You are on page 1of 1

PANALANGIN

Panginoon magandang araw po, sa Iyo ang papuri at pagsamba.


Ikaw ang aming Diyos na makapangyarihan at may kontrol sa lahat ng bagay.
Linisin mo po Panginoon ang bawat isa sa amin na ngayon ay humihingi
Ng iyong pagpapatawad sa lahat ng aming nagawang kasalanan.
Upang maging karapat-dapat kami sa pagtanggap ng iyong mga biyaya.
Itinatas po namin sa iyong pagpapalala ang aming gagawing LAC SESSION na ito.
Samahan mo po kami aming Diyos upang ang lahat ng aming gagawin ay
Para sa iyong ikaluluwalhati at naayon sa Iyong kalooban.
Oh aming Diyos, kami po ay umaasa sa biyaya ng Banal na Espiritu Santo,
Upang magampanan naming ang misyong ipangkatiwala mo sa amin,
Bilang mabuting guro na biyaya sa bawat mag-aaral at sa aming mga kasamahang
guro.
Sa oras na ito aming Panginoon, kami po ay nagtitiwala at naniniwala na Ikaw,
Ang Diyos ay kasama namin sa silid na ito upang ang aming gagawin, sasabihin at
ikikilos
ay para sa ikabubuti ng lahat.
Gabayan at ingatan mo po kaming lahat na naririto ngayon kasama ng aming
mga mahal sa buhay.
Maraming Salamat po sa mga tinawag mo at sa lahat ng gaganap ngayon upang
maging maayos at makabuluhan ang LAC SESSION na ito.
Maraming Salamat po sa bawat isa, na magiging boses, kamay at presensya mo
sa makapagpadama ng pag-ibig sa lahat.
.
Ipinapanalangin po namin ito,
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristong Iyong anak,
na nabubuhay at naghahari
kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Amen

You might also like