You are on page 1of 6

 KOMUNIKASYON

Isang proseso ng isang pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng


karaniwang Sistema ng mga simbolo.

Dalawang Uri ng Komunikasyon

Berbal na komunikasyon-pasalita at pasulat

Di-Berbal na komunikasyon-simbolo at senyas

 KOMUNIKASYON

Ayon kay Lorenzo et.al tinitiyak na ang pakikipagtalastasan ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap
ng mga lahat ng uri ng mensahe na kinakasangkutan ng magka-ugnay na proseso ng pagsaalita pakikinig
at pag-unawa.

 KONTEKSTWALISADO

Di karaniwan ang nilalaman kailangang unawain at pag-aralan.

Maaaring isang salita o kaganapan sa mga tuntunin ng mga salita o konsepto na nakapalibot dito.

 KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON

Naglalaman ng sitwasyong pang wika na magagamit sa pananaliksik ng mga isyung local at nasyunal
gamit ang wikang Filipino.

 WIKANG PAMBANSA

ISANG WIKANG MAGIGING DAAN SA PAGKAKAISA AT PAG-UNLAD BILANG SIMBOLO NG KAUNLARAN


NG ISANG BANSA.

KINIKILALANG PANGKALAHATANG MIDYUM NG KOMUNIKASYON SA ISANG BANSA.

GINAGAMIT SA PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY NG LAHAT NG MAMAMAYAN NG ISANG BANSA.

Saligang Batas ng Biakna Bato ang Tagalog ang magiging opisyal na Wika ng Pilipinas.

Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3. Ang Kongreso ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo
sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang komong wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.Hanggat hindi ipinag-utos ng batas, mananatili ang Ingles at kastila ang patuloy ng
gagamiting mga wikang opisya.
WALONG PANGUNAHING WIKA SA BANSA

TAGALOG

CEBUANO

ILOKANO

HILIGAYNON

BIKOL

SAMAR-LEYTE O WARAY

PAMPANGO O KAPAMPANGAN

PANGASINANENSE

 PAGPILI NG WIKANG PAMBANSA/BATAS PANG WIKA

Batas Komonwelt Blg. 184

Nobyembre 13, 1936 ipinatupad bilang probisyong pang wika ng Saligang batas 1935 na
nalalayong bumuo ng Samahang Pangwika.

Batas komonwelt BLG.333 ay ang batas na nagpatibay sa pagkakaroon ng nasabing Samahan na Surian
ng Wikang Pambansa(SWP).

 PAGPILI NG WIKANG PAMBANSA/BATAS PANG WIKA

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG.134(1937)

Matapos ang sampung buwang pag-aaral, ipinalabas ng SWP ang resolusyong nagsasabing Tagalog ang
lubos na nakatugon sa ginawa nilang pag-aaral.

Ang tagalog ang batayan ng wikang Pambansa ng Pilipinas.

 MANUEL L. QUEZON

Ama ng Wikang Filipino

Unang Presidenteng Komonwelt ng Pilipinas.

“Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa
ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang
wikang panlahat” ito ay halaw sa kanyang talumpati sa Malakanyang.
 DISYEMBRE 30, 1937

Pinili at ipirinoklama ng pangulong Quezon ang tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika.

MGA DAHILAN KUNG BAKIT TAGALOG ANG PINAGBATAYAN

Wika ang sentro ng pamahalaan

Wika ang sentro ng edukasyon

Wika ang sentro ng kalakasan

Wika ng nakakarami at nasusulat na panitikan

PROKLAMA BLG.12 (MARSO 26,1954)- Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang isang kautusan na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 at Araw ni
Balagtas tuwing Abril 12 na, kanya ring kaarawan na naaayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang
Pambasa.

KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG.1- Iniutos ng Kalihim ng Pampublikong Instruksiyon Jorge Bocobo


na ituro sa lahat ng paaralan ang pambansang wika na base sa Tagalog, taong panuruan 1940-1941.

HUNYO 4,1946- Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating Kalayaan, ang Araw ng Pagsasarili ng
Pilipinas. Ipinahayag din na ang wikang opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt
Blg.570.

KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG.7 (1959) -Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero
ang pagtawag sa wikang pambansa na Pilipino bilang pamalit sa mahabang itinawag ng Batas Komonwlt
Blg. 570.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (NOBYEMBRE 14,1962)- Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos
simula sa taong-panuruan 1963-1964 ay ipalilimbag na o may salin sa wikang Pilipino.

MEMORANDUM SIRKULAR. BLG.172 (MARSO 27,1968)- Nilagdahan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael


Salas at ipinag-utos na ang mga letterhead ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino kalakip
ang mga kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaaan ay sa Pilipino gagawin.

SALIGANG BATAS NG 1973 ARTIKULO XV, SEKSIYON 3- Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa makikilalang
Filipino.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG.25 (HULYO 10,1974) – Nilagdaan at itinakda ni Kalihim Juan
Manuel ang pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralan na nagsimula sa
taong panuruan 1974-1975.

ARTIKULO 14,SEKSYON 6 (1987)-Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,


ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika.

SALIGANG BATAS NG 1987,ARTIKULO 14 SEKSIYON 7- “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo


ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ang magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon”

SALIGANG BATAS NG 1987,ARTIKULO 14, SEKSIYON 8- sa Konstitusyon ito ay dapat ipahayag sa Filipino
at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at kastila.

KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG.52(1987)-Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong


Billingguwal nang ganito..”Ang patakarang Billinguwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa
Filipino at Ingles sa antas pambansa sa pamamgitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga
midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANA BLG.117 (ENERO,1987) -Nilagdaan ng Pangulong Corazon Aquino ang


paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa
panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa.

KAGAWARAN NG EDUKASYON- ORDINANSA BLG.74 (2009)-Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa


Elementarya O Multiligual Language Education (MLE). Nauna rito, may inilahad nang bersyon ang
ikalabing-apat na kongreso ng mababang Kapulungan na House Bill No. 3719- An act Establishing a
Multi-Lingual Education and Literacy Program and for other Purpose sa pamamagitan ni Hon.
Magtanggol T. Gunigundo.

 WIKANG FILIPINO-Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13, 1992)

WIKANG FILIPINO -Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13, 1992) na sinusugan ng
Resolusyon Blg. 1-96 (Agosto, 1996) ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang depinisyon ng Filipino ay ”Ang
katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan
ng mga paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang
salitang barayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang salitang
sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.”

 WIKANG OPISYAL
Itinadhana ng batas na magiging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.

Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan at ibang bansa sa


daigdig.

Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang
pinaka karapat dapat na wika para sa bansa.Tinitiyak ng gobyerno na tamam ang pagpili ng wika para sa
buong kapuluan at mabigyang daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng iba’t ibang salik.

Ayon kay Virgillio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batasna maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan.

Group 1

Acosta,Hazel R.

Allauigan,Claude Philip

Balallo, Christine

Concepcion,Rose marian

Esmeralda,Rodrigo DC.

Gagua,Darlene Mae M.

Matin, Jicamae

Oliver,Jellan Ross

Parotina, Maria. Cristina C.

Peralta, Darius

Sibayan, Reah Luisa

Simbe, Justine Mae S.

You might also like