You are on page 1of 4

Institute Day 2021

Ang pasasalamat ay pagpapakita ng pagpapahalaga, sa tumutulong sa atin


na magpakumbaba, dahil kinikilala natin ang pagpapakita ng kabaitan,
paglilingkod, o pagmamalasakit ng iba na nagpapasigla at nagpapalakas sa
atin. Ang pasasalamat ay naghahatid ng kapayapaan na tumutulong sa
atin na madaig ang sakit ng paghihirap at kabiguan. Ang araw-araw na
pasasalamat ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa kung anong mayroon
tayo ngayon, anuman ang mayroon tayo noon o anuman ang nais nating
makamtan sa hinaharap. Ang pagkilala at pagpapahalaga sa mga kaloob at
talentong ibinigay sa atin ay tinutulutan din tayong kilalanin na kailangan
din natin ng tulong mula sa mga kakayahan at talento ng ibang tao.
Nawa’y makadama tayo ng tunay na pasasalamat sa kabaitan ng Diyos at
sa lahat ng mga pagpapalang ipinagkaloob Niya sa atin at nawa’y
ipahayag natin ang pasasalamat na ito sa ating Ama sa Langit sa
pamamagitan ng panalangin, kasabay ng pasasalamat natin sa mga madre
na kasama natin sa araw araw ng pamamalagi natin dito sa ating paaralan.
Gayon din ang pasasalamat sa 40th ___________na pagdiriwang simula ng
tanggapin niya ang Alam kong buhay ang Diyos at na ipinadala Niya ang
Kanyang Bugtong na Anak sa mundo upang magbayad-sala para sa mga
kasalanan ng sangkatuhan, gayundin naman, ipinadala din niya sa ating
buhay ang mga taong handang maging katuwang ng ating pamilya upang
tayo ay mahubog at maakay sa bukas na nais pa nating marating. Kaya
naman, sama sama nating ibahagi ang ating pasasalamat sa apat na taong
di nagdamot ng kanilang buhay at pag-ibig sa atin.

Sa pagsisimula ng ating pagdiriwang, sama-sama tayong manalangin at


damhin ang mensahe at presensya ng Panginoon.

Prayer: Let me be the bearer of your Love

Ngayon ay matutunghayan natin ang unang presentasyon na


magbabahagi ng kanilang talento bilang handog pasasalamat sa mga
madre na hindi nagsasawang maging bahagi ng ating kasiyahan sa araw
araw. Tawagin na natin ang grupo ng mga manlalaro”
____________________________________________”.

A round of applause
At ngayon naman ay tawagin na natin ang grupo ng mananayaw, upang
maipakita ang inihanda ng kanilang grupo, isang sayaw na mula sa
kanilang mga puso bilang sagisag ng kanilang pasasalamat let us welcome
the Dance Mission Group

Isang malakas na palakpak naman para sa Dance Mission Group

At ngayon naman ay inaanyayahan na sa unahan ang grupo ng koro o


tinaguriang “triple M” Mo. Mazzarello musician, magkakahawak ang
kamay, sama samang mag aalay ng isang presentasyon para sa mga madre
bilang simbolo ng pasasalamat.

Isang masigabong palakpakan para sa grupo ng Koro.

At sa pagkakataong ito, matutunghayan natin ang isang pagtatanghal na


bubuhay sa hangarin ng bawat isa, sa saliw ng isang awitin na sya ring
pumukaw sa pangarap ng bawat kabataang rerepresenta sa grupo ng
Dominic Savio higher Year.

A round of applause

Sunod naman na ating masasaksihan ay ang isang awitin na magmumula


sa grupo ng 4H club kasunod ang pag indak sa tugtog na sumasalamin sa
kanilang pagtahak sa landas na kanilang sinusundan, “shine your way” ito
binubuo ng mga kabataang nagmula sa iba”t –ibang dako na tinipon
upang maging kaisa at kalakbay ng ating buhay, halina’t sabay sabay
nating salubungin ng masigabong palakpakan.

(Card distribution) (gift giving and flowers)

At magpapahuli ba naman ang samahan ng mga guro? Syempre hindi,


dahil ang pasasalamt ay hindi din mawawala sa puso ng bawat- isa sa
kanila. Ngayon, atin ng tawagin ang ating mga matitikas at palaban na
faculty members, na bumubuo ng “Pangkat ng mga NogNog”
Atin ng nasaksihan ang lahat ng presentasyon ng bawat grupo, ngayon
naman ay inaanyayahan ntin ang mga madre para sa kanilang mga
mensahe. Sr. Nancy, Sr. Ailyn, Sr. and Clara, Sr. J.

Sa pagtatapos ng ating pagdiriwang sama sama tayong magpasalamat sa


ating Inang Maria sa pagkakaloob niya ng gabay at lakas ng loob ng bawat-
isa sa atin.

Prayer…………….Hail Mary……

St. John Bosco and Mo. Mary Mazzarello……..

Mary Help of Christians…Pray for us.

And Now, I am Mr. Gary G. Hermosa, and Mr. Angelo M. Garibay ,


Signing off

O Diyos, Ama ng lahat, pinararangalan ka namin ng


aming pasasalamat at papuri, habang ginugunita
namin ang 150 taong pundasyon ng Institute of the
Daughters of Mary Help of Christians.
Itinatag ito ni St. John Bosco sa malikhaing
pagtutulungan ni St. Mary Domenica Mazzarelo sa
ngalan at karangalan ni Maria Help of Christians. Sa
pamamagitan ng kanyang banayad na paggabay at
pamamagitan, idinadalangin namin na tulungan mo
kaming harapin ang dakilang abot-tanaw ng isang
kinabukasan ng pag-asa, taglay ang kaloob ng aming
karisma at misyon: ang paglingkuran ang mga
kabataan at kanilang mga pamilya “hanggang sa
aming huling hininga” sa pamamagitan ng
pagpupursige sa pagtuturo ng ebanghelyo. . Bilang
mga komunidad na nagtuturo, nais naming ibigay
ang aming sarili nang buo sa katuparan ng iyong
pangarap para sa mundo, natututo mula sa halimbawa
ni Maria, ang pagmamalasakit at ang debosyon na
hinihiling ngayon.
Alagaan sa amin ang "diwa ng Mornese" at i-renew
sa amin ang determinasyon na ipamuhay ang aming
partikular na bokasyon sa simbahan at sa lipunan
ngayon bilang pagpapahayag ng pasasalamat sa
Kanya na ibinigay ni Hesus kay Don Bosco at sa
amin bilang Ina at Guro.
Hinihiling namin ito sa iyo sa pamamagitan ni Hesus
na iyong Anak at ng Espiritu Santo, na nabubuhay at
naghahari kasama mo, magpakailanman. Amen

You might also like