto, at para sa iba pang layunin.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 343 (Hulyo 12, 1996) – nilagdaan ni Pangulong Ramos na
nagpapatibay sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat bilang opisyal na panata ng katapatan para sa
lahat ng Pilipino.

Proklamasyon Blg.1041 (Hulyo 15, 1997) – sa bisa ng lagda ni Pangulong Ramos inilipat ang
pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa halip na Linggo, ginawang isang buong buwan ng Agosto ang
Pagdiriwang ng Wikang Pambansa.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 45,s.2001 – nilagdaan ng dating Pangalawang Kalihim Isagani


Cruz ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports na mas kilala sa tawag na Revisyon ng Alfabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Pambansa.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 104 s. 2009 – nilagdaan ng Kalihim Jesli A. Lapus ng Kagawaran
ng Edukasyon na naglalaman ng Gabay sa Ortograpiya ngWikang Pambansa.

You might also like