You are on page 1of 1

Ang buwan ng Mayo ay Buwan ng Komunikasyon.

Ngayon po ay ipinagdiriwang natin ang ika-56 na pandaigdigang araw ng komunikasyon na may


temang : PAKIKINIG SA PAMAMAGITAN NG TAINGA NG PUSO. Sa umagang ito ay ating pong
saksihan ang isang maikling presentasyon ng ating mga kabataan.

NARRATOR: Pamilya ang isa sa pinakamahalagang parte ng ating buhay sapagkat ang ating pamilya
ang pinakamagandang regalo ng Panginoon. Dito natin unang mararanasan at mararamdaman ang
tunay na pag-ibig. Dito nag-uumpisa at hinuhubog ang pagkatao ng bawat isa. Dito din tayo natututo
kung paano magmalasakit sa kapwa, sila ang ating gabay tuwing tayo ay nawawala sa ating landas at
sandigan sa panahong tayo ay nakararanas ng problema. Ngunit paano kung madalas ganito ang
sitwasyon sa loob ng ating tahanan?

NARRATOR: Iba't iba ang problema na ating kinakaharap sa mundong ito. Maraming nabubuong
katanungan sa ating isipan at minsan marami tayong naiisip gawin upang takasanan ang mga
problema natin sa buhay. May mga panahong kailangan natin ng mga taong mapagsasabihan at
mapaghihingahan o makakaramay. Ngunit paano kung ang mga taong akala mo’y malalapitan mo, ay
hindi din naman pala handang makinig sayo?

NARRATOR: Minsan kapag walang wala na tayong malapitan may taong tatapik sa ating balikat
at magpapaalalang mayroon pang pinkamagandang lugar na dapat tayong puntahan. Dahil sa
panahon na sobrang bigat na ng ating mga pinapasang problema o pagsubok sa buhay tanging ang
Panginoon lang ang handang makinig ng walang pasubali. Kaya't nagtungo siya sa simbahan..

NARRATOR: Pagkatapos niyang magdasal. Naisipan niyang umuwi na sa kanilang tahanan. Ngunit
wala pa ring nagbago, nadatnan na naman niya na nag-aaway ang kanyang mga magulang. Sa
pagkakataong ito, sinusubukan niyang sabihin ang kanyang nararamdaman sa tuwing sila ay nag-
aaway.

NARRATOR: Pagkatapos ng kanilang pag-uusap nabuksan ang tainga ng puso ng kanyang mga
magulang at nagsimulang magbago ang takbo ng kanilang buhay. At isang panibagong umaga na puno
ng pag-asa, kapayapaan at pagmamahalan ang nabuksan sa pamilya.

Pangwakas : Komunikasyon gamit ang tainga ng puso ang susi sa mabuting ugnayan ng pamilya at
pakikipagkapwa, sa pamamagitan ng komunikasyon naipapahayag ng bawat kasapi ng pamilya ang
kanilang mga saloobin, ninanais at pangangailangan . At sa pamamagitan naman ng pakikinig
naipadarama natin ang pagmamalasakit at pagmamahal ng walang pag-aalinlangan.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

You might also like