You are on page 1of 2

Halimbawa ng Panalangin sa Diyos

Amang Diyos, Panginoong Banal, ako po ay taos-pusong nagpupuri, naghahandog ng isang


panalangin at sumasamba sa iyo. Talos ko ang iyong kapangyarihan at talastas ko ang iyong
kadakilaan. Ikaw ang lumikha ng lahat ng bagay na narito sa lupa at maging nariyan sa langit.
Sa iyo nagbuhat ang hininga ng aming mga ilong at ang buhay ng aming kaluluwa. Ikaw ang
pinanggagalingan ng mga biyayang natatanggap namin sa araw-araw. Ikaw ang nagbibigay ng
aming talino ng isipan, lakas ng aming katawan, kaligayahan ng aming mga puso, kapanatagan
ng aming mga diwa at pag-ibig sa aming mga katauhan.

Panalangin sa Diyos na Buhay 

Diyos ko, maraming salamat po sa iyong mga kabutihan at pang-unawa. Kami po ay maliit na
alipin sa iyong harapan na naghahandog sa iyo ng pasasalamat sa lahat ng bagay na aming
nakikita, nahihipo, naaamoy, naririnig at nararanasan. Maraming salamat sa pagbibigay sa amin
ng isang pamilya na maaasahan at masasandalan sa sandal ng kahirapan. Maraming salamat
sa pagbibigay sa amin ng mga kaibigan na aming matatawagan sa sandali ng
pangangailangan. Maraming salamat sa pagbibigay sa amin ng mga kasamahan sa trabaho na
nakahandang tumulong sa amin sa sandaling kami ay mangailangan. Maraming salamat po,
Panginoon naming Diyos sa lahat ng aming kapwa na aming nakakasalubong at
nakakasalamuha sa aming buhay.

Patawarin mo kami, Amang Diyos, sa aming mga kasalanan. Lapatan mo ng kalinisan ang
aming maruruming puso at isipan upang malayo sa anumang dungis na siyang nagiging dahilan
upang mailayo namin ang aming pagkatao sa iyo. Patawarin mo kami sa paminsan-minsan
naming pagkakatalisod sa kalsadang aming dinaraan.

Panalangin namin sa iyo, Diyos na sana’y magkaroon kami ng sapat na kalakasan upang
magampanan namin ang aming responsibilidad bilang ama, ina, anak, kapatid, kaibigan at
kapwa. Bigyan mo kami ng tuwid na isipan upang sa bawat sandali ng aming buhay ay walang
ilalaman kundi ang paglilingkod sa iyo. Bigyan mo kami ng kapanatagan ng isip sa araw at
gabi na siyang magsisilbing paalala sa amin na ikaw ay buhay na Diyos ng buong
sansinukuban. Ilgitas mo po kami sa mga kapahamakan at ilayo sa mga tukso ng sanlibutan
upang sa aming buhay ay mapaglingkuran ka namin na walang bahid ng pagsalangsang.

Panalangin namin ang lahat ng ito sa iyong harapan sa pangalan ni Jesus na aming
tagapagligtas.
Amen.

You might also like