You are on page 1of 1

Ano ang imahen ng mga kababaihan sa mga napiling kanta?

Iba’t iba ang tingin o imahen ng kababaihan sa mga awit. Sa kantang “Sisikat ka iha” ng Bita and The
Botflies, binabanggit kung papaano ino-objectify ang mga kababaihan sa realidad gamit ang industriya
ng musika at showbiz. Ayon kay Sofy Aldeguer na bokalista ng banda sa pag-aaral ni Robbie Pangilinan,
nais ng banda nilang galugarin ang papel ng kababaihan sa komunidad at nais pang gumawa ng kanta
patungkol sa mga kababaihan gamit ang mga impormasyong makakalap ng kanilang banda. Sumunod
ang kanta ng rapper na si Geo Ong na kadalasang tinatalakay ang mga pangunahing isyu sa ating bansa
gamit ang kanta upang ipahayag and saloobin niya. Isa sa kaniyang awit ang pinangalanang “Parokyana”
na kung saan sinasabing ang mga kababaihan ay ginagamit ang katawan upang sumikat at pagkakitaan.
Isa pa rito ang kantang “Neneng B” ni Nik Makino na sinesexualize ang mga kababaihan at dinedegrade
gamit ang mga salita na ginagamitan ng tayutay upang hindi direktang mabastos ang mga ito at
direktang paglalarawan naman ang ginamit sa kantang “Lexi” na sinasabing madali lang makuha ang
mga babae.

You might also like