You are on page 1of 1

Panginoon naming Diyos, patawarin mo kami sa lahat ng aming mga kasalanan.

Patawarin mo
rin kami sa aming pagkukulang sa Iyo, sa aming kapwa, sa aming pamilya’t mga mahal sa
buhay. Pinipilit po naming maging malakas sa araw-araw upang mapaglabanan ang mga kaway
ng kamay ng kasamaan. Patawarin mo po kami sa paminsan-minsang pagtalikod namin sa
iyong mga kautusan.

Humihingi po kami ng kapatawaran sa inyong harapan sa mga nagagawa naming


kasinungalingan ng aming dila. Patawad po sa pagkakaroon ng maruming pag-iisip at puso.
Patawad po sa pagtangging tumulong sa mga nangangailangan. Nawa’y pahintulutan mo kami
na magkaroon ng malinis na dibdib at kalooban, gayundin ang isip at diwa upang makasunod
sa iyong nilalakaran.

Panginoon, gawaran mo kami ng mapagpatawad mong kadakilaan at bigyan mo kami ng


matibay na paninindigan upang itakwil ang kasamaan. Bigyan mo rin kami ng matatag na
pananampalataya upang maging matibay sa mga tukso na dumarating at darating sa aming
buhay.

Maraming salamat po.

Amen

You might also like