You are on page 1of 3

Ang Ika-Apat na Huling Wika

Diyos Ko, Diyos Ko, Bakit mo ako pinabayaan? (Mt 27:46; Mk 15:34)
Nagmamakaawa, humingi ng tulong, nawalan ng pag-asa. Iilan lamang ito sa mga
salitang pwede maglarawan sa ika-apat na huling salita ni Kristo sa krus. Mga
salitang naghahanap ng makakapitan sa kabila ng pasakit at hirap. Mga salita ng
humingi ng tulong kasi hindi na kaya ang mabigat na pinapasan. Mga salitang
naglalarawan ng kawalan ng pag-asa. Tunay nga, sa unang dinig ang ika-apat na
huling wika ni Jesus ay parang ungol ng isang taong nawalan ng pag-asa. Sa unang
dinig, parang ungol ng taong naghahanap ng dahilan upang maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap na intindihin.
Karaniwan na sa atin na kapag tayo ay nasaktan, nasugatan, nahirapan, natakot o
nalilito tayo ay may nilalapitan para humingi ng tulong. Madalas nung tayo ay bata
pa o ngaung tayo ay may edad na madalas nating sinasambit na pangalan ay pangalan
ng ating ina o ama. Tinatawag natin ang ating ina o ama kapag di na natin kaya,
tinatawag natin ang pangalan nila upang maibsan ang mabigat nating pasanin o di
kaya gamutin ang sugat sa ating katawan.
Noong bata pa ako, ako ay matatakutin lalo na kapag ako ay naglalakad sa dilim.
May mga pagkakataon noong bata pa ako ay dumadalaw kami sa bahay ng aking
lolo at lola. Minsan inaabot kami ng dilim bago umuwi sa bahay. Hindi ko kayang
umuwi sa bahay namin kasi madlim ang daan. Subalit, ngkakaroon ako ng lakas ng
loob na maglakad sa dilim kapag kasama ko ang aking nanay o tatay. Lumalakas ang
loob ko kapag nandyan sila sa tabi ko.
Dagdag pa nito, habang ako ay lumalaki at nagkakaroon na ng sariling decision sa
buhay hindi pa rin nawawala sa akin ang humingi ng tulong sa aking mga magulang.
Ang kanilang suporta at presensya nila sa buhay ko ay sapat na upang magkaroon
ako ng lakas ng loob at tapang na harapin ang mga problema sa buhay.
Bakit nga ba ito ang nararamdaman ko pag nandyan ang aking mga magulan? Bakit
ng aba lumalakas ang loob ko sa tuwing nandyan sila? Siguro isa sa mga dahilan ay
alam kong hindi nila ako pababayaan. Alam ko na Karamay ko sila sa kahit anu
mang problema na aking mararanasan. Alam kong hindi nila ako pababayaan na
masaktan. Alam ko na sila ay Karamay ko sa lahat ng bagay. Kaya sa tuwing
makakaranas ako ng problema sila ang hinihingan ko ng tulong.
Ito siguro ang naramramdaman ni Jesus. Lagi binabanggit ni Jesus sa siya at ang
ama ay iisa. Lagi nyang sinasabi sa kanyang mga sermon na ginagawa niya ay ang
kalooban ng Ama na nagsugo sa kanya. Lagi niyang sinasabi na walang
makakapunta sa ama kundi dadaan sa kanya. Ilan lamang ito sa mga pahayg ni Hesus
tungkol sa Ama. Ang mga pahayag na ito ay naglalarawan na si Jesus at ang ama ay
may malalim na relasyon. Si Hesus at ang ama ay may malalim na ugnayan. Gaya
ng ugnayan ng magulang sa kanyang mga anak. Kung tutusin, kung ginagawa ni
Hesus ang kalooban ng Ama ay hindi siya matatakot dahil alam niya na kasama niya
ang kanyang Ama.
Subalit, ibang imahe ang nakikita natin sa Pang apat na huling salita ni Hesus sa
krus. Ang pang-apat na salita ay parang naglalarawan ng kawalan ng makakapitan,
kawalan ng pag-asa. Para bang ang pang-apat na salita ni Hesus ay nagpapahiwatig
na inbandona na siya ng kanyang Ama. Kung ating babalikan ang mga pangangaral
ni Hesus, mababatid natin na siya at ang ama ay may malalim ng pakikipag ugnayan.
Kung gayon, bakit ganito ang nararamdaman ni Hesus. Kung siya at ang Ama ay
iisa bakit nakaramdam ni Hesus na siya ay pinabayaan? Bakit parang nararamdaman
ni Hesus na siya ay nilisan ng Ama?
Ilan lamang ito sa mga tanong tungkol sa pag-apat na huling salita ni Hesus. Subalit,
kukng ito’y ating pagninilayan. May malalim itong kahulugan. Ayon sa mga
dalubhasa sa Bibliya, ang huling salita ni Hesus “Diyos ko, Diyos ko, Bakit mo ako
pinabayaan?” ay nagmula sa isang Salmo. Ang Salmong ito ay Salmo 22.
Sa pagdarasal Niya ng ikadalawampu’t dalawang Salmo, tinatawag ni Jesus ang
Diyos na Kaniyang Ama: “Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo ako pinabayaan?” Mas
lalo yatang napasama kasi parang hindi ang awa ng Diyos ang ibinubunyag nito.
Pinabayaan ba talaga ng Ama ang si Jesus?

Kung babasahin nating mabuti ang ika-dalawampu’t dalawang Salmo, mababatid


nating ang Salmong ito ay hindi panalangin ng isang taong nawawalan na ng pag-
asa sa awa ng Diyos. Sa halip, ipinagsisigawan nito ang awa ng Diyos!

Hindi natin agad-agad nauunawaan ang awa ng Diyos Ama kasi may mga
pagkakataon sa buhay natin na nakabibingi ang katahimikan ng Diyos. Natatakot
tayo sa katahimikang ito. Parang wala Siya pakialam kung anong nangyayari sa atin.
Tunay ngang sa ating buhay, may mga pangyayaring hindi natin maintindihan. Na
minsan ay masasabi natin nasaan ba ang Diyos? Minsan may mga karanasan tayong
hindi natin nauunawaan ng lubos, at minsan masasabi natin na bakit hinayaan ng
Diyos na mangyari sa atin ang ganoong pangyayari. Tunay ngang sa buhay natin
may mga pagkakataon na nararanasan nating masaktan, maluha at makaranaas ng
hindi kaaya ayang mga bagay na kung ating iisipin natin ay bakit hinayaan ng Diyos
na mangyari.
Lahat tayo ay may kanya kanyang problema sa buhay na minsan ay masasabi natin
Diyos ko, Diyos ko bakit mo ako pinabayaan? Subalit, sa huling salita na ito ni Hesus
ay pinapaalala sa atin na alam ng Diyos ang ating nararamdaman. Paano natin
masasabi ito na alam ng Diyos ang bawat paghihirap natin sa buhay? Paano natin
malalaman na nararamdaman ng Diyos ang ating paghihirap at kawalan ng pag-asa?
Sa ika-apat na huling salita ni Hesus ay pinapaalala sa atin na naransaan din ng Diyos
ang ating nararanasan. Pinapaalala sa atin na ang ating mga paghihirap ay naranasan
din ng Diyos sa Krus. Pinapabatid sa atin na hindi tayo nag iisa sa ating paghihirap.
Naiintindihan tayo ng Diyos sa ating mga nararanasang paghihirap sa buhay.
Diyos ko, Diyos ko Bakit mo ako pinabayaan? Mga salitang naghahanap ng
makakapitan, mga salitang madalas nating panggitin sa tuwing tayo ay nakakaranas
ng paghihirap sa Buhay. Pinapabatid sa atin na kagaya natin ang Diyos. Ang ating
mga hinarap na mga pagsubok sa buhay ay katuwang natin si Hesus. Katuwang natin
sya sa anu mang mga pagsubok sa buhay.
Subalit, ang huling salitang ito ni Hesus sa Krus ay hindi lamang mga salita ng
kawalan ng pag-asa. Ang mga huling salita na ito ay mga salitang naghahanap at
hinahanap ang Diyos sa kabila ng mabigat na mga pagsubok sa Buhay. Ang mga
salitang ito ay hindi lamang salita ng kawalang pag-asa kundi mga salitang
nagpapahayg ng buong pagtitiwala sa awa ng Diyos.
“Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo ako pinabayaan?” Mahirap maunawaan agad subalit
ang Ika-apat na Huling Wikang ito ni Jesus, sa katunayan, ay simula pa lamang ng
panalangin ng isang anak na nagpapasalamat sa kanyang maawaing ama. May ama
nga bang nagmamamahal sa kanyang anak nang hindi ito dinidisiplina? Kung meron
man, masamang ama iyon. Ito ang nasusulat sa Hebreo 12:5-11: “Mga anak ko,
huwag mong ipagwalang-bahala ang pagwawasto ng Panginoon, ni ikasama ng loob
ang pangaral Niya. Sapagkat iwinawasto ng Panginoon ang Kanyang minamahal,
pinapalo ang pawang inaako Niyang anak.”

Kapag nakararanas tayo ng pagdidisiplina ng Diyos, dapat tayong magalak at


magpasalamat dahil ang ibig sabihin noon ay hindi pa tayo kinalilimutan ng Diyos,
napapansin pa Niya tayo at hindi pa Niya talaga pinababayaan. Sa halip, kapag may
taong sumisigaw ng “Diyos ko, Diyos ko, bakit Mo ako pinabayaan” at ang sigaw
na yaon ay nagmumula sa kawalang-pag-asa, malamang hindi Diyos ang nagpabaya
sa taong iyon kundi ang kanyang kapwa-tao rin.

You might also like