You are on page 1of 1

(yumuko tayong lahat at damhin ang presensya ng panginoon.

Sa ngalan ng ama,
ng anak, at ng espiritu santo amen.
Mahabaging ama,
Kami po ay natipon-tipon sa araw na ito para sa aming pagtatapos.
Kami po ay nagpupuri’t nagpapasalamat sa aming tagumpay, sa apat na taong
pamamalagi sa institusyong ito na humubog sa aming pagkatao.
Nagpapasalamat din po kami sa aming mga magulang na nagsilbing inspirasyon at
gabay.
Sa aming mga mga guro na walang sawang umagapay.
Sa aming mga kaibigan at kamag-aral na nagpasaya sa oras ng kalungkutan at
naging katuwang namin sa hirap at pagsubok na aming dinanas bilang mag-aaral.
At sa lahat ng taong naging bahagi ng aming paglalakbay tungo sa aming
minimithing pangarap.
Nawa’y gabayan mo po kami sa panibagong landas na aming tatahakin.
Bigyan mo po kami ng lakas at tibay ng loob para harapin ang mga hamon sa
buhay.
Turuan mo rin po kaming maging matatag at maging handa sa anumang bagay na
aming susuungin.
Ang lahat ng ito’y aming samu’t dalangin sa makapangyarihang ngalan ni Hesus.
Amen.

You might also like