You are on page 1of 1

PANALANGIN

Panginoon,

Salamat sa lahat ng biyaya na ipinagkaloob niyo sa amin, at sa binigay Ninyong

panibagong araw upang kami ay matuto. Salamat din po sa pagbibigay Ninyo sa amin ng isang

gurong hindi nagsasawang paulanan kami ng kaalaman.

Nawa’y patawarin Ninyo kami sa aming mga kasalanang nagawa. Pasensya na po kung

may mga pagkakataon na kami ay tumataliwas sa Inyong mga kautusan, at sa pagkakaroon ng

maruming pag-iisip at puso. Nais rin po naming humingi ng tawad sa aming naging

pagkukulang sa Inyo, sa aming kapwa, at sa lahat ng taong malapit ang loob sa amin.

Sana ay gabayan Ninyo kami sa paaralang ito upang magkaroon ng linaw na kaisipan

upang matuto at gumawa ng tama. Kami po ay bigyan Ninyo ng lakas ng loob upang

malabanan ang mga pagsubok na nararanasan namin araw-araw. Magkaroon po sana kami ng

katalinuhan para maunawaan nang lubos ang aming mga aralin at nawa'y patuloy po ang mga

biyaya na aming matatanggap sa araw-araw.

Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesus. Amen.

You might also like