You are on page 1of 1

Bating Pagtanggap

Sa tagapamanihala ng mga paaralan sangay ng Calamba City, Dr. Eugenia R.


Gorgon, sa aming butihing punungguro, Gng. Elenita M. Villanueva, sa ating kapitapitagang panauhin, G. Nio V. Mangaban, sa mga minamahal naming guro, sa
pangulo ng PTA, G. Melchor G. Tesoro at mga kasama, sa aming mga magulang na
walang sawang sumusuporta at gumagabay, sa mga kapwa ko mag-aaral at sa mga
katangi-tanging panauhin, magandang hapon.
Ikinalulugod po naming lahat ang inyong pagdalo sa isa sa mga espesyal na
pagdiriwang sa aming buhay, ang aming pagsulong--pagsulong sa bagong yugto ng
aming buhay, pagsulong sa bagong hamon. Pasasalamat din sa magandang araw na
ipinagkaloob sa atin ng Poong Maykapal upang saksihan at ipadiwang ang kaunaunahang araw ng pagsulong ng mga kabataang produkto ng Kto12.
Kaisa ni Rizal, naniniwala ako ng buong puso na ang kabataan ang pag-asa sa
kaunlaran ng bayan. Ang bawat isa sa atin ay mga manananggol ng katarungan,
katotohanan at pagbabago. Tayo ay walang sawang nakikipaglaban sa gitna ng
digmaan para sa kaganapan ng pangarap ng bayan. Ang bawat isa ay tulad ng
magsasaka na nagpupunla ng kabutihan at pag-asa na pinaniniwalaan kong ating
aanihin pagdating ng panahon.
Sa mga kapwa ko kabataan, patuloy nating pagsikapan na makamit ang adhikaing
maging pag-asa ng ating bansa. Alam kong kaya natin, alam kong gagawin natin at
alam kong ang pag-asa ay nasa atin. Patunayan natin na tayong mga kabataang mula
sa Kto12 ang siyang mag-aangat sa ating bansa at magbibigay ng karangalan sa buong
mundo.
Muli, sa ngalan ng tatlong daan at anim na mga kapwa ko mag-aaral na ngayon ay
naririto, maraming maraming salamat po.

You might also like