You are on page 1of 3

Bernabe, Loger Kent C.

Marka:_________

BSEd 3-B Enero 28, 2021

Reflective Journal #1

Dacera case ipinakitang kulang ang publiko sa kaalaman sa rape culture, gender
equality

Angel Movido, ABS-CBN News

Jan 07 2021 03:49 PM

Nagpo-protesta ang women's rights advocates sa tapat ng Camp Aguinaldo sa Quezon


City noong Oktubre 28, 2020. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

Kaliwa't kanang mga komento ang nagkalat sa social media matapos ang pagkamatay ng
flight attendant na si Christine Dacera.

Sa ilang posts, sinisisi ng ibang social media users ang biktima sa kagustuhan umano nito
sa nangyari. Hindi rin daw dapat siya pumunta sa party at nakipag-inuman kasama ang
mga lalaki.

May ilan namang binatikos ang mga kasamahan ni Dacera na umano'y mga nanghalay sa
biktima.

Ayon sa mga eksperto, nailabas ng kuwento ni Dacera ang malaking kakulangan sa


kaalaman ng publiko hinggil sa rape culture at gender equality.

"Bakit, dahil babae siya? Dahil single siya? Dahil maganda siya? Dahil 'yong mga pictures
na lumabas sa kaniya medyo sexy 'yong dating? Think about it, kung halimbawa lalaki
ito, namatay, naglasingan... there won't be such an outcry na ganyan," ani June
Ambrosio, vice president ng UP Women Lawyers' Circle.

"It's also a cultural thing kahit pa sabihing mas mulat na, mayroon pa ring machismo,"
aniya.

"Bakit nangyayari ang rape, that needs to confronted. Sinisisi 'yong babae pero hindi
sinisisi 'yong rapist... the reality is that we are still patriarchal," ani Jayeel Cornelio,
sociologist mula sa Ateneo de Manila University.

"Our society blames those sectors we critically don't understand very well. Madali
sisihin, for example, ang mga gay men, madali magsabi ng scapegoat," dagdag ni
Cornelio.
Nauna na ring binatikos ang hepe ng Makati police dahil sa pagsabing lumalabas umano
ang pagkalalaki ng mga bakla kapag nakainom.

"That in itself already tells us that walang kaalaman ang mga pulis na ito tungkol sa
gender," ani Cornelio.

"At the end of the day, we are unfair to Christine, we are unfair to the gay men, we are
unfair to all of them."

‘Alarming, insensitive’: Police officer’s ‘lalaki pa din sila’ statement angers LGBT groups

Sinabi ng sociologist na malaki rin ang papel ng media sa pagbabalita. Dapat din
umanong mag-analisa at magtanong ang publiko, at huwag basta-basta magpapaniwala
sa mga nakikita o nababasa sa social media.

"Stop forwarding videos. Let's hold up all judgement. Hindi naman natin alam kung ano
nangyari," ani Ambrosio.

"Dahil pumasok 'yung salitang rape it limits exactly the kind of public responses, this is
the problem we have right now... paano kung hindi ito rape? Nasira na 'yong biktima at
mga taong nasangkot," ani Cornelio.

Are you guilty of perpetuating rape culture? Here's what you can change

Makati prosecutor orders release of 3 suspects in Dacera death, case for further
investigation

-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

Pinagkunan:https://www.google.com/amp/s/news.abs-
cbn.com/amp/news/01/07/21/dacera-case-ipinakitang-kulang-ang-publiko-sa-
kaalaman-sa-rape-culture-gender-equality

Ano ang Sexual Abuse?

Ang pang-aabusong sekswal, o kilala rin sa tawag na pangmomolestiya, ay ang pagpilit


ng mga hindi kanais-nais na sekswal na pag-uugali ng isang tao sa iba. Kung ito ay
agarang pamumwersa, ng maiksing durasyon, o madalang, ito ay tinatawag na sekswal
na panghahalay. Ang may-sala ay tinatawag bilang isang mang-aabusong sekswal o
(madalas na nakasisira) tagamolestiya. Ang kataga ay sumasaklaw din sa anumang pag-
uugali ng sino mang may sapat na gulang tungo sa isang bata upang pasiglahin ang sino
man sa dalawa ukol sa gawaing sekswal. Kung ang biktima ay mas bata kaysa sa edad ng
pagpapahintulot, ito ay tinutukoy na pang-aabusong sekswal sa bata.
Paglilimi/Repleksiyon

Muli nanamang umalingawngaw ang usapin patungkol sa paksang sekswal na pang-


aabuso partikular na sa mga kababaihan bunsod ng pagputok ng balita tungkol sa Critine
Dacera Case na pumukaw sa atensyon at damdamin ng maraming tao sa Pilipinas.
Ngunit kung ating iisipin hindi lamang sa mga kababaihan nangyayari ang mga ganitong
uri ng kahalayan, sapagkat ako mismong isang lalaki ay nakaranas na ng ganitong pang-
aabuso mula sa kamay ng isang bakla noong ako ay 14 taon gulang pa lamang.

Isa sa kultura at nakasanayan ng mga Filipino na patuloy paring nakikita at


isinasagawa ay ang pagsisi sa mga biktima ng ganitong kahalayan. Tulad ng aking
naranasan noon, labis kong ikinabalisa ajg karanasang iyon sapagkat nagtiwala ako sa
kanya dahil siya ay isang malapit kaibigan. Noong oras na ako ay magsabi sa aking lolo at
lola( sila ang nagpa-aral sa akin simula grade 7-10), mga salitang hindi ko matanggap ang
aking narinig. Sinabi nilang kasalanan ko dahil bakit daw ako nakikipagkaibigan sa mga
ganung tao. Maging ang aking mga kamag-anak ay ganun ang naging reaksyon. Ito ang
masakit na katotohanan sa maling nakasanayan ng mga tao sa Pilipinas. Napakasakit
isipin na ikaw ang biktima ng pang-aabuso ngunit ikaw parin ang aako at sisisihing
nagkasala. Yung mga taong dapat na ipagtatanggol ka at ipaglalaban ang karapatan mo
ay sila pang ipapamuka sa iyo na mali ang ginawa mo, na hindi mangyayari lahat ng iyon
kung hindi dahil sa mga disisyon mo sa buhay. Dahil sa kasong ito ni Cristine Dacera
umalingasaw sa publiko ng nabubulok nang kulturang ito nating mga Pilipino. Nawa ay
umusad na ang ating mga pag-iisip sa kalagayan ng kasalukuyan at matuto naman sa aral
ng nakaraan.

Ang kasong ito na may kaugnayan sa sekswal na pang-aabuso ay isang patunay na


nanatili paring mang mang ang naraming Pilipino sa mga ganitong usapin. Maging sa
aking jga nababasa sa aking mga social media account, hindi mawawala ang mga taong
may nakakalason na mga pag-iisip. Ako ay natuto sa aking karanasan noon na aking
daladala parin hanggang ngayon. Hindi masama ang magtiwala ng lubos ngunit laging
itatak sa isip na walang pinipiling tao, edad o kasarian ang biktima ng pang-aabusong
sekswal kaya dapat laging alerto at laging unahin at pangalagaan ang sarili sa lahat ng
bagay.

You might also like