You are on page 1of 3

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

O Panginoon naming Diyos,/ itinataas namin ang ngalan mo./ Kinikilala naming ang Iyong
kapangyarihan/ at kapurihan sa buong sanlibutan.

Patuloy Nyo kaming patawarin sa aming mga nagagawang kasalanan sa Inyong harapan./ Patawarin Nyo
ang aming mga pagkukulan/g na siyang dahilan kung bakit hindi naming maabot ang Inyong
kaluwalhatian.

Sa kabila ng aming mga kasalanan O Panginoon,/ patuloy Ninyo kaming binibiyayaan./ Wala kaming
ibang sasambitin kundi ang pasasalamat/ sa pagmamahal na ibinibigay Ninyo sa amin./ Ang bawat
anumang meron kami O Panginoon/ ay galing sa Inyo./ Marapat na Kayo ay purihin at pasalamatan/ sa
mga kamanghamanghang gawain na ipinapakita Ninyo sa amin./

O Panginoon, sa mga sandaling ito/ kami ay nagtitipon sa Inyong harapan,/ hinihiling namin na Kayo ang
mamagitan sa amin/ upang anuman ang nais Ninyong mangyari/ ay siyang magaganap./ Tulungan Nyo
kaming maunawaan ang Inyong salita/ nang sa gayo’y mamuhay kami ayon sa inyong kalooban./
Pagpalain nawa kaming lahat/ sa pamamagitan ng Inyong banal na espiritu./

Ang lahat ng ito/ ay aming hinihiling/ sa pangalan ng Inyong bugtong na anak na si Hesus,/ Amen.
Panginoon na makapangyarihan sa lahat, pinupuri at
pinapasalamatan ka po namin sa araw na ito. Salamat po at muli po
kaming nagkatipon-tipon ngayon upang kayo’y papuhiran at
sambahin. Buksan nyo po nawa ang aming puso at isip upang
maunawaan at maisabuhay ang mensahe na aming maririnig mula
sa aming mangangaral.

Panginooon, kami po ay lumalapit sa iyo upang himingi ng


kapatawaran sa aming nagawang kasalanan namalayan po namin
ito o hindi. Maraming salamat po sa kaligtasan, mga biyayang
pinagkaloob nyo po sa amin at pagmamahal na aming nararanasan
sa iyo Panginoon. Kayo po ang siyang manguna sa aming mga
gawain araw araw . Tulungan nyo po nawa Panginoon ang mga
taong hindi pa lubos nakakakilala sa inyo.

Tulungan nyo po silang mapalapit sa inyo at ipaunawa ang


inyong nais sa kanila. Kayo na po ang syang bahala sa amin sa araw
na ito. Ito po aming panalangin sa matamis na pangalan ni Hesus,
Amen.

You might also like