You are on page 1of 1

Misoginista sa Kalinangang Tanyag (Misogyny in Pop Culture)

Sa pagbago ng henerasyon at pag-iba ng yugto ng mga kapanahunan na ating nadadaanan ay ang


kasabay rin na pagbago ng kabuuan na ideya, saloobin at pananaw pagdating sa iba’t ibang isyu ng ating
lipunan. Magandang araw sa inyong lahat, ako po si Marinelle Joy O. Atienza at ito ang aking
talumpating ipinamagatang Misoginista sa Kalinangang Tanyag (Misogyny in Pop Culture).

Sa isang tipikal na pamilya ng mga Pilipino ay makikita na, ang mga halimbawa ng patriyarka. Tinuturuan
ang mga kabataang kababaihan kung paano maging “mabuting asawa” para sa mga kalalakihan ngunit
hindi tinuturuan ang mga lalaking maging mabuting esposo para sa kanilang asawang babae. Tinuturuan
din ang mga kababaihan na magdamit ng “modest” subalit hindi tinuturuan ang mga lalaking ikontrol
ang kanilang sarili. Ang mga kababaihan ay dapat maging matalino ngunit hindi dapat maging mas
matalino kesa sa mga lalaki.

Hindi ito mukhang isang malaking problema para sa karamihan dahil simula pagkabata ay itinatanim na
sa isipan na may mga tiyak na tungkulin ang bawat kasarian at may obligasyon ang kababaihan sa
kalalakihan. Ang kalipunang ito ng mga ideya, na mabigat na naimpluwensiyahan ng masa ng midya, ay
tumatagos at lumalagpas sa pang-araw-araw na buhay ng lipunan. Sa kabuuan, ang kulturang pop na ito
ay may malaking impluwensya sa masa at sa kanilang opinyon at nararamdaman tungkol sa ideya mula
sa patriyarka at seksismo na ang kababaihan ay mas mababang uri kumpara sa kalalakihan.

Makikita rin ang misoginistang pag-uugali sa industriya ng musika sapamamagitan ng pagkumpara kung
paano itrato ang mga mang-aawit na babae kesa sa mga lalaki. Isa sa mga halimbawa ay ang mang-
aaawit na si Taylor Swift na buong buhay sa industriya ay inulan ng seksismo at misoginistang komento,
Bakit ng aba maraming pumupuna sa kaniya? Karamihan sa kaniyang mga likha ay pinupuna dahil
nakasentro ito sa mga dati niyang relasyon at nakarelasyon. Maraming mang-aawit ang kumukuha ng
inspirasyon gamit ang kanilang nakaraan ngunit isa lamang siya sa mga binabatikos dahil dito.

Isa pang halimbawa ay ang mga kinalakihang palabas na nagpapakita ng mga karaniwang stereotipikal
na paglalarawan ng kasarian. Kilala ang Mickey Mouse sa mga paboritong palabras na pinapanood ng
mga kabataan at ang nakakatuwa nitong paglalakbay kasama ang mga kaibigan. Subalit ang mga
babaeng karakter tulad nina Minnie Mouse at Daisy Duck ay nalilimitahan ang tungkulin sa mga tipikal
na katangian tulad ng pag-aalaga, pagluluto, at paglilinis ng bahay. Walang kamalian ditto, ngunit ang
mga stereotipikal na tungkulin base sa kasarian na nagiging normal na sa lipunan ay nagiging masamang
impluwensiya para sa mga kabataang manonood.

Pantay na representasyon para sa kababaihan. Sa halip na gawing normal ang pang-araw-araw na


seksismo sa gitna ng patriyarka at ipilit ang maling konsepto at ideya na nakakasama para sa kababaihan
ay kailangang hubugin ang mga kabataan, imulat at palakihin sila sa isang kapaligiran kung saan sila’y
ligtas at komportable. Hangga’t hindi nasusulosyunan nang maaga pa ang ganitong klaseng problema sa
lipunan ay hinding-hindi uunlad ang Pilipinas sa ganitong aspeto.

You might also like