You are on page 1of 1

Nicole Dangpas 11-B

February 6, 2024
Introduction to Word Religions and Belief System
Lord Patawad : Song Analysis

Ang sumulat at kumanta ng kantang Lord Patatawad ay si Lordivino Ignacio


o mas kilala sa pangalang Bassilyo. Siya ay isang sikat na rapper dito sa Pilipinas
at umabot lang naman ng 16 milyon views sa YouTube ang kanyang kantang
Lord Patawad. Ang nilalaman ng kantang ito ay ang ilan sa karanasan ng mang-
aawait na si Bassilyo. Ayon kay Bassilyo ang kantang ito ay isa sa mga
naglalarawan sa kanyang buhay. Literal na humihingi ng tawad sa kanyang
pagkakasala sa mata ng Diyos. Sa mga pagkakataon na hindi isinasapuso ang
pagsisimba, ang bawat panalangin, ang bawat biyayang natatamo. Ipinapakita rin
sa kantang ito ang pagsisisi ni Bassilyo sa lahat ng kanyang nagawang kasalanan
tulad ng pagdarasal lang kapag may kailangan, pagsisimba kapag gusto niya
lang, at kapag meron lang siyang ipagyayabang. Nabanggit rin sa kantang ito ang
lahat ng ginawa ng Panginoon sa kanya na kahit minsan daw ay hindi siya
nagpasalamat. Kaya sa huli siya ay labis na humihingi ng tawad sa mahal na
Panginoon.

Ang naunawaan ko sa kantang ito ang pagsisisi ni Bassilyo sa kanyang mga


nagawa noon. Sumasalamin ang kantang ito sa mga laban at pagkakagulo niya
sa sarili. Naunawaan ko na hindi lang dapat tayo mag simba kapag maykailangan
tau, kundi magsimba tau kahit walang rason. Ipinapakita rin dito ang personal na
paglaban, panghihinayang, at pangangarap na magkaruon ng kapatawaran.
Naunawaan ko rin na sa ating buhay minsan tau ay nasisilaw na sa mga material
na bagay sa mundong ito at dahil dito nakakaligtaan na natin na magbigay
salamat sa Panginoon na nagbigay sa atin nito. At Sa kanta ipinapakita ang
aspeto ng relihiyon o spiritualidad sa pamamagitan ng paggamit ng panganlan ng
Diyos, tulad ng ‘’Lord’’. Isa pa rito ang pagdarasal, pagsisimba, at paghingi ng
tawad sa panginoon.

Ang natutunan ko sa kantang ito ay dapat tayong maging mapagpasalamat


sa Diyos sa lahat ng mga biyayang ating natatanggap o kahit ano pa mang
nangyayari sa ating buhay. Huwag nating tanggihan ang tawag ng Diyos kundi
pansinin natin ito. Huwag nating hintayin na huli na ang lahat bago tayo gumawa
ng aksiyon at baka tayo ay magsisi lang sa huli.

You might also like