You are on page 1of 1

OPENING PRAYER – PARENT VIRTUAL MEETING

Tayo po ay manalangin.

Ama naming Diyos na makapangyarihan sa lahat

Idinudulog po namin sa inyo Ama, kaming mga guro lalo sa aming mga magulang na silang makakasama
at gagabay sa pagtuturo ng mga modules na inihanda naming mga guro ngayong panahon ng pandemya
na kung saan modular learning approach ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto na sana Panginoon na
patuloy po ninyo kaming biyayaan ng talino at lakas, ng pasensya at walang sawang pagnanasang ang
lahat ng aming mag-aaral at mga anak ay matuto.

Tulungan nyo po ang mga batang ito at ipagkaloob ang knowledge and wisdom na galing sa iyo nang sa
gayon ay matapos at masagutan po nila ng buong puso ang mga modules na ibibigay bawat Linggo.

Kami rin po ay lumalapit upang ipanalangin ang aming mga kapatid na lumalaban sa nakamamatay na
virus. Ipinapanalangin naming hindi lang sila gumaling kundi ang kanilang kaginhawahan at kapayapaan
habang sila ay nagpapagaling. Pagalingin at palakasin nio po nawa ang lahat ng mga cells sa kanilang
katawan. Pagalingin nio po hindi lang ang kanilang katawan kundi maging ang kanilang puso’t kaluluwa,.

Haplusin mo rin po sana ang mga taong nakapaligid sa kanila. Naway pagmamahal at malasakit ang
umiral sa aming mga puso.

Maging ang aming mga kapatid na hindi man dinapuan ng sakit subalit nakakaranas naman ng sobrang
kahirapan dahil sa kawalan ng trabaho dulot ng lockdown ay amin ding idinudulog sa inyo. Maabot po
sana sila ng tulong at maitawid nawa nila ang kanilang araw araw na ikabubuhay.

Itinataas din po namin ama ang mga namumuno sa amin na bigyan mo po sana sila ng talino at malasakit
upang magawa nila ang mga tamang pagpapasya alang-alang sa ikabubuti ng lahat.

Nagpapasalamat po kami sa mga taong patuloy mong ginagamit upang magpaabot ng tulong sa aming
paaralan sa iba’t ibang kaparaanan. Ikaw na po ang bahalang magpala sa kanila.

Gayundin sa mga taong patuloy na nagdadala ng mga serbisyong kailangan naming mga guro sa
paaralan.

Dalangin po naming ang iyong pagkilos upang ang pagkalat ng virus na ito ay tuluyan nang mapigil.

Ang lahat ng ito ay hinihiling po namin sa pangalan ng inyong anak na si Hesus Amen.

You might also like