You are on page 1of 3

Katrina Francesca I.

Tagum Pan Pil 12 Reaction Paper


2013-14880 September 11, 2014

Ang “The Good God, and the Bad God”, na isinalin ni E. Arsenio Manuel, ay isang
kuwentong-bayan ng tribong Manuvu sa Mindanao. Bagamat napag-usapan na ang mitong ito,
masasabi ko pa ring ito ang aking pinaka-nagustuhan sa lahat ng mga babasahin. Di tulad ng
ibang mga babasahin, ito ay maikli lamang, madaling intindihin at hindi mahirap basahin. Sa
unang akala nga ay aakalahin mong mababaw ito. Ngunit, sa mas maiging pagsisiyasat at
pag-aaral ng texto, makikita mo ang pilosopikal at kultural na aspeto nito.

Ang mga kuwentong-bayan kasi ay unang nag-simula bilang isang pagtatangka ng mga
unang katutubong Manuvu na maipaliwanag ang mga bagay-bagay at konsepto sa kanilang
paligid. ​Saan nanggaling ang mga unang halaman, hayop, unang tao? Sino ang lumikha sa atin
at sa mundong ating kinagagalawan?​ Lahat ng mga tanong na ito ay sinubukang sagutin ng
mga katutubong Manuvu. Sa kalaunan, naging laganap ang mga ideyang ito at
napagtagpi-tagpi upang makalikha ng isang maikling kwento. Sa paglipas ng mga taon at mga
sumunod na henerasyon, naging parte na ito ng mayaman na kultura at literatura ng tribong
Manuvu.

Sino nga ba ang lumikha ng mundo? Maraming bersyon ang bawa’t rehiyon sa tanong
na ito. Ang pinaka-kilalang ​creation story​ ay ang Genesis, ang unang aklat sa Bibliya.
Nakakatuwang isipin na unang kwento rin ang The Good God, and the Bad God sa mga
babasahin sa klase. Dito mo makikita ang kahalagahan ng unang paglikha sa lahat ng
komunidad, kung ano ang iyong pinagmulan at kung sino ang lumikha sa iyo.

Sa kwento, si Manama ang mabait na diyos at si Ogassi ang masamang diyos. Silang
dalawa ang lumikha sa mundo, galing sa kuko ng malinis na kamay ni Manama at kuko sa
maruming paa ni Ogassi. Dahil ganito ang introduksyon sa dalawang karakter, masasabi ng
mambabasa na inihalintulad ang kabutihan sa kalinisan ng katawan.
Sa patuloy na pagbasa ng kwento, magsisimula kang magtanong kung ano nga ba ang
katotohanan ng kwento. Totoo nga bang si Manama ang mabuting diyos? Kung ganoon, bakit
mga bato at tuyo’t na puno lamang ang sa kanyang hardin? Bakit namumutiktik sa halaman,
hayop at mga linalang ang hardin ni Ogassi, na isang masamang diyos? Kung talagang mabuti
rin si Manama, ay hindi siya dapat nagpadala ng espiya upang manmanan ang mayabong na
hardin ni Ogassi at nakawin ang hindi naman niya nilikha.

Ano nga ba ang kabutihan? Sa napag-usapan sa klase, ang kahulugan ng kabutihan ay


arbitrayo. Ang mga tao ang nagsasabi kung ano ang mabuti sa hindi. Sa kwento, mapapansin
na ang talagang mabuting diyos dapat ay si Ogassi, at hindi si Manama. Sa ating pananaw kasi,
mabuti ang isang bagay kung ito ay pinapaloob ng lahat ng positibong paglalarawan. Para
maging “mabuti” kailangan maging malinis, maganda, mabunga at napakikinabangan, perpekto
at malakas.

Ngunit, bakit kabaliktaran ang nangyari? Ito ang aking interpretasyon. Sa kuwento, ang
linikha ni Manama ay katulad rin natin: tig-dadalawang pares ng mata, paa at mga kamay, at
higit sa lahat, mga mortal. Aking hinuha na baka ang mga mortal na taong ito (posibleng ang
mga katutubong Manuvu) ang nag-bigay ng mga katawagang Good God at Bad God. Siguro,
dahil si Manuvu ang unang lumikha sa mga mortal na tao, sa kanilang pananaw ay siya ang
mabuting Diyos. Dahil hindi nila alam ang mga unang naganap bago sila linikha, hindi rin nila
alam ang mga di mabuting nagawa ni Manuvu. Sa kanilang pananaw, si Manuvu (na ang ibig
sabihin ay “Unang Ama”) ang karapat-dapat na tawaging mabuting diyos. Si Ogassi (na ang ibig
sabihin ay “shaker and destroyer”) naman ang karapat-dapat na tawaging masamang-diyos
dahil siya ang naghalo ng abaca na magpapa-ikli ng buhay at magpapatanda ng mga mortal na
tao.

Sa aking klase sa Philosophy, nalaman ko na kahit perpekto ang tingin natin sa mga
dakilang linalang, nagkakaroon pa rin ng mga pagtatalo sa paglalarawan nila dahil nalilimitahan
ang diyos sa ating paglalarawan sa kanila. Kung ilalapat sa kwento, masasabi natin na katulad
rin tayo ng mga mortal na taong likha ni Manama. Wala tayong kapasidad na perpektong
mailarawan ang mga diyos dahil limitado ang ating kaalaman sa mga bagay-bagay.

You might also like