You are on page 1of 1

Marapatin po nating ilagay ang ating mga sarili sa presensiya ng ating Diyos.

Diyos Ama na lumikha ng sanlibutan, kami po’y sumasainyo sa mga oras na ito.
Amin pong kinikilala ang Iyong kadakilaan at ang Iyong kabutihan na patuloy na
gumagabay sa amin at sa aming pamumuhay dito sa lupa. Mangyari po na
Inyong bigyang sigla ang araw na ito sa aming pagbubukas sa isa na naming
bagong linggo na amin muling inaalay sa Iyong harapan. Loobin Niyo po na
kami ay muli Mong bigyan ng lakas at gabay saaming buhay.

Bigyan Niyo po kami ng malusog na katawan at sapat napangangailangan sa


bawat araw na dumadaan. Gabayan Niyo po kami saaming pag-aaral na kami ay
matuto ng lubos mula sa aming paaralan. Gabayan Niyo po ang mga guro at ang
aming punung guro upang magampanan nila ng maayos ang responsibilidad na
kanilang tinahak sa layuning makapaglingkod sa Iyong nilikha. Gabayan Niyo
rin po ang aming mga magulang na naghahanap ng paraan upang kami ay
mabuhay at nagtatrabaho upang mapunan ang aming mga pangangailangan ito
man po ay pisikal,emosyonal, spiritwal, at edukasyonal.

Hinihingi po naming na patuloy po Ninyong bigyan ng biyaya ang aming


paaralan upang patuloy ito sa pagbibigay ng magandang kinabukasan saamin. Sa
Iyo din po naming idinudulog ang aming kagustuhan na Inyo pong biyayaan ang
aming pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa upang aming maisagawa
ang pagkakaisa bilang isang bayan sa ilalim ng Iyong patnubay. Bendisyonan po
Ninyo ang araw na ito na kami ay malayo sa kahit ano mang kabiguan o
kamalasan. Hayaan Niyo po ang inyong banal napagpapala na umulan sa amin
para din po sa inyong kadakilaan. Kinikikala po naming kayo bilang aming
Diyos at personal na tagapagligtas. Lahat po nito ay aming hinihingi sa bisa ng
pagmamahal ng Ama, sa gabay ng Banal na Espiritu, sa Ngalan ni Hesu Kristo,
Amen.

You might also like