You are on page 1of 4

Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, pinupuri po namin ang Iyong

maluwalhating pangalan. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa walang


sawa Ninyong paggabay at pagprotekta sa amin.

Maraming salamat po s a a m i ng p am i l ya , m g a k ai bi ga n, s a m ga gur o


n a n ag si si l b i n am i n g kasiyahan at inspirasyon. Lubos din po naming
ikinagagalak ang biyaya ng edukasyon kung saan kami ay nahahasa sa
lahat ng aspeto.

Panginoon, maraming salamat po sa iyong mga kabutihan at pang-unawa. Kami po


ay maliit na alipin sa iyong harapan na naghahandog sa iyo ng pasasalamat sa
hanging aming nilalanghap, sa tubig na nagbibigay buhay, at sa lupain na patuloy
mong pinagpapala.

Maraming salamat sa pagbibigay ninyo sa amin ng isang pamilya na maaasahan at


masasandalan sa panahon ng kagipitan. Maraming salamat sa pagbibigay sa amin
ng mga kaibigan na magdadala sa amin sa kabutihan.

Maraming salamat sa pagbibigay sa amin ng mga kasamahan sa trabaho na


nakahandang tumulong sa amin sa sandaling kami ay mangailangan.

Maraming salamat po, Panginoon naming Diyos sa lahat ng aming kapwa na


aming nakakasalubong at nakakasalamuha sa aming buhay.

Humihingi po k a m i n g k a p a t a w a r a n s a l a h a t n g a m i n g p a g k u k u l a n g
a t p a g k a k a m a l i . Patnubayan Niyo po kami upang mapagtagumpayan
ang mga pagsubok bilang mga guro, at lalo’t higit sa aming mga mag-
aaral.

Gawaran Niyo rin po kami ng matalas na paningin, pandinig, at pag-iisip


upang maunawaan ang mga aralin. Gabayan Niyo po sana ang kaming mga
guro nang sa gayon ay maipaliwanag namin ng maayos ang mga
impormasyong kailangan ng aming mag-aaral.

Panginoong aming Diyos amin pong idinadalangin na biyayaan mo kami ng sapat


na kalakasan upang magampanan namin ang aming responsibilidad bilang ama,
ina, anak, kapatid, kaibigan at kapwa.
Bigyan mo kami ng tuwid na isipan upang sa bawat sandali ng aming buhay ay
walang ilalaman kundi ang pananampalaya at paglilingkod sa iyo.

Bigyan mo po kami ng kapanatagan ng isip sa araw at gabi na siyang magsisilbing


paalala sa amin na ikaw ay buhay na Diyos ng buong sansinukuban.

Iligitas mo po kami sa mga kapahamakan at ilayo sa mga tukso ng sanlibutan


upang sa aming buhay ay mapaglingkuran ka namin ng buong kadalisayan.

Dakilang Diyos na Makapangyarihan sa lahat;


Diyos na lumikha ng Langit at Lupa.

kami ay Lumalapit sa iyong harapan upang ang buong mundo at ang aming
bayang Pilipinas, ay iyong maproktektahan

Sa panahong ito ng krisis, tulungan mo kaming maging malakas sa pagharap sa


matitinding pasubok ng lipunan.
Ipagkaloob Mo po sa amin ang pananampalataya, ang pag-asa, at pag-ibig.

Bigyan Mo po kami ng wastong pag-iisip at kakayahang kumilos nang maayos.


Kami’y naniniwala na ang lahat ng tulong ay sa iyo lamang nagmumula.
Tumatangis kami sa Iyo at humihingi ng awa.
Naniniwala kami na iyong kakanlungin at ililigtas sa tiyak na kapahamakan ang
sinumang lumalapit sa iyo.

Ang lahat po ng ito ay aming Ipinapanalangin,


sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo na Iyong bugtong na anak,
na nabubuhay at naghahari kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Amen
INTRO:

THANKFUL TO THE LORD, FOR HE IS GOOD ;


HIS LOVE ENDURES FOREVER,,

Isang mabuting bagay ang magpasalamat sa Panginoon at umawit ng mga papuri


sa iyong pangalan, O katas taasan; upang magpakilalang iyong kagandahang loob
sa umaga at ng iyong pagtatapat gabibagi. (Awit 92: 1)

Ang pasasalamat ay isang bagay na mabuti. Sa lahat ng mga bagay na tinatanggap


natin at patuloy nating tatanggapin mula sa nagiisang Diyos.Sa lahat sandali, maliit
man o Malaki ang mga biyayang nakakamtan natin, huwag nating kalilimutang
maghandog sa Diyos, sapagkat siya ay mabuti, siya ay dakila at kailanman di
nagbabago. Dapat lamang na kilalanin ang mga ito sa pamamagitan ng taos pusong
pasasalamat at pagpupuri.

Ang gawaing ito na isinasagawa ng ating distrito ay pangungunahan ng ating mga


guro mula sa paaralan ng San Antonio Elementary School na maghahain ng papuri
at pasasalamat sa ating Panginoon….

You might also like