You are on page 1of 1

Pangalan: Janika Gybrill T.

Mabandos Marso 23, 2023


Baitang 10: Quezon Awtput Blg. 3.3
LAYUNIN: Nakasusulat ng isang maikling talumpati tungkol sa paksang “Pagresolba sa
problema sa droga”. Gumamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag.

Walang makukulong sa taong maganda ang intensyon sa lipunan


PAMAGAT

Bakit nga ba nagkakaroon ng pagsasagawa ng droga o bakit may mga taong


gumagamit o nag bebenta nito? Isa sa mga dahilan ay ang kahirapan, kaya ay napaisip
sila na mag benta ng droga, upang sila ay magka pera at kumita. Ang isa pang dahilan
ay nais pa nilang magka pera, tulad ng mga mayayaman ay naghahangad ng
connection at pera upang magkaroon ng kapangyarihan upang maghari sa bansa.

Kailangan kung pangalagaan ang bansa dahil nakasalalay ito sa akin, dahil ako
ang pangulo. Lalo ng hindi ako gagawa nang ilegal na nakakaapekto sa sa bansa,
lipunan, at sa mga taong mahal ko— ang mga Pilipino. Gagawin ko ang lahat upang
ang mga kriminal na pumapatay, gumagamit at nagbebenta ng droga ay mapapaalis
dito sa lipunan na siyang nakakaapekto din sa lipunan lalong-lalo na sa mga kabataan.
Pagbabayarin ko at ipakukulong ko ang mga mga taong gumagawa ng
krimen/ilegal. Kahit ano man ang maging dahilan o rason nila kung bakit nila ito
ginagawa—illegal/krimin, hindi padin ito maging sapat na dahilan kung bakit sila
gumagawa ng krimen at mali padin ito na gawain. At naaayon sa batas na ang siyang
gagawa ng krimen at illegal na gawain ay magbabayad at makukulong.

Bilang Pangulo ng Pilipinas ay hindi ko palalampasin ang mga taong


nagpapakalat ng kasamaan sa lipunan at nagbibigay ng hindi magandang dulot sa mga
kabataan na maaaring malagay sa panganib. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,
kaya ay kailangan natin protektahan ang kabataan na siya ding mag bibigay aral sa
mga kabataan sa susunod pang henerasyon. Ayon kay Dr. Jose Rizal ang “Ang
kabataan ang pag-asa ng bayan.

Samakatwid, para sa akin upang mawala at maiwasan ang mga krimen ay


tutulong ako upang magkaroon ang mga mahihirap ng trabaho at magkaroon ng kita. At
libreng edukasyon para sa mga kabataan upang hindi na sila mahirapan mag gastos
para sa pag-aaral at makapagtapos at maiahon ang pamilya sa kahirapan. At higit sa
lahat magpapatupad ako ng ako ng free medical drug test taon-taon sa mga paaralan,
at buwan-buwan sa lahat ng health center upang matulungan at ma protektahan ang
kalusugan ng mga tao lalo na ang mga bata.

You might also like