You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
ASTORGA NATIONAL HIGH SCHOOL

Sanayang Papel sa Araling Panlipunan 10


Ekonomiks para sa Ika-sampung na Baitang (Grade 10)

Tugon ng Pamahalaan at Mamamayan


sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon
Module-based
Ikatlong Markahan (Ikalima at Ikaanim na Linggo)

Source: www.google.com

Inihanda ni:

Margie M. Lusico, JD
Master Teacher I

Sinuri ni:

Genelyn E. Cornejo, MAIS


Assistant School Principal II

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 0
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng Pilipinas sa mga isyu
ng karahasan at diskriminasyon.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakatutukoy ng mga batas na nagbibigay proteksiyon at nagsusulong sa


kapakanan ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+;
2. nakapagpapaliwanag ng tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon sa kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+; at
3. nakapagpapakita ng kahalagahan sa pagtugon ng pamahalaan at ng iba’t ibang
samahan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon sa kalalakihan,
kababaihan at LGBTQIA+.

Mga Paalala:

1. Huwag sulatan ang Sanayang Papel. Isulat sa kwaderno o sagutang


papel ang iyong mga kasagutan.
2. Para sa may gadget at intenet connection, maaring i-download ang
kopya ng sanayang papel mula sa GC (messenger) ng klase.
3. Isulat sa inyong kwaderno ang linggo at bilang ng sanayang
papel/ modyul na sinasagutan.
4. Isulat ang kumpletong pamagat ng bawat gawain sa sanayang
papel/ modyul.
5. Isulat ang asignatura, pangalang, taon, seksyon, at LRN sa
anumang output na gagawin na hiwalay sa kwaderno o sagutang
papel
6. Iwasto ang iyong kasagutan gamit ang susi ng pagwawasto. Ilagay
ang iskor.
7. Para sa mga mag-aaral na may gadget at internet connection,
maaring ipasa ang output at summative test sa messenger ng guro,
at para saw ala, ipasa ang output at summative assessment sa
itinakdang panaho ng pagbabalik modules at pagpapasa ng answer
sheets.
School I.D.: 303340
Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 1
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
I. Tuklasin

Gawain 1. Tula-suri
Panuto: Sa pagkakataong ito mababasa mo ang isang tula na aantig sa iyong
damdamin. Unawain mong mabuti ito at sagutan ang pamprosesong tanong.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?


2. Ilarawan ang mga tauhan sa tula.
3. Ano-ano ang kanilang pagkakaiba?
4. Bakit nakakaranas ng karahasan at diskriminasyon ang iba’t ibang kasarian?
5. Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang mawakasan na ang
diskriminasyon at karahasan sa mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+?

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 2
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
II. Suriin
Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, subalit hindi pa rin maaalis sa
ating lipunan ang patuloy na pakikibaka ng mga iba’t ibang kasarian upang makaiwas
sa mga karahasan at diskriminasyon. Sa bansang patuloy na nangingibabaw ang
batas, may pagkakataon pa kayang maipakita ng mga kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+ ang angking husay nang walang mararanasang diskriminasyon at
karahasan? Basahin at unawaing mabuti ang teksto upang malaman mo kung paano
mabibigyang proteksyon at benepisyo ang mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+.

Ang CEDAW
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin
ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women.
Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan
kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.

Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre


18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas
sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod ng
Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may
pinakamaraming bansang nagratipika. Umabot na sa 180 bansa mula sa 191 na
lumagda o state parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong
Setyembre 3, 1981 o 39 taon na ang nakararaan noong 2006, subalit kaunti pa lang
ang nakaaalam nito.

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.


Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng
kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may
responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring
bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa
kababaihan, anumang layunin ng mga ito.

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 3
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
4. Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibiduwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng
karapatan ng babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang mga
stereotype, kostumbre at mga gawain nagdidiskrimina sa babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?

Bilang State Party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang


diskriminasyon at ‘di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin
ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State Parties na igalang, ipagtanggol
at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.

Ang State Parties ay inaasahang:

1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;


2. ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay
ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng
hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;
3. itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang,
kondisyon at karampatang aksiyon; at
4. gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang
hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act


(Republic Act No. 9262)

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na
nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay
ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa
sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na
ito?

Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang


mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o
dating asawang babae, Babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 4
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay
tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labingwalong
(18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labingwalong (18)
taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na
rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang
pangangalaga.

Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit


at maaaring kasuhan ng batas na ito?

Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa ilalim ng


batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at
dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa
babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.
Maliban sa Anti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for Women ay isa
ring batas sa Pilipinas na nagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan.

Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710)

Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin
ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga
batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.

Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal
nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang
pantao.

Ano-ano ang responsibilidad ng pamahalaan upang maproteksiyunan ang mga


kababaihan at mga anak nito sa ilalim ng batas na ito?

Responsibilidad ng Pamahalaan

Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing


tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito. Ginagawang
tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 5
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Katuwang ang mga
ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang
paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang sa mga paraang ito
ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programang nagsasaalang-
alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at
kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis
ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon
laban sa kababaihan.

Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga stereotype at
tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon,
paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at
lalaki.

Sino ang saklaw ng Magna Carta?

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o


hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan o ethnicity ay saklaw ng Magna
Carta. Binibigyan ng batas na ito ng bukod na pansin ang kalagayan ng mga batang
babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized
Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.

Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa


hindi panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahang matamo
ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang
manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawangbukid,
mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.

Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga


babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng
pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, illegal
recruitment, human trafficking at mga babaeng nakakulong.

Matapos mong mabasa ang mga batas na nagbibigay proteksiyon sa mga


kababaihan, ngayon naman ay iyong unawain ang ukol sa batas na magbibigay ng
benepisyo sa mga kalalakihan sa kanilang mga trabaho.

Ang Paternity Leave

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 6
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na nagsasaad na ang
bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang
lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw ngunit patuloy pa rin
siyang pagkakalooban ng buong sweldo. Ito ay maaaring magamit ng isang lalaki sa
unang apat na araw mula ng manganak ang legal na asawa. Ang lalaking empleyado
na nag-a-apply para sa Paternity Leave ay dapat ipagbigay-alam sa kanyang employer
ang pagbubuntis ng kanyang lehitimong asawa gayundin, ang inaasahang petsa ng
panganganak nito. Ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga empleyadong lalaki.

Ang sinumang employer na lumalabag sa batas na ito o sa mga panuntunan at


regulasyon na ipinakilala rito ay parurusahan ng multa na hindi lalampas sa
dalawampu’t limang libong piso (P25,000) o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa
tatlumpung (30) arw o hindi hihigit sa anim (6) na buwan.

Ang isang lalaki ay maaaring mag-file ng Paternity Leave bago, habang at


pagkatapos na ang kanyang legal na asawa ay makapanganak. Nararapat lamang
niyang kumpletohin ang mga impormasyong hinihingi sa Paternity Notification Form
buhat sa kanyang employer kasama ang kopya ng marriage contract.

Bagaman hanggang ngayon ay walang partikular na batas para sa kalalakihan,


patuloy pa ring tinutugunan ng pamahalaan ang anumang karahasanat
diskriminasyong kanilang nararanasan. Patuloy ring isinusulong ang mga panukalang
batas upang mabigyan ng proteksiyon ang mga LGBTQIA+.

III. Pagyamanin

Gawain 2. Da-Hu?
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra
ng tamang sagot sa isang papel.

A. CEDAW B. Pamahalaan C. Marginalized Women


D.Magna Carta for Women E. Women in Especially Difficult Circumstances
F. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

1. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal

nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad.

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 7
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
2. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga kababaihan at anak
nito.
3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing
tagapagpatupad ng batas na ito.
4. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong sigalot at
prostitusyon.
5. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may limitadong
kakayahan, at maralitang-tagalungsod.

Gawain 3. Hanep-Salita
Panuto: Hanapin at isulat sa isang papel ang mga letrang nakatapat sa bawat bilang
upang mabuo ang mga salita.

Gawain 4. Mind Map ko ‘to


Panuto: Gumawa ng sariling Mind Map tulad ng nasa ibaba. Punan ito ng mga tugon
ng pamahalaan at mamamayan sa mga karahasan at diskriminasyong nararanasan ng
iba’t ibang kasarian. Ilahad kung paano ito makatutulong sa iyo bilang isang mag-
aaral.

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 8
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
IV. Paglalapat (Output No. 3)

Gawain 5. #Ikampanya mo na!

Panuto: Pumili ng isa sa mga tugon ng pamahalaan sa isyu ng kasarian. Gawan ito ng
isang advocacy video. Ipasa ito sa goggle classroom. Para sa mga walang internet,
gumawa ng printed advocacy at ipasa sa inilaang araw ng distribution at retrieval ng
modules. Gamiting gabay ang pamantayan sa rubrik.

Pamantayan Napakagaling Magaling Hindi Gaanong Hindi


(5 puntos) (4 puntos) Magaling Magaling
(3 puntos) (2 Puntos)
Nilalaman Malinaw at Hindi gaanong Medyo magulo (2 puntos)
madaling maunawaan ang laman ng Magulo at hindi
unawain ang ang advocacy advocacy maunawaan
advocacy tungkol tungkol sa ang advocacy
tungkol sa tugon sa tugon ng tugon ng tungkol
ng pamahalaan pamahalaan at pamahalaan at sa tugon ng
at mamamayan mamamayan sa pamahalaan at
mamamayan sa mga isyu ng mga isyu ng mamamayan sa
sa mga isyu ng karahasan at karahasan at mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon diskriminasyon karahasan at
diskriminasyon sa lipunan sa lipunan diskriminasyon
sa lipunan sa lipunan
Organisasyon Maayos at may Hindi gaanong Kaunti ang Walang
malaking maayos ang kaunayan sa kaugnayan sa
kaunayan sa kaunayan sa paksa ng paksa ang
paksa ang paksa ng advocacy advocacy
advocacy advocacy tungkol sa tugon tungkol sa
tungkol sa tungkol sa ng pamahalaan tugon ng
tugon ng tugon ng at mamamayan pamahalaan at
pamahalaan at pamahalaan at sa mga isyu ng mamamayan sa
mamamayan mamamayan karahasan at mga isyu ng
sa mga isyu ng sa mga isyu ng diskriminasyon karahasan at
karahasan at karahasan at sa lipunan diskriminasyon
diskriminasyon diskriminasyon sa lipunan
sa lipunan sa lipunan
Pagkamalikhain Nakahihikayat Hindi gaanong Medyo Walang
ang advocacy nakahihikayat nakahihikayat panghihikayat
tungkol ang advocacy ang advocacy ang advocacy
sa tugon ng tungkol tungkol tungkol
pamahalaan at sa tugon ng sa tugon ng sa tugon ng
mamamayan pamahalaan at pamahalaan at pamahalaan at
sa mga isyu ng mamamayan mamamayan sa mamamayan sa
karahasan at sa mga isyu ng mga isyu ng mga isyu ng
diskriminasyon karahasan at karahasan at karahasan at

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 9
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
sa lipunan diskriminasyon diskriminasyon diskriminasyon
sa lipunan sa lipunan sa lipunan

V. Pagtataya
Sagutin ang pagtataya na kalakip ng module na ito. Sa test questionnaire
mismo isulat ang sagot. Maaring ipasa sa goggle classroom ang iyong
pagsusulit kung mayroon kang internet connection.

Susi sa Pagwawasto
Gawain 2. Da-Hu Gawain 3. Hanep-Salita

Gawain 4. Mind Map ko to

Sanggunian

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 10
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)

You might also like