You are on page 1of 5

HINDI KITA MALILIMUTAN

Scripture: Isaiah 49:14-26

Ang mga Nanay ay Larawan ng Diyos

Bakit sa tingin ninyo nilikha ng Diyos ang mga nanay? Sagot ng iba, “Upang maging katuwang ni tatay.”
Oo, tama rin iyan. Sabi ng Diyos sa Genesis 2:18, “Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa; siya’y igagawa ko ng
isang katuwang na nababagay sa kanya” (Ang Biblia). Puwede ring isagot ng iba, “Upang mag-alaga at
magpalaki sa anak.” Tama rin iyan. Ayon sa Genesis 3:20, “Tinawag ng lalaki ang kanyang asawa na Eva
sapagkat siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay.” Ang naunang dalawang sagot ay may kinalaman sa
relasyon sa asawang lalaki at sa anak. Pero ang pangunahing dahilan kung bakit may nanay ay upang maging
salamin ng karakter at puso ng Diyos. Tingnan ninyo ang Genesis 1:26-28:

Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis.
Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o
mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila’y kanyang nilalang na
isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng
inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa
mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.”

Hindi lang lalaki ang nilikha ayon sa larawan ng Diyos. Pati babae. Hindi lang tatay, pati rin ang nanay.
Ibig sabihin ng larawan ay parang isang salamin na kapag tiningnan mo kamukhang-kamukha ang makikita mo.
Ayon rito, ang mga nanay ay nilikha para maipakita sa pamilya, sa kapitbahay, at sa buong mundo kung sino
ang Diyos na lumikha sa kanya. Mayroon tayong makikita sa mga nanay na patungkol sa Diyos na hindi natin
makikita sa mga tatay.

Yes, we call God our Father. Ito rin naman ang itinuro sa atin ng Panginoong Jesus. Pero huwag nating
kalimutan na hindi mali na sabihin rin nating ang Diyos ay para ring ating nanay. Kasama sa kanyang pagiging
Ama ang pagkakaroon ng puso ng isang ina. Sa panahon ngayon, kung ang nanay ay nasa ibang bansa at
naiwan ang tatay na mag-alaga ng anak, kahit ano ang gawin ng tatay hindi niya puwedeng palitan ang nanay.
Pero sa Diyos mayroon tayong Ama, mayroon din tayong nanay. Oo, may pusong nanay ang Diyos. Ang mga
nanay ay larawan ng pusong-nanay ng Diyos. Pansinin ninyo ang sinabi niya sa teksto natin:

Ang sagot ni Yahweh, ‘Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol
niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit
sandali (Isaiah 49:15 MBB).

Bakit ito sinabi ni Yahweh? Bakit niya nagamit ang ilustrasyon ng pagiging nanay para bigyang diin ang
katotohanang hindi siya lumilimot sa kanyang bayang pinili, sa Israel? Kasi sa kabila ng kanyang kabutihan at
mga binitiwang pangako na magbibigay sa kanila ng pag-asa, ito pa ang sabi ng mga Israelita (“Zion” sa
orihinal), “Pinabayaan na tayo ni Yahweh. Nakalimutan na niya tayo” (v. 14). Isa itong salita ng isang taong
desperado na at nawawalan ng pag-asa dahil sa mga paghihirap na naranasan niya sa buhay.

Siguro dahil sa bigat ng pinagdaraanan nila, hindi nila nakikita ang presensiya ng Diyos, parang hindi
nila kasama ang Diyos kaya nasabi nila, “Pinabayaan na tayo ni Yahweh.” Para sigurong isang nanay na
nangibang-bansa at araw-araw na hinahanap ng kanyang 3-taong anak, “Nasaan na si nanay? Bakit hindi ko na
siya nakikita?” Akala ng mga Israelita ay iniwan na o pinabayaan na sila ng Diyos. Pero hindi lang iyon. Maging
ang mga nanay na malayo sa anak, iniisip at naaalala pa rin ang kanilang mga anak. Pero nasabi pa rin ng mga
Judio, “Nakalimutan na niya tayo.” Para bang sinasabi nilang hindi na sila iniisip ng Diyos, para bang wala nang
pakialam ang Diyos sa kanila. Nagdududa at hindi na sila naniniwala sa pangako ng Diyos.

Ganito ang mangyayari sa atin kung titingin lang tayo sa mga nangyayari sa paligid natin. Magtatanong
tayo, “Nasaan na ang Diyos?” Ang problema natin – kinakalimutan nating may Diyos na kailanma’y hindi
lumilimot sa atin. Siya ang nagsabi ng kanyang pangako, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Sinabi rin
niyang, “Hindi kita malilimutan.” Hindi lang ito intelektuwal na pag-alala, kundi nasa pusong pag-aalaga, pag-
iingat, pagmamahal, pagkaawa, pagkaawa at pag-ibig sa atin. Ganyan ang Diyos kung umibig sa atin. Huwag na
huwag nating kalilimutan. Upang hindi natin makalimutan ang napakahalagang katotohanang iyan, nagbigay
siya ng isang napaka-powerful na illustration, “Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya
mahalin ang sanggol niyang iniluwal” (49:15a)?

Kaya Bang Lumimot ng mga Nanay?


Ang salitang “malilimot kaya” ay nagpapakita ng kakayahan, “Kaya niya kaya? Piliin man niyang
lumimot, kaya ba niya? Posible ba?” Ang “anak” na binabanggit dito ay sa literal na salin, “pasusuhing
sanggol.” Kapag ang anak niya kayang iyak nang iyak dahil gutom na at walang ibang puwedeng pagkain
maliban sa gatas ng ina, papanoorin ba iyon ng nanay at walang gagawin? Imposible! Kahit antok na antok at
pagod, hindi niya malilimutang alagaan ang anak.

Nakikita ba ninyo kung bakit hindi tatay ang ginamit na image dito ng Panginoon? Kasi hindi ganoon ka-
powerful! Makakalimutin kaya ang mga lalaki. Kapag may ibinilin lang sa akin ang asawa ko, kung marami
akong iba pang iniisip nakakalimutan ko tuloy. Pero ang mga babae, multi-tasking, kayang sabay
nagbreastfeed, nagbabasa, nag-iisip kung ano ang iluluto maya-maya, at paano pasasayahin si mister pag-uwi.
Hindi ba?

Kaya bang lumimot ng mga nanay? Para yatang imposible! Pero…puwede. “Kung mayroon mang inang
lumilimot sa kanyang anak…” (“Oo, ang mga ito’y makakalimot,” Ang Biblia) (49:15b). Wala namang
perpektong nanay. Lahat din ng nanay ay makasalanan at may mga limitasyon. May mga nabasa o napanuod
tayong ilang kaso na namatay ang anak dahil nakatulugan at nadaganan. Parang imposible sa isang nanay,
pero puwedeng mangyari. Hindi naman lahat sa atin dito ay puro magaganda ang masasabi sa nanay natin.
Mayroon ding mga pangit at masasakit na karanasan.

Pero ang Diyos? “Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan
kahit sandali” (“ngunit hindi kita kalilimutan,” Ang Biblia) (49:15b). Ang pag-ibig ng Diyos sa atin, ikumpara
man sa pinakamataas na antas ng pag-ibig ng tao tulad ng ina sa kanyang sanggol, ay walang katulad. Dahil
mga itinuturing ng mga anak ng Diyos, hindi niya tayo kalilimutan, ayaw niyang may mangyaring masama sa
atin, puro kabutihan ang nais niya para sa atin. Hindi rin niya tayo malilimutan, imposible na siya ay lumabag
sa kanyang karakter. Sabihin man nating magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay, may mga bagay na hindi niya
kayang gawin. Hindi niya kayang limutin tayo. Imposible iyon kung tayo ay nakay Cristo (cf. Rom. 8:1, 28-39).
Bakit hindi niya tayo kalilimutan at malilimutan?

Diyos na Buhay Magpakailanman


Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan. Pangalan mo’y nakaukit sa aking mga palad. 17Malapit
nang dumating ang muling magtatayo sa iyo, at ang nagwasak sa iyo ay paalis na. 18Tumingin ka sa paligid at
masdan ang nangyayari. Ang mga mamamayan mo’y nagtitipun-tipon na upang umuwi. Ako si Yahweh, ang
Diyos na buhay, ang nagsasabi: ipagmamalaki mo sila balang araw, tulad ng babaing ikakasal na suot ang
kanyang mga alahas. (vv. Isa. 49:16-18)
Utang natin sa ating mga nanay ang buhay natin. Wala ni isa man sa atin ang buhay kung hindi dahil sa
mga nanay natin. Anumang himutok mo sa iyong nanay, hindi mo maikakaila na kung hindi dahil sa 9 na
buwang inilagi mo sa kanyang sinapupunan, wala ka rito sa mundo. Kung hindi dahil sa gatas ng nanay mo,
hindi ka na sana nabuhay. Salamat sa Diyos sa mga nanay na nagbigay ng buhay sa atin. Salamat din dahil sa
kanilang walang sawang pagmamahal sa atin kahit sa panahong naging teenager na tayo at masakit na sa ulo.

Pero ang pagmamahal ng nanay kukupas din, maaaring kapag teenager na at puro sakit ng ulo o naging
drug addict na ang anak. Sasabihin ni nanay, “Ayoko na. Ginawa ko na ang lahat ng magagawa ko para sa
kanya.” Kung hindi man mangyari iyon, darating ang araw na magkakasakit din ang nanay o kukuhanin na ni
Lord. May mga kilala siguro tayo na, wala pang 40 namatay na. Naiwan ang asawa na mag-alaga sa naiwang
anak. Anuman ang gawin nito para maging nanay, hindi siya kailanman magiging nanay dahil tatay siya.
Darating ang araw, hindi na natin mararamdaman ang pag-ibig ng nanay.

Pero ang Diyos? “Hinding-hindi kita malilimutan. Pangalan mo’y nakaukit sa aking mga palad…Ako si
Yahweh, ang Diyos na buhay.” Kung nakaukit sa palad ng Diyos ang ating mga pangalan, magpakailanman
iyon. Hindi na mabubura pagkat buhay ang Diyos magpakailanman. Ang isang lalaki kapag nagpa-tattoo ng
pangalan ng girlfriend niya, tatanggalin din kahit masakit kapag nagbreak na sila at may iba nang girlfriend.
Hindi ba’t kinikilig ang mga babae kapag nakapost sa Facebook ng boyfriend mga pictures nila? Pero paano
kapag wala na sila, tatanggalin din iyon. Ang relationship status, mula sa “In a relationship” magiging “Single.”
Pero sa Diyos kailanman hindi niya magagawa sa atin iyon. Walang makabubura ng pangalan natin sa isip ng
Diyos. Anuman ang bigat ng sitwasyon natin ngayon, huwag nating kalilimutan na mayroon tayong Diyos na
hindi tayo malilimutan.
Diyos na Kahanga-hanga kung Magbigay

Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa mga nanay dahil maabilidad sila. (Illust)


Pero hindi lahat ng nanay. May mga nanay na hindi na nila ginagampanan ang kanilang tungkulin sa kanilang
asawa, katulad ng pinaglulutuan, binibigyan kahit man lang tubig. Maging mga nanay maaaring magkulang sa
pag-aalaga. Pero ang Diyos?

Aking pinabayaan na mawasak ang iyong bansa, ngunit ngayon ito’y magiging masikip sa dami ng tao;
at ang mga taong dumurog sa iyo ay itatapon sa malayo. 20Sasabihin ng mga anak mo balang araw na
isinilang sa pinagtapunan sa inyo: “Ang bayang ito’y maliit na para sa atin. Kailangan natin ang mas malaking
tirahan.” 21Sasabihin mo naman sa iyong sarili, “Kaninong anak ang mga iyon? Nawala ang mga anak ko, at
ako nama’y hindi na magkakaanak. Itinapon ako sa malayo, ako’y iniwang nag-iisa. Saan galing ang mga
batang iyon?” (vv. 19-21)

Maraming nawala sa mga Judio dahil sa kanilang pagkakatapon sa ibang bansa. Pangako ng Diyos kay
Abraham na siya ang magiging ama ng napakarami. Paano na iyan? Pero nangako ang Diyos na ibabalik itong
lahat ng Diyos kung sila’y magbabalik sa kanila at patuloy na magtitiwala. Magtataka pa nga sila kung paano
magkaloob ang Diyos. Ang Diyos kailanman ay nagbibigay ng lahat ng kailangan natin. At magtataka tayo at
mamamangha sa paraang ginagamit niya. At tatanungin din natin sa ating pagkamangha, “Saan galing ang mga
ito?”
(Lord’s Timing) Kaya para sa inyo na maaaring nagrereklamo na sa Diyos dahil tingin ninyo ay
kinakapos na kayo, huwag kayong magtaka isang araw ipakita sa inyo ng Diyos na siya’y kahanga-hanga kung
magbigay. Huwag kalimutang may Diyos na hindi tayo lilimutin.
Diyos na Hindi Sumisira sa Pangako

Ang mga tatay kapag may ipinangako sa anak, maaaring makalimutan lalo na kapag maraming mga
pinagkakaabalahan. Ang nanay mas maaalalahanin lalo na kapag may mga special occasions. Pero may mga
nanay rin na nasisira sa kanilang pangako. Halimbawa, aattend sa graduation tapos inasahan mo, tapos
pinamalita mo sa sa mga kaklase mo. “Aattend ang nanay ko, yehey!” Umasa ka. Araw ng graduation,
naghintay ka. Walang dumating. Napahiya ka lang sa mga kaklase mo. Sabi nila, “Akala ko ba pupunta nanay
mo, hindi naman pala. Wawa ka naman.” Pero ang Diyos?

Ang sagot ng Panginoong Yahweh sa kanyang bayan: “Huhudyatan ko ang mga bansa, at ang mga anak
mo’y iuuwi nila sa iyo. 23Ang mga hari ay magiging parang iyong ama at ang mga reyna’y magsisilbing ina.
Buong pagpapakababang yuyukod sila sa iyo bilang tanda ng kanilang paggalang; sa gayon ay malalaman
mong ako nga si Yahweh. Hindi mapapahiya ang sinumang magtiwala sa akin.” (vv. 22-23)

Nangako siya di ba na siyang magkakaloob ng pangangailangan natin? Mapapahiya ba ako sa iba kung
sabihin kong sa Diyos ako nagtitiwala? Mapapahiya ba ako sa inyo kapag hikayatin ko kayong manalangin at
umasang sasagot siya sa panalangin? Hindi! Kasi mangyayari. Maaaring hindi sa paraang inaasahan natin. Pero
sasagot siya.

Marami man ang tutol sa pinagdedebatehang Reproductive Health Bill, kabilang ang PCEC (kung saan
kabilang ang Foursquare ang church natin) sa sumusuporta dito. Kung makakatulong ito sa mga nanay at sa
mga mahihirap na mas magkaroon ng quality life, bakit hindi natin susuportahan? Huwag lang maging daan
para maencourage ang abortion. Ayon kay Bishop Tendero ang RH Bill ay nagpopromote ng responsible
parenthood.
Maganda nga ang panukalang ito para sa mga nanay at pamilya, lalo na sa mahihirap. Pero paano kung
hindi naman maipatutupad? Ang Diyos napakaganda ng panukala at pangako para sa lahat sa atin. Wala pa
siyang record na sumira sa usapan. Makakaasa tayo diyan. Maganda ang ibang mga programa ng gobyerno,
pero lahat ng programa ng Diyos ang dapat nating asahan.
Diyos na Makapangyarihang Tagapagligtas

“Nang pinalo ako ng nanay ko. Masakit, pero paalala sa akin.” Inililigtas tayo ng ating mga nanay sa
mga panganib na maaari nating sapitin. Pero paano kung naging drug addict na ang anak at wala nang magawa
ang nanay? May hangganan ang magagawa ng nanay para iligtas tayo sa panganib. Kung ang anak mo ay
nakidnap ng mga Maute Group, kaya mo bang bawiin? Pero ang Diyos?

Mababawi pa ba ang nasamsam ng isang kawal? Maililigtas pa ba ang bihag ng isang taong malupit?
25Ang sagot ni Yahweh: “Ganyan ang mangyayari. Itatakas ng mga kawal ang kanilang bihag, at babawiin
ang sinamsam ng malupit. Ako ang haharap sa sinumang lalaban sa iyo, at ililigtas ko ang iyong mga anak.
26Hihimukin kong magpatayan ang mga umaapi sa inyo. Mag-aalab ang kanilang poot, at mahuhumaling sa
pagpatay. Sa gayon makikilala ng sangkatauhan na akong si Yahweh ang Makapangyarihang Diyos, ang
nagligtas sa Israel.” (vv. 24-26)

Oo, katulad ng pagmamahal ng ina ang pag-ibig ng Diyos sa atin pero higit pa dun. “Ako ang haharap sa
sinumang lalaban sa iyo, at ililigtas ko ang iyong mga anak.” May mga panahon ngang hindi na natin kayang
iligtas ang ating mga anak. Maaaring lugmok na sa bisyo o nahumaling na sa kamunduhan. Kahit anong
sermon ang gawin ng nanay o tatay, wala pa rin. Pero ang Diyos? Kaya niyang iligtas ang ating mga anak sa
kapahamakan at kamunduhan! Walang makapananaig sa kanya. He is mighty to save. If God is for us, who can
be against us (Rom. 8:31)?

Mga nanay, hindi kayo ang tagapagligtas. Hindi kayo Diyos. Salamin kayo ng Diyos, pero hindi ninyo
puwedeng palitan ang Diyos. Mga nanay, may iba pang nanay na kailangan din ng kaligtasan.
Para sa mga may Nanay, Para sa Lahat

Lahat tayo may nanay. Honor God by honoring your mothers. Thank God for them. The issue is not if they
deserve it. God deserves it.
Kung nakakapagsulat pa kaya an gating mga magulang ano kaya ang maisusulat niya, kung maisasabi
lang niya ang kanilang buong damdamin, ano kaya ang kanilang sasabihin. Minsan panuurin niyo po ang isang
liham ng magulang sa kaniyang anak… (Video)

Ang ibay hindi nagging maganda ang kanilang karanasan sa kanilang nanay. Pero ito ang tandaan ninyo.
Anumang sitwasyon o sirkumstansya mo ngayon sa buhay at sa iyong pamilya, tandaan mong palagi na
may Diyos na nangakong, “Hindi kita malilimutan.” Dahil sa ating mga kasalanan, hindi tayo karapat-dapat
tawaging mga anak ng Diyos. Pero itinuring na niya tayong mga anak dahil kay Cristo at nangakong iibigin tayo
habang siya’y nabubuhay.

Tungkulin ng Bawat Kristiano ang Pagbibigay ng Handog at mga Ikapu

Ang nais ni Jesus para sa atin ay hindi lang maging sagana sa buhay kundi sagana sa pagbibigay. Ngunit
maaaring makahadlang dito ang kasakiman (greed) at labis na pag-aalala (anxiety). Tingnan natin kung ano ang
mga pangakong dapat panghawakan upang maging sagana sa pagbibigay.

Tungkulin ng Bawat Kristiano ang Pagbibigay ng Handog at mga Ikapu

Kailan nagsimulang bangitin ng Biblia ang ikapu?


Panahon ni Abraham (Gen. 14:20).
Panahon ni Jacob (Gen. 28:22).
Pagbibigay ng mga batas (Lev. 27:30).
Iniutos ba ng Diyos na tayo ay magbigay ng ikapu?
Iniutos noon pa sa Israel (Mal. 3:8-10).
Iniutos sa panahon ni Kristo. Sa mga Fariseo at Eskriba (Matt. 23:23); Iniutos ni Kristo sa mga alagad
Niya (Matt. 5:20).
Mayroon bang utos sa Bagong Tipan na ito ay nahinto? Walang utos na ganito
Dapat ay higitan pa (Matt. 5:20).
Ang halimbawa mg Macedonia (I Cor. 8:3).
Magbigay ayon sa ikagiginhawa (I Cor. 16:2).
Ano ang pananagutan ng Diyos sa mga nagbibigay ng ikapu at handog?
Pagpapalain (Mal. 3:10-11).
Magiging mapalad (Mal. 3:12; Gawa 20:35).
Tatangapin ang mana ng buhay na walang hanggan (Matt. 6:19-21).
Saan gagamitin ang ikapu at mga handog ng maga kapatid?
Sa pangangaral (Rom. 10:14-15).
Sa pagtulong sa mga mahihirap (Gawa 4:34-35; Gal. 2:10).
Mayroon bang panganib sa hindi nagtatapat sa pagiging katiwala ng Diyos?
Maaring matulad kina Ananias at Saphira (Gawa 5)…

You might also like