You are on page 1of 1

TALUMPATI

Isang masaya at mapagpalang umaga sa ating lahat. Aking iniaalay ang isang
taos-pusong pagbati sa ating butihing panauhing pandangal sa araw na ito, Ginang
Remely Ruiz. Gayundin po sa ating minamahal na punong guro, Ginang Noralyn
Dela Cruz para sa kanyang tuloy-tuloy na suporta sa ating paaralan.Ganun din po sa
lahat ng bisitang pumunta po ngayon sa aming munting lugar. Isa rin pong mainit
na pagbati ang aking hatid sa aming mga mahal na guro at magulang na nandirito
ngayon. At hindi ko po makakalimutan ang aking mga kapwa opisyales sa paaralan,
at mga malulugod kong kamag-aaral sa Mababang Paaralan ng Mabuti. Magandang
Umaga sa ating lahat.

Ako po nagagalak at nagpapasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa akin
bilang pinuno ng Kapisanang Inang Wika at iba pang organisasyon sa paaralan.
Alam ko po na ito isang magandang pagkakataon para aking maipamalas ang
kahusayan sa pamumuno at aking malinang nang buo ang aking kakayahan bilang
isa sa mga lider ng paaralan. Alam ko rin po na ito hindi simpleng tungkulin
subalit kung inyong ibabahagi rin ang suporta at pakikiisa ninyo sa aming mga
nahirang na opisyales, magiging posible po lahat ang ating mga hangarin at inaasam
na pagbabago at kaunlaran sa paaralan.

Nakatayo po ako ngayon dito bilang kinatawan ng lahat ng mga nahalal
na opisyales upang magsilbing inspirasyon sa lahat. Ako ngayon po nakikiusap din
sa buong-pusong suporta ng bawat isa sa adhikain ng ating samahan at paaralan.
Bilang kapalit ng inyong tiwala at suporta, sisikapin po naming tugunan at isabuhay
ang mga responsibilidad at tungkuling nakaatang sa amin. Marami pong salamat at
ating pong ipagpatuloy ang munting kasiyahan para sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa.

You might also like