You are on page 1of 1

PANGWAKAS NA PANANALITA

Sa ngalan ng dalawang-daan dalawampu’t siyam na guro ng


Paaralang Elementarya ng Kasiglahan Village isa pong tagos-pusong
pasasalamat ang nais kong ipaabot at nais iparamdam sa pagtatapos ng
palatuntunang ito.

Sa loob ng mahigit kumulang isang oras ating natunghayan ang


pinagsamang lakas, tibay ng loob at paninindigan ng mga magulang, mag-
aaral at lalong-lalo na ang mga guro sa pagsuporta sa pagbubukas ng
taong panuruan. Ang suporta ng ating minahamahal na Paaralan sa
pangunguna ng ating punong-guro ang naging tulay upang
mapagtagumpayan natin ang unang yugto ng taong panuruan.

Nawa sa pagkakataong ito maging mas bukas ang isipan ng bawat


isa na ang tiwala at pagbabayanihan ang ating magiging sandigan upang
malampasan natin ang bawat hamon ng buhay. Nasa gitna man tayo ng
Pandaigdigang Krisis tanging pagmamalasakit sa isa isat-isa at tunay na
diwa ng pagmamahal ang ating makakapitan.

Muli, Maraming Salamat sa inyong pakiki-isa sa aming Birtwal na


SOSA para sa unang yugto ng taong panuruan.

Magadang Umaga at Mabuhay po tayong lahat!

You might also like