You are on page 1of 3

Ikalimang Wika ni Hesus:

"Nauuhaw Ako." (Juan 19, 28)

PAGNINILAY:

Bahagi ng buhay ang pagkauhaw. Nauuhaw tayo dahil kinakailangan nating uminom at napapagod na
tayo. Iilan lamang sa mga iniinom natin ay tubig, gatas, juice at soft drinks upang mapawi ang ating
pagkauhaw. Maginhawa ang ating pakiramdam kapag napawi na ang ating pagkauhaw. Ang pag-inom sa
tuwing tayo ay nauuhaw ay pagtugon sa pangangailangan ng ating mga katawan.

Hindi lang po tubig ang kinauuhawan natin. Bilang tao, may mga kinauuhawan tayo na hindi kayang
pawiin ng inumin. Mga halimbawa nito ay ang pagkauhaw sa kayamanan, pagkauhaw sa atensyon,
pagkauhaw sa kapangyarihan, pagkauhaw sa pag-ibig at maraming iba pa. May mga tao pa nga, kahit
mayaman na sila, kahit gaano pa man sila kayaman, ay palaging malungkot. Bakit? Nasa kanila na ang
lahat ng kapangyarihan at yaman. Bakit malungkot pa rin sila? May mga pagkauhaw din sila na hindi
mapawi ng kayamanan at kapangyarihan. Ganun din po ang nangyayari sa atin kadalasan. Hindi mapawi
ng tubig o anumang materyal na bagay ang ating pagkauhaw. Parang may kulang.

Ang ikalimang wika ng Panginoong Hesus mula sa krus ay ang pinakaiksing salita sa Pitong Huling Wika
ng Panginoon. Ang Diyos na Siyang lumikha ng tubig ang humihingi ng tubig mula sa tao. Ang Diyos, sa
katauhan ni Hesus, ay nagpangako ng tubig ng buhay sa babaeng Samaritana noong nagkatagpo sila sa
Balon ni Jacob. Ngayon, ang Diyos, sa katauhan ni Hesus, ay humihingi ng maiinom. Nauuhaw Siya.
Uhaw na uhaw na Siya. Pagkatapos ng ilang kilometro ng paglalakbay mula sa palasyo ni Pilato
papuntang Golgota. Uhaw na uhaw ang Panginoon.

Maaaring inumin ni Kristo ang suka na ibinigay sa Kanya ng kapitan ng mga kawal bago pa man Siya
ipinako sa Krus. Pero, bakit hindi Niya ininom? Ayaw Niyang mabawasan ang bawat patak ng dugo sa
Kanyang paghihirap upang tubusin ang sangkatauhan. Gusto ni Kristo na buong-buo ang bawat patak ng
dugo upang matubos ang sangkatauhan. Sa pamamagitan ng Kanyang dugo ay nililinis ang bawat tao
mula sa kanilang mga kasalanan. Nagtiis Siya alang-alang sa atin.

Ano naman ang kinauuhawan ng Panginoon? Nauuhaw na nga Siya, pero hindi Niya tinanggap ang alak o
suka na ibinigay sa Kanya. Ano ba ang kinauuhawan ng Panginoon? Tayo ang Kanyang kinauuhawan
Niya. Nauuhaw Siya para sa atin. Tinatawagan tayo ng Panginoon na magbalik-loob sa wikang ito. Uhaw
na uhaw Siya para sa ating pagbabalik-loob sa Kanya. Nakahanda Siyang patawarin tayo dahil minamahal
Niya tayo.

Kung tinutugon natin ang pangangailangan ng ating mga katawan, kaya ba nating tumugon sa pagtawag
ni Kristo sa atin? Tinatawag tayo ng Panginoon na magbalik-loob sa Kanya. Ang hiling ng Panginoon sa
wikang ito ay ang ating pagbabalik-loob natin sa Kanya. Saan nga ba tayo patungo? Marahil ay
pumupunta at naglalakad tayo sa kadiliman ng kasalanan. Nauuhaw na ang ating kaluluwa. Kahit ano pa
ang gawin natin, para bang may kulang. Walang makakapawi sa uhaw ng ating kaluluwa. Nakakalungkot,
halos hindi natin ito pinapansin. Mas binibigyang pansin natin ang ating mga pisikal na pangangailangan.

Hindi lahat ng bagay sa mundo ang nakakapawi sa ating mga uhaw. Anuman ang nakukuha natin, para
bang may kulang. Maaaring ang isang tao ay ang pinakamayaman sa buong mundo, pero hindi siya
kuntento. Nalulungkot siya. Kahit nasa kanya na ang lahat ng kayamanan, hindi pa siya masaya. Uhaw pa
rin siya. May kulang sa kanyang buhay. Hindi siya masaya dahil may kulang. Kahit ano pa ang gawin niya,
hindi pa siya makuntento.

Ang Diyos lamang ang nakakapawi sa ating pagkauhaw. Tayo ay nagiging kuntento sa Diyos. Siya lamang
ang may kapangyarihang pawiin ang ating pagkauhaw nang buong-buo. Walang makakapantay sa
kapangyarihan ng Diyos. Pinapawi Niya ang ating mga kauhawan ng ating kaluluwa. Nasa Kanya ang
tubig na walang hanggan. Hindi po ito literal na tubig. Napapawi ng literal na tubig ang ating pagkauhaw,
pero pansamantala lamang iyon. Kapag lumapit tayo sa Diyos, papawiin Niya ang pagkauhaw ng ating
kaluluwa.

Tanungin po muna natin ngayon ang ating mga sarili: Ano ang ating tugon sa pagkauhaw ni Hesus?

(c)

My Testimony

Nauuhaw Ako (Pagdurusa)

Anong mga karanasan sa buhay ang nangyari sa akin?

Paano ko ito nalampasan?

Paano ko naisabuhay ang kanyang salita?

Introduction:

Nauuhaw Ako

Ang ikalimang wika ng ating panginoon ay halos ilang beses ko ring nabanggit sa pagtahak ko sa landas
ng buhay.

Alam niyo bang ako ay certified NPA? Opo NPA as in No Permanent Addess… bakit ko nasabi ito?

Dahil binilang kong lahat ang aking salin-tahanan ay umabot ito ng ____

1. Sawang mula ng ako ay ipinanganak sa bahay ng aking lolo at lola sa mother side
2. Capaclan sa hagdan-hagdan sa bahay ng aking lolo at lola sa father side
3. Sa likod ng RNHS
4. Sa Capaclan sa katabi ng Napocor… na kung ituturing iyon sana ang aming ancestral house
5. Sa Palje sa pinsan ng aking ina dahil walang anak ay
6. Sa Alcantara sa aming kapitbahay dahil isinama ako upang maging tagabantay ng bata.
7. Sa Palje sa pinsan ng aking ina dahil walang anak ay pinagkainteresan akong ampunin daw… nag-
enrol ako sa Paaralang elementarya ng Agpanabat na gamit ang kanilang apelyido ngunit dahil
sa hindi magandang pangyayari… na naranasan ko
8. Sa Barangay 1 sa pinsan ng aking ina
9. Sa Bulacan sa kapatid ng aking lola sa father side
10. Sa Bulacan sa bahay ng aking kaklase nung elementarya
11. Sa Bulacan ulit sa bahay ng aking kaklase nung elementarya
12. Sa Damar Village nangamuhan as in katulong all around
13. Sa Libertad bilang tindera
14. Sa Bulacan ulit dahil sinundo ako ng aking lola
15. Sa Pedro Gil kung saan ko nakilala ang taong nagdala sa akin sa pinakamaswerteng lugar para sa
akin
16. Sa lipa kung saan ko natagpuan ang aking naging amo na siyang nagpaaral sa akin simula first
year high school hanggang kolehiyo
17. Sa mataas na kahoy batangas
18. Sa San Sebastian Village
19. Sa boarding house
20. Sa
21. Sa

You might also like