You are on page 1of 6

LEARNING MODULE II- FILIPINO 9 S.Y.

2020-2021

ARALIN

1 TANKA AT HAIKU
Panalangin bago mag-aral:
Content Standard: Performance Standard:

Naipamamalas ng mga mag- Ang mag-aaral ay nakasusulat ng


aaral ang pag-unawa sa mga sariling akda na nagpapakita ng Panginoon, tunay na pinagmulan ng liwanag at karunungan,
piling akdang tradisyonal ng pagpapahalaga sa pagiging isang pagkalooban mo kami ng matalas na pang-unawa, ng kakayahang
Silangang Asya Asyano magsaulo ng mga aralin at unawain ang mga ito ng wasto at tama.
Pagkalooban mo kami ng biyayang maging maayos ang aming mga
paliwanag at ng kakayahang ipahayag ang aming sarili nang lubos at
Most Essential Learning Competency: maliwanag. Samahan mo po kami sa simula ng aming pag-aaral,
gabayan mo ang pag-unlad nito hanggang sa ito ay matapos.
 Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku.
Sa ngalan ni Hesus. Amen.
Time Frame: 8 oras ( walong oras sa loob ng dalawang linggo )

Learning Target:
 Napaghahambing ang sariling damdamin at ng damdamin ng
bumibigkas ng Tanka at Haiku
 Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagkakabuo
ng Tanka at Haiku
 Nabibigkas ng may tamang Diin, Tono, at Antala ang mga pahayag,
at
 Nagagamit ang suprasegmental na Antala/ Hinto, Diin, at Tono sa
pagbigkas ng pahayag.

PANIMULA
Sa bahaging ito ay iyong makikilala ang dalawang uri ng tulang
namayani sa bansang Hapon. Alamin ang paksa at pagkakabuo ng mga
tulang ito na bagama’t maikli at simple ay nagpapakilala sa kaisipan at
pagpapahalagang.

MDOCS Service Excellence Respect Virtue Empathy Vivire servire est. (To live is to serve.)
Inihanda ni: Bb: SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO, Lpt Contact Number: 09488123083
Page |1
LEARNING MODULE II- FILIPINO 9 S.Y. 2020-2021

Tanka ay isang ng tulang liriko ng mga Hapones. Kilala rin ito sa tawag
ALAMIN! na waka. Maikli lamang ang awiting ito. Karaniwang kinakanta ito sa saliw ng
musika.
Ang Tanka ay may 31 pantig at hindi nangangailangan ng tugma. Kadalasang
Simulan natin ang modyul na ito sa pagtukoy ng mga nasusulat ito sa paraang tuloy-tuloy at walang bantas ang linya. May limang linya
nalalaman mo. ang tanka na naglalaman ng tiyak na pantig sa bawat isa: limang pantig sa
unang linya, pitong pantig para sa ikalawang linya, limang pantig para sa ikatlong
linya, at tigpito sa huling dalawang linya (5-7-5-7-7).
Kongkretong imahen ang pundasyon ng paggawa ng tankan a may direktang
Subukin Mo! pagpapahayag ng emosyon o damdamin. Nakapagbibigay ito ng talab sa
mambabasa sa pamamagitan ng direktang paglalahad ng mensahe.
Nakilala ang Kasingkahulugan at kasalungat ng Salita Sundan sa pahina 99-100 ng iyong aklat ang mga
Hanapin at bilugan ang kasalungat ng salitang may salungguhit mula sa iba halimbawa ng Tanka (Tuklas-Panitik)
pang salita sa loob ng pangungusap. Pagkatapos ay isulat ang
kasingkahulugan nito sa patlang bago ang bilang. Piliin ang iyong sagot sa Haiku ay isang maikling anyo ng tula ng mga Hapones. Ito ay
kahon. pinaikling anyo ng tulang tanka. May sukat ang haiku na tatlong linya at
hihinto dilat pag-edad naglalaman ng on o mga bilang ng tunog ng bawat yunit ng salita. Kilala rin
ginaw tagtuyot paghina itong on sa tawag na morae. Ang bawat linya ay may bilang na: tiglimang
(5) pantig sa una at ikatlong linya habang pitong (7) pantig sa ikalawang
____________1. Kanina’y mulat ang kanyang mga mata, ngunit sa pagod linya (5-7-5).
ngayo’y pikit na. Si Matsuo Basho ay kinikilalang pinakatanayag sa larangan ng pagsulat ng
____________ 2. Bago pa lang nagsisimula ang kanyang paghihirap ay haiku Pinaniniwalaan namang si Masaoka Shiki ang nagpangalan sa
naniniwala siyang titigil din ito.
haiku.
____________ 3. Ang lamig na naramdaman niya kahapon ay naging
Ang haiku ay gumagamit ng pahiwatig tulad ng kaunting bantas na naghihiwalay
matinding init ngayon.
sa dalawang imaheng magkaugnay. Tinatawag itong kireji o paghahati ng salita.
____________ 4. Sa pagtanda ng kanyang isipan ay siya naming pagbata ng
Bagama’t may paghahati, nakatitindig ang mensahe ng linya. Walang direktang
kanyang itsura.
katumbas na salita ang kireji sa wikang Ingles pero madalas na gumagamit ang
____________ 5. Nakalulungkot panoorin ang mga puno sa panahon ng
haiku sa wikang Ingles ng mga bantas na tulad ng ellipsis o gatlang na
taglagas, ngunit hindi na dapat mag-alala darating din ang tagsibol.
nakapagpapauunawa sa mambabasa ng ibig ipakahulugan ng mga salita. Sa
paghihiwalay ng mga linya, kadalasan din naming makababasa ng haiku na
walang bantas.
Sundan sa pahina 107-108 ng iyong aklat ang mga
halimbawa ng Haiku (Tuklas-Panitik)

LECTURE
GAWAIN 1:

MDOCS Service Excellence Respect Virtue Empathy Vivire servire est. (To live is to serve.)
Inihanda ni: Bb: SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO, Lpt Contact Number: 09488123083
Page |2
LEARNING MODULE II- FILIPINO 9 S.Y. 2020-2021

Sagutin ang sumusunod na tanong. Damdamin ng Lakbay ng hirap


Damdamin Ko
1. Ano ang napansin mo sa mga tulang binasa? Tungkol saan ang May-akda Pangarap na naglayag
Tuyong lupain
pinapaksa ng bawat isa?
2. Naipahayag ba ng mga sumulat ang kanilang naramdaman noong
oras na isinulat nila ang tula? Patunaya.
3. Anong imahen ang nabuo sa iyong isip matapos basahin ang mga
tula ng Tanka? GAWAIN 3:
4. Anong imahen ang nabuo sa iyong isip matapos basahin ang mga Nasusuri ang Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Estilo ng Pagkakabuo ng Tanka
tula ng Haiku? at Haiku
5. Paano nakaaapekto sayo bilang mag-aaral ang mga tulang binasa?
Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tanka at haiku gamit ang Venn
Diagram
PAGSULAT NG JOURNAL
Isulat sa iyong learning journal ang sagot sa tanong na ito.
Paano makikilala ang kultura ng isang bansa sa
pamamagitan ng pagkilala sa uri ng kanilang tula?

GAWAIN 2:
Napaghahambing ang Sariling Damdamin at ng Damdamin ng Bumibigkas ng
Tanka at Haiku

Isipin mong ang mga Tanka at Haikung iyong binasa ay binibigkas


ng may-akda nito, anong damdamin ang masasalamin mo sa kanila? Isulat ito
sa unang puso. Sa ikalawang puso naman ay isulat ang iyong damdamin.
Araw na mulat
Damdamin ng Sa may gintong palayan Damdamin Ko
May-akda Ngayong taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na

Mundong ‘sang kulay


Damdamin ng Nag-iisa sa lamig Damdamin Ko
TANGKA HAIKU
May-akda Huni ng hangin

(Pagkakaiba) (Pagkakaiba)
(Pagkakatulad)
1. 1. 1.
MDOCS Service Excellence Respect Virtue Empathy 2. Vivire servire 2. serve.)
2. est. (To live is to
Inihanda ni: Bb: SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO, Lpt 3. Contact Number:
3. 3.
09488123083
Page |3 4. 4. 4.
LEARNING MODULE II- FILIPINO 9 S.Y. 2020-2021

Halimbawa:
Nagpapahayag: Madali lang ito.
Nagtatanong: Madali lang ito?
Gawin ito sa isang short coupon bond Nagbubunyi: Madali lang ito!
(To be submitted at the end of the week)
3. Ang hinto o antala ay tumutukoy sa saglit na pagtigil ng
Kasanayang Panggramatika at Pangretorika pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinahahayag. May hinto bago magsimula
ang isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos
LECTURE nito. May hinto rin sa loob ng pangungusap kung may
kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na
PONEMANG SUPRASEGMENTAL maunawaan ang nais nitong ipahayag. Kuwit (,) ang
ginagamit na hinto.
Ang mga ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin (stress),
tono o intonasyon (pitch), at hinto o antala (juncture). Halimbawa:

1. Ang diin ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaring Hindi siya si Kessa.
makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang Nasa dulo ang hinto at nagsasaad na hindi si Kessa ang pinag-
mga ito man ay magkapareho ng baybay. uusapan
Hindi,siya si Kessa.
Halimbawa: Ipinahahayag ng hinto pagkatapos ng “hindi” na si Kessa ang pinag-
uusapan
HaPON- bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (Japanese) Hindi siya, si Kessa.
HApon- bigkas malumanay at may diin sa unang pantig (Afternoon) Ipinahahayag ng hinto pagkatapos ng “siya” na hindi ibang tao ang
BUhay- bigkas malumanay at may diin sa unang pantig (Life) nasa isip kundi si Kessa.
buHAY- bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (Alive) Sundan sa pahina 97-98 ng iyong aklat (Tuklas-Wika)
2. Ang tono o intonasyon ay tumutukoysa pagtaas o
pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salit,
parirala o pangungusap upang higit na maging malinaw
ang pagsasalita at nang magkaunawaan ang nag-uusap.
Ang pagbigkas ng salita ay maihahalintulad sa musika, GAWAIN 1:
may tono o intonasyon- may bahaging mababa, Nabibigkas ng may tamang Diin, Tono, at Antala ang mga pahayag
katamtaman, at mataas. Maaaring makapagpahayag ng
iba’t ibang damdamin o makapagbigay ng bagong 1. Gusto mong ipaalam sa klase na ang nararamdaman mo ngayon ay
kahulugan ang pagbabago ng tono o intonasyon. kabaligtaran ng malungkot. Paano mo ito sasabihin?
Subukin mong magsalita nang hindi nababago ang tono Masaya ako ngayon!
o intonasyon at hindi mo maipararating nang tama ang
iyong mensahe.

MDOCS Service Excellence Respect Virtue Empathy Vivire servire est. (To live is to serve.)
Inihanda ni: Bb: SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO, Lpt Contact Number: 09488123083
Page |4
LEARNING MODULE II- FILIPINO 9 S.Y. 2020-2021

2. Pinalad kang makasama sa libreng pamamasyal sa Tokyo kagawad ng SK, kailangan ninyong gumawa ng mga poster na naglalaman ng
Disneyland. Ito ang unang pagkakataong nakita mo ito. Ano ang mapanghikayat na islogan, kailangang gumamit ng magkakatunog o
iyong sasabihin? magkakatugmang salita at maikli ngunit may malamang impormasyon.
Gumuhit ng angkop na larawan bilang disenyo ng poster na ipapaskil sa
________________________________________________________. inyong baraggay.
3. Umagang- umaga ay nakasalubong mo ang iyong guro at pareho
kayong masaya. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
Gamiting Gabay ang Pamantayan sa ibaba.
______________________________________________________.
Kategorya Puntos
4. Namamasyal ka sa isang parke na noon mo lang napuntahan. Nais
mo sanang malaman kung saan ang labasan. Ano ang sasabihin mo Kaangkupan sa paksa 10
sa taong nais mong pagtanungan? Wastong paggamit ng Suprasegmental na Tono, Diin, at 10
Antala/ Hinto
______________________________________________________. May Orihinalidad at Pamanghikayat 5
Disenyong mga larawan 5
5. Nanalo ka sa patimpalak ng pagsulat ng tula. Paano mo ito ibabalita KABUUAN 30
sa iyong magulang?

_____________________________________________________.

6. Habang naglalakad ka pauwe ng inyong tahanan ay nalaman mong Panalangin pagkatapos mag-aral:
pumanaw na ang pinakamamahal na kaibigan ng iyong nanay. Paano
mo ito ibabalita sa iyong nanay?

_____________________________________________________.
Panginoon, salamat po sa mga aral na inyong itinuro, sa
pamamagitan ng aming guro, na matiyagang nagbibigay-
karunungan sa amin.
GAWAIN 2:
Nagagamit ang suprasegmental na Antala/ Hinto, Diin, at Tono Nawa’y magamit ang lahat ng mga aral na ito sa pawing
kabutihan lamang gabayan mo kaming muli bukas at
dagdagan ang mga aral na to kasama ng mga pagkakataon at
MAIKLING GAWAIN mga biyaya ng panahon upang maiguhit namin ng mainam
an gaming mga kinabukasan.
POSTER/SLOGAN
Ikaw ay chairman ng Sangguniang Kabataan (SK) at pinatawag ka Idinadalangin namin ito sa pangalan ni
upang dumalo sa isang pulong kaugnay sa lumalalang sitwasyon ng droga sa Hesus. Amen.
inyong lugar. Inatasan kayong gumawa ng proyektong makapanghihikayat sa
kabataan na huwag sumubok ng ipinagbabawal na gamot o kaya naman ay
sumali na lamang sa inyong makabuluhang mga proyekto. Kasama ng mga

MDOCS Service Excellence Respect Virtue Empathy Vivire servire est. (To live is to serve.)
Inihanda ni: Bb: SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO, Lpt Contact Number: 09488123083
Page |5
LEARNING MODULE II- FILIPINO 9 S.Y. 2020-2021

MDOCS Service Excellence Respect Virtue Empathy Vivire servire est. (To live is to serve.)
Inihanda ni: Bb: SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO, Lpt Contact Number: 09488123083
Page |6

You might also like