You are on page 1of 50

KABANATA XX

PULONG NG BAYAN
1.Ang mga may kapangyarihan sa bayan
at mga nayon ay nagkatipon-tipon sa
bulwagang pulungan ng tribunal.
Mahaba at maluwang ang pulungan. May
mga larawang nakasabit sa dingding. Ang
bulwagan ay napapalamutian ng
kurtinang pula na hind yata nalalabhan.
Sa sentro ng bulwagan ay
nakadekorasyon ang larawan ng hari ng
Espanya na nakasabit sa pader.
Sa ilalim ng larawan naroon ang
isang upuang parang trono ng hari.
Sa harap ng naturang upuan ay may
isang mahabang mesa na nasa
magkabilang panig, nakahanay ang
mga upuan at bangko. Sa paligid ng
hapag ay nakaupo na at naguusap-
usap ang mga miyembro ng dalawang
partido ng bayan.
Ang dalawang partidong ito sa
anumang pagpupulong ay hindi na
nagkasundo. Ang partidong
Conservador ay binubuo ng mga
matatanda at ang partido Liberal ay
kinabibilangan ng mga kabataan.
Dahil sa kalakarang iyon syempre
magkahiwalay ang dalawang grupo
maging sa pag-uusap.
2. “Nakapagdududa at nakawawala
ng tiwala ang ikinikilos ng kapitan,”
sabi ni Don Filipo sa kanyang mga
kaibigan. Si Don Filipo, ang tenyente
mayor at lider ng lapiang Liiberal.
“Tila gusto ng kapitan ay ipagliban
hanggang sa huling oras ang
paguusap tungkol sa gastusin.
Aba! Baka tayo gahulin sa panahon.
Lalabing isang araw na lamang ang
nalalabi bago sumapit ang
kapyestahan ni San Diego sa a-dose
ng buwan kasalukuyan.”
3. “At ang kapitan ay naiwan sa
kumbento upang kausapin ang
kurang may sakit,” puna ng isang
kabataan.

4. “Walang anuman yan,” sabi ng isa.


“Handa na tayo. Huwag lang
papanigan ng mga nakararami ang
balak ng mga nakatatanda.”
5. “Mahirap yatang talunin ang mga
matatanda,” wika ni Don Filipo.
“Pero ako ang maghaharap ng
kanilang plano.”

6. “A-ano?”panabay na sagot ng
dalawang kabataan. “paano yun?”
7. “Tila hindi ka naming
maintindihan, Don Filipo?” anang
isa.

8. “Makinig kayo, nasalubong ko


kanina si Pilosopo Tasyo at may
maganda siyang payo sa atin.”
9. “Ano ang sabi niya?”

10. Nagpaliwanag si Don Filipo.


“Dahil kakalabanin daw ng mga
matatanda ang payong ihaharap
natin, magbigay raw tayo ng balak na
hindi natin gustong manalo. Iisipin
ngayon ng katandaan na gustong-
gusto natin ang mungkahing balak,
tiyak na ipatatalo nila ito para
mapahiya tayo,lalo na ang isang
katulad ko na siyang lider ng mga
nakakabata. Pag natalo ng naturang
mungkahi, ang isang miyembro; na
tahimik at hindi gaanong masalita
ang magpapasok ng mungkahing
gustong-gusto nating manalo.
Asahan ninyo ang mungkahing iyan
ang siyang pagtitibayin ng mga
kalabang nais tayong hiyain. Pero
atin-atin lamang muna ito.”

11.“Baka…”
12. “Kaya ako ang maghaharap ng
balak ng ating kalaban, titiyakin ko
na magiging katawa-tawa ito.”
Kinausap ni Don Filipo ang isang
batang-batang kabesa. “ Kayo ang
magmumungkahi ng ating plano
pagkatapos kong matalo.” Anang
Don.
13. “Nang sandaling iyon pumasok si
Ibarra sa bulwagan kasama ang guro.
Binati nila ang mga taong naroroon
habang parating ang kapitan.
14. Binuksan niya ang pulong at
ibinalita sa lahat na ang layon nito’y
para pag-usapan ang mga bagay-
bagay para lalong maging masaya
ang kapiyestahan ng San Diego
gayundin ang mga gugugulin dito.
15.Kaagad tumayo si Kapitan Basilio
at humingi ng pahintulot na
makapagsalita. Ang Kapitan
Basiliong ito ay kilalang mayaman at
kalaban ni Don Rafael sa lahat ng
bagay. Naniniwala ang matandang ito
na buhat nang tumigil siya sa pag-
aaral sa kolehiyo ng San Juan de
Letran ay hindi na umunlad ang
paaralang ito.
16.Humingi ng pahintulot si Kapitan
Basilio na siya ang unang
makapagsalita dahil sa kahalagahan
ng kanyang sasabihin.
17. “Hindi naman nangangahulugan
na ako ang pinakaimportanteng
magsasalita at ang pinakahuli ay
pinakawalang kuwenta. Kaya lamang
napakahalaga ng aking sasabihin at
hindi maaaring ipagpalibang
sapagkat kailangan pag-isipang
mabuti,” paliwanag niya.
18. Ang mga salita niya’y punung-
puno ng palabok, maliligoy, mahaba
at kung anu-anong matatalinhagang
pananalita na wala naming
kinalaman sa kanilang mga pinag-
uusapan. Kay raming paulit-ulit na
paghingi ng paumanhin at pagbati sa
mga naroon.
Sa kalaunan, ang lahat ay halos
nagsimula nang antukin, saka niya
sinabi na ang bawat isa sa
nagkakatipon ay dapat magpahayag
ng kanilang niloloob sa maikli,
maliwanag at hindi paliguy-ligoy na
pangungusap.
19. Pagkatapos ng walang kawawang
talumpati ni Kapitan Basilio, sabi ng
kapitan,” Makapagsasalita na po ang
may gustong magsalita.”
20. Kaagad tumayo si Don Filipo.
“Mga ginoo, pag-uusapan po natin
ang tungkol sa gastusin sa piyesta.”

21. “Hindi naming matatanggap


iyan,” tutol kaagad ng isang
matandang conservador.
22. Napangiti si Don Filipo. “ Mga
ginoo, wala pa po akong mungkahi.”

23. “Basta tutol kami sa anumang


mungkahi mo,” magkasabay ng wika
ng iba pa.
24. “Kailangang makinig muna kayo,”
giit ni Don Filipo. “ Tiyak na
magugustuhan ng mga katandaan
ang mungkahi naming mga
kabataan.”
25. Lalong nag-init ang mga
nakatatanda nang pinagdiinan ni
Don Filipo ang “ naming mga
kabataan.” Nagkaroon ng bulung-
bulungan, malinaw na ipinagdiinan
ng mga matatanda ang kanilang
pagtutol sa mungkahi ng mga
kabataan.
26. Nagpatuloy si Don Filipo,” Tatlong
libo’t limang daang piso ang badyet
para sa piyesta at ang dagdag pa. Sa
halagang ito, mahihigitan pa natin
ang anumang kapiyestahang
nagaganap hanggang ngayon sa ating
lalawigan o maging sa karatig na
bayan.”
27. “Ow!” ungol ng ayaw maniwala. “
Ang bayan ng A ay may badyet ng
5,000 piso, ang kalapit bayan ay may
4,000 piso. Hmm… kahambugan lang
iyan!”
28. “Makinig kayo, mga ginoo, at
sasang-ayon kayo,” walang
alinlangang pagpapatuloy ni Don
Filipo.

29. “Iminumungkahi ko ang


pagpapatayo ng isang malaking
entablado sa plaza sa halagang 150
piso.”
30. “Hindi sapat iyon, gawin mong
160 piso, ginoong kalihim,” dugtong
ni Don Filipo,” at ilista ninyong 200
piso pagsasaentablado.”

31. Ang mga Conservador ay hindi na


nakatiis sa mahigpit na pagtutol at
paglabang sa mungkahi, kaya’t
nangampanya sila para kalabanin ito.
32. Halos magkagulo sa pulong dahil
sa pagnanais ng bawat isa na
makapagsalita.

33. Dahil sa pagkakaisa ng lahat na


tutulan, tuligsain at kalabanin ang
mungkahi ni Don Filipo napilitan
siyang iurong ang kanyang panukala.
34. Ito’y labis na ikinasiya ng
matitigas na ulong mga conservador
sa pagkatalo ng kanilang kalaban.
Matiwasa’y na nagmasid sa pagtayo
ng isang kabesa na humingi ng
paumanhin na makapagsalita.
35. “Iminumungkahi kong
magpalabas ng mga di-karaniwang
panoorin sa araw-araw. Huwag
aksayahin ang salapi sa mga walang
kuwentang paputok kundi sa mga
bagay na makabubuti para sa atin.”

36. “Iyan nga, iyan nga,” sigaw ng mga


kabataan.
37. “Mahusay, mahusay,” dugtong ng
mga matatanda. “Ano ang mapapala
natin sa pitong araw na komedya na
mungkahi ng tenyente mayor? Ano
ang matutuhan natin sa mga hari sa
Bohemya at Granada, sa mga
prinsesang nakikihamok sa mga
prinsipie? Hindi naman tayo mga
hari ni Barbaro at kung tutularan
natin sila baka mabitay din tayo sa
Bagumbayan. Hindi kaya
makabubuti na magpalabas tayo ng
dulang naglalarawan n gating mga
kaugalian upang maunawaan at
maiwasto an gating mga
masasamang bisyo’t kapintasan at
mapahalagahan ang ating mga
katangian.”
38. “Iyan nga!” sang-ayon muli ng
mga liberal.

39. “Tama siya,” nag-iisip na bulong


ng ilang conservador.

40. “Ngunit paano ninyo isasagawa


ang inyong balak?” ang tanong ng
isang hindi sumasang-ayon.
41. “Madali lang iyan.” Ang tugon ng
batang kabesa. “Dala kop o rito ang
dalawang komedya na tiyak ko pong
maiibigan ng iginagalang nating mga
matatanda na naririto ngayon at mga
kaginoohan. Lubha pong kapuri-puri
at nakalilibang ang mga ito. Ang isa’y
may pamagat na ’Ang Paghahalal sa
Kapitan’ ay isang komedyang may
limang yugto,
ang ikalawa’y ang ‘Maria Makiling,’
isang dulang may siyam na yugto at
dalawang gabing ipapalabas. Bukod
sa makabago at kapaki-pakinabang
ang mga palabas na ito, mga ginoo,
ito’y hindi rin magastos. Sa
pagtatanghal hindi na kailangang
gumastos sa mga kasuotan. Ang
karaniwang bihisan ay maaari na.”
42. “Sagot ko ang entablado,”
pagpiprisinta ni Kapitan Basilio.

43. “ Kung may pulis na kailangan sa


drama ay puwede ang mga tauhan
ko,” sabi ng puno ng pulisya.
44. “Ako, ako ang lalabas na matanda
kung kailangan,” sagot ng isang
miyembro ng conservador.

45. Sumang-ayon na halos lahat sa


panukala matapos ang ilang pang
diskusyon. Masaya sila maliban sa
kapitan na pinagpapawisan at balisa.
Hinaplos ang kanyang noo at sa
pautal-utal na pagsasalita:
46. “Sang-ayon din po ako,pero…e…”
kinusot pa muna niya ang kanyang
mga mata bago nagsalita,” ngunit ang
kura, may balak na iba.”

47. “Sino ang gagastos sa piyesta, ang


kura ba o tayong mamamayan?”
mariing tanong ni Pilosopo Tasyo na
ikinapalingon ng lahat.
48. “Siyang ibig ng kura at ako’y
nakasagot na sa kanya.”

49. “Ano pa ang kabuluhan ng


ating miting?”

50. “Para nga ipaalam sa inyo.”


51. “Bakit hindi ninyo sinabi kaagad?”

52. “Talagang sasabihin ko na, pero


nagsalita si Kapitan Basilio at hindi
na ako nagkaroon ng pagkakataon.
Dapat nating sundin ang kura.
53. “Dapat masunod ang kura!” ulit
ng ilang matatanda.

54. “Kailangan nating sundin ang


kura, kung ayaw nating ipabilanggo
tayo ng alkalde,” ang malungkot na
dugtong ng ilang matatanda.
55. “Asikasuhin ninyong mag-isa ang
piyesta,” bulalas ng mga kabataan.
“Babawiin namin ang aming
inabuloy.”

56. “Naipagkaloob na ang lahat ng


abuloy,” sabi ng kapitan.
57. Nilapitan siya ni Don Filipo at
buong kalungkutang nagwika,
“magsakripisyo kayo para sa isang
mabuting bagay. Nagsasakripisyo na
rin lang kayo para sa masama at
nawasak ang lahat.’

58. Samantalan kinausap naman ni


Ibarra ang guro.
59. “May gusto po ba kayong ipagbilin
sa kapitolyo? Doon po ako patungo
ngayon.”

60. “May lalakarin po ba kayo doon?”

61. “Mayroon kaming isang


kailangang lakarin,” ang
mahiwagang tugon ni Ibarra.
MGA KATANUNGAN
1. Ano ang dalawang partido sa
pulong ng bayan?

2. Sino ang tenyente mayor at ang


lider ng Lapiang Liberal?

3. Sino ang may magandang payo


kina Don Filipo?
4. Anong kapiyestahan ang
pinaghahandaan ng mga
nagpupulong?

5. Saan nag-aaral si Kapitan Basilio?

6. Sino si Kapitan Basilio?


7. Magkano ang badyet para sa
kapiyestahan?

8. Ano ang iminungkahi ni Don


Filipo sa pulong?
9. Ano ang dalawang komedya na
nais ipalabas sa pagtatanghal?

10. Sa kalaunan, sino ang nasunod sa


pulong?

You might also like