You are on page 1of 2

“Pambungad na Panalangin”

Gabriel Sotes

Cherstine
Mahal naming Ama,

Kami po at ang buong sanlibutan /ay nagpapasalamat sa lahat ng mga biyaya/ na walang humpay mo
pong ipinagkakaloob sa amin/ kahit na kami po ay makasalanan.
Queen Hinihiling po naming/ ang iyong patuloy na paggabay/ at pagbibigay ng biyaya.

Humihingi rin po kami ng kapatawaran /sa lahat ng kasalanan, sa salita man o sa gawa. Jeorge

Xeth Nagsusumamo po kami/ sa inyong awa at habag. Kami po ngayon ay nahaharap sa isang laban /na kung
saan di namin makita o mahawakan ang kalaban.

Sa kabila po ng aming nararanasan/ ay nais po naming ihandog ang aming talento /at mga gawain sa Kilian
buwan ng wika.

Donna Sa linggong ito ay magbabahagi ang LIDEan /sa kani-kanilang talento sa Buwan ng
Wika /at nagnanais na maging daan ito ng pagkakaisa sa kabila ng hirap at pagdurusa.
Ang mga Gawain po sa linggong ito /ay iniaalay namin sa iyo O Diyos. Osaiah Jude

Ashley Nawa’y ipagkaloob mo po sa amin /ang karunungan /upang aming lubos na maintindihan/ ang
kahalagahan ng buhay na iyong ipinagkaloob sa amin
Nawa’y maipakita namin/ ang pagkakaisa /at pagtutulungan /kahit sa simpleng paraan. Euna

Vincent Nawa’y makarating sa iba’t ibang sulok ng bansa/ ang aming awit,dasal,tula,sayaw, at iba pang gawain
na inilaan/ para sa pagkakaisa ng bawat mamayan ng bansang Pilipinas.

CJ Tulungan niyo po kami Panginoon /na makayanan at matugunan ang pangangailangan/ ng aming
pamilya sa kabila ng hirap na aming dinaranas.

Rodulf Marami na po ang naging biktima/ ng kasalukuyang pandemya /na kung tawagin ay ang COVID-19.

Nawa’y bigyan niyo ng liwanag /at gabay ang isipan ng aming mga doktor, nars, gobyerno at lahat ng Cheryl
mga taong direktang sinasalang/ ang kanilang sariling buhay /upang maligtas ang nakararami sa amin.

Janna Bigyan niyo din po ng katatagan ng loob /at pag-asa ang sangkatauhan/ na ang lahat ng ito ay
malalagpasan/ at mapagtatagumpayan na hindi namin iiwan ang isa’t isa.

Theola Sana mabigyan mo po kami /nang lakas ng loob upang ipagpatuloy /ang laban upang sa huli ay mapuksa
ang sanhi/ ng kasalukuyang pandemya.

Maxine Alam po namin na mahal niyo kami /at hindi niyo kami pababayaan. Naiintindihan din po namin na sayo
at sa iyo lamang makakamit /ang tunay na kaligtasan.

Marianne Mangyari sanang matugunan /ang bawat pangangailangan/ at punan ang bawat puso ng iyong pag-asa
at kapayapaan.
Kate Sabay-sabay po kaming nanalangin sa inyo, sa ngalan ni Hesukristo ang inyong anak, o Diyos na
makapangyarihan.
Amen.

You might also like