You are on page 1of 13

LEARNING MODULE

FILIPINO 9
The Notre Dame of Lambayong, Inc.
Grade 9, Kwarter 2

Name ___________________________________________________
Section ___________________________________________________
Subject Teacher MISS JADE H. LIBRES
Class Adviser ___________________________________________________
Kwarter 2
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG SILANGANG-ASYA

Introduksyon

Pangkalahatang Ideya at Talasanggunian

Ang Ikalawang kabanata ay naglalayong maipamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga
piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya. Inaasahang makasusulat sila ng sariling akdang nagpapakita
ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.
Bawat aralin ay tumatalakay sa isang genre na sasalamin sa kultura ng mga bansa sa Silangang
Asya.Ang mga batayang kasanayan sa bawat aralin ay naghahanda sa mga mag-aaral upang magampanan
nang mahusay at may kritikal na pag-iisip ang pamantayang pagganap.
Bilang paghahanda sa pagsasagawa ng Inaasahang Pagganap ang mga mag-aaral ay
magsasaliksik ng kulturang nakapaloob sa Tanka at Haiku;magbabahagi ng kakaibang katangian ng
pabula sa pamamagitan ng isahang pagtatanghal;magtatalumpati upang maipahayag ang
saloobin;masasaliksik ng tradisyon,paniniwala,at kaugalian ng mga Asyano batay sa maikling
kuwento;makasusulat ng dula at maisasadula ito.
Kahit magkakaiba ang mga pangyayari at kasaysayan ng mga bansa sa Timog-Silangang
Asya,napag-uugnay ng panitikan ang mga tao at nagkakaisa sa pagtataglay ng magkakahawig na
tradisyon,kaugalian,pagkatao,mga gawi,at maging ng aspirasyong politikal,panlipunan,at pang-ekonomiya
Sa pamamagitan ng paglinang ng mga kasanayan sa Pag-unawa sa Napakinggan,Pag-unawa sa
Binasa,Paglinang ng Talasalitaan,Panonood,Pagsasalita,Pagsulat,Wika at Gramatika,at Estratehiya sa Pag-
aaral,inaasahang ang mga mag-aaral ay magiging bihasa sa pakikipagtalastasan pasulat man o pasalita at
makpagpapamalas ng kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang
pampanitikan.
Sa modyul na ito,mabibigyang sagot ang sumusunod na mga tanong:
1.Paano makikilala ang lahing Asyano sa pamamagitan ng mga panitikang nagmula sa Silangang
Asya?
2.Paano magagamit ang mga taglay na aral at kaisipan ng mga panitikang nagmula sa Silangang
Asya sa iyong pang-araw-araw na buhay?

1
Talasanggunian
Narito ang mga talasanggunian na magsisilbing gabay para sa iyong modyul:
Pinagyamang Pluma 9,Ailene G. Baisa-Julian,Mary Grace G. Del Rosario,Mga Awtor
Alma M. Dayag (Awtor-Koordineytor) PHOENIX COMPANY
Unang Linggo
1.A Life in Japan- Q2-Aralin 1-Bidyo 1
Ikalawang Linggo
2.Video Clip ng Anak ni Vilma Santos-Q2-Aralin 2-Bidyo 2
3.Video Clip kay Kabang-Q2-Aralin 2-Bidyo 3
Ikatlong Linggo
4.Be a More Confident Speaker-Q2-Bidyo 3
Ikaapat na Linggo
5.Nick Vujicic-Q2-Aralin 4-Bidyo 4
Ikalimang Linggo
6.Sacramentong penance-Q5-Aralin 5-Bidyo 5
7.Kabuki Theater,Kyogen:Tradition Comic theater of Japan Yamamoto Kyogen Company-
Q2- Aralin 5-Bidyo 6

Glosaryo ng mga terminong ginamit sa modyul

Tula – ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong


maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang
tula ng saknong at taludtod.
Ponemang Suprasegmental – Tono o Intonasyon,ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba
ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita,parirala,o
pangungusap upang higit na maging malinaw ang pagsasalita
at nang magkaunawaan ang nag-uusap.
Sanaysay – ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman
ng personal na kuro-kuro ng may-akda.
Talumpati – ay masining na pagpapahayag ng kaisipan,damdamin,
kaalaman tungkol sa tiyak na paksa sa tiyak na tagapakinig.
Maikling Kuwento – ayon kay Edgar Allan Poe,ang tinaguriang ama ng Maikling
Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at
bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa
buhay.
Pagsasalaysay – isa sa mga pinakagamitin sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa.
Dula – ito ay nahango sa salitang griyego na “Drama” na
nangangahulugang gawin o ikilos.
Kohesyong Gramatikal – ay nagpapatungkol sa mga salitang nagsisilbing pananda
upang hind imaging paulit-ulit ang mga salita.
Dulang Pantanghalan – ay kahit anumang drama na sinulat bilang berso para
wikain. At ito ay isinasagawa sa tanghalan.

2
Saklaw ng Modyul (Module Learning Competencies)
Sa modyul na ito, mabibigyang-tugon ang mga tanong na nabanggit kapag pinag-aralan mo ang
sumusunod na mga aralin.

Aralin/Pamagat Pamantayang Pamantayang Matutuhan mo ang… Bilang ng


Pangnilalaman Pagganap Sesyon
Aralin 1- Naipamamalas ng Ang mag-aaral  Nabibigyang-kahulugan ang
Panitikan: Tanka mga mag-aaral ang ay nakasusulat matatalinghagang salitang 1 Linggo
at Haiku pag-unawa sa mga ng sariling akda ginamit sa Tanka at Haiku
piling akdang na nagpapakita  Nasusuri ang nagkakaiba at
Wika: Ponemang tradisyonal ng ng pagkakatulad ng estilo ng
Suprasegmental Silangang Asya pagpapahalaga pagkakabuo ng Tanka at Haiku Nobyembre
sa pagiging  Naisusulat ang payak na Tanka at 16-20,
isang asyano haiku sa tamang anyo at sukat 2020
 Nagagamit ang suprasegmental na
antala/hinto,diin at tonos a
pagbigkas ng Tanka at Haiku
Aralin 2-  Naiaantas ang mga salita sa
Panitikan:Ang pamamagitan ng clining batay sa 1 Linggo
Mag-inang Palaka tindi ng emosyon o damdamin
(Pabula mula sa  Nahihinuha ang damdamin ng mga
Bansang Korea) tauhan batay sa diyalogong Nobyembre
napakinggan 21-25,
Wika:Mga Paraan  Nabibigyang-puna ang kabisaan ng 2020
ng Pagpapahayag paggamit ng mga hayop bilang
ng Emosyon o mga tauhan na parang mga taong
damdamin nagsasalita at kumikilos
 Nagagamit nang wasto ang iba’t
ibang ekspresyon sa pagpapahayag
ng damdamin
Aralin 3-  Naipaliliwanag ang mga salitang di
Panitikan:Ako si lantad ang kahulugan batay sa 1 Linggo
Jia Li,Isang ABC konteksto ng pangungusap
(Sanaysay)  naipaliliwanag ang
kaisipan,layunin,at paksang Disyembre
Wika:Paggamit ng ginamit sa pagbuo ng sanaysay 1-11,2020
Angkop na mga  naipaliliwanag ang pananaw ng
pahayag sa may-akda tungkol sa paksa batay
pagbibigay ng sa napakinggan/nabasa
sariling opinyon o  natutukoy kung ang nakalahad na
pananaw pagpapahayag ng opinion o
pananaw ay angkop o hindi
 naipahahayag ang sariling pananaw
tungkol sa isang napapanahong
isyu sa talumpating nagpapahayag
ng matibay na paninindigan

 natutukoy ang kalakasan at


Aralin 4- kahinaan 1 Linggo
Panitikan:Hashnu,  Nasusuri ang maikling kuwento
ang Manlililok ng batay sa estilo
Bato ngpagsisimula,pagpapadaloy,at Disyembre
3
pagwawakas 14-18,2020
Wika:Ang  Nasusuri ang uri ng paningin o
Pagsasalaysay pananaw na ginamit at
naipaliliwanag din ito
 Nailalarawan ang sariling kultura
sa anyo ng maikling salaysay
Aralin 5-  Naipapaliwanag ang kahulugan ng
Panitikan:Ang mga salitang may higit sa isang 2 Linggo
Mandaragit ng kahulugan
Ibon sa Impyerno  Nauuri ang mga tiyak na bahagi at Enero 4-
katangian ng isang dula batay sa 15,2021
Wika:Mga napakinggang diyalogo o pag-
Panandang uusap
Kohesyong  Nasusuri ang dula batay sa
Gramatikal pagkakabuo at mga elemento nito
 Naihahambing ang mga napanood
na dula batay sa mga katangian at
element ng mga ito
 Naipahahayag ang damdamin at
katanungan tungkol sa dulang
binasa.

Inaasahang mga Kasanayan


Upang mapagtagumpayang masagutan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong pag-
unawa,kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:
1. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga akda mula sa Silangang Asya
2. Nabibigyang/naiaantas ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa binasa.
3. Naipahahayag ang sariling opinyon,emosyon at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa.
4. Naibibigay ang sariling puna sa kahusayan ng mga may-akda sa paggamit ng mga salita at
pagpapakahulugan sa akda.
5. Nailalahad ang damdamin o saloobin at emosyon ng mga may-akda.
6. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat akdang binasa.
7. Naibabahagi ang nadarama matapos mapanood ang mga bidyo na may temang katulad ng mga
aralin.
Mapa ng Modyul
Kapaki-pakinabang ang pagbibigay-pansin mo sa binuong mapa ng mga
aralin na pag-aaralan mo sa modyul na ito.

Aralin 3
Ako si Jia Li, Isang ABC
Paggamit ng Angkop na mga pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Opinyon/Pananaw

4
PANIMULA
Sa araling ito’y mararanasan mong bumuo ng isang maikling talumpating maglalahad ng
sariling opinyon/pananaw tungkol sa napapanahong isyu o paksa.

BLG. NG ORAS AT SESYON


1 LINGGO DISYEMBRE 1-11, 2020
 Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap
 naipaliliwanag ang kaisipan,layunin,at paksang ginamit sa pagbuo ng sanaysay
 naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan/nabasa
 natutukoy kung ang nakalahad na pagpapahayag ng opinion o pananaw ay angkop o hindi
 naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa talumpating
nagpapahayag ng matibay na paninindigan

Ikatlong Linggo- Disyembre 1-11,2020


PANIMULANG PAGTATAYA
Sa pagpapatuloy ng iyong pag-unawa sa modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot mo sa
sumusunod na mga tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong masagot ang panimulang
pagtatayang ito, malalaman mo ang iyong iskor. Isaalang-alang ang mga naging kamalian at tuklasin ang
tamang sagot sa mga ito habang pinag-aaralan ang modyul na ito.

Gawain 14 – PANIMULANG PAGTATAYA 3

Ngayong marami kanang kaalaman sa dalawang araling tinalakay sa pamamagitan nang pagsagot
sa panimulang pagtataya. Piliin lamang ang titik ng wastong sagot at sagutan ang lahat ng mga tanong.
Pagkatapos ay makikita mo ang nakuha mong iskor. Tandaan mo ang mga aytem at mga tanong na hindi
mo nasagot. Malalaman mo ang wastong sagot habang pinag-aralan mo ang modyul na ito. Kung handa
kana, Halina…

Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong sagot.
Isulat ang titik ng inyong sagot sa Activity/Assessment Notebook.Pamagatan ang iyong gawain
ng (Petsa) K2 – Aralin 3 – Gawain14 – Panimulang Pagtataya 3.
1. Elemento ng sanaysay na naglalahad na dapat ay mabuting gumamit ng simple,natural at matapat
na mga pahayag.
A. Wika at istilo B. Tema at nilalaman C. Kaisipan D. Katawan
2. Elemento ng sanaysay na naglalahad ng maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari.
A. Kaisipan B. Istruktura C. Tema at nilalaman D. Wika at istilo
3. Bahagi ng sanaysay na nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.
A. Panimula B. Katawan C. Wakas D. Kakalasan
4. Bahagi ng sanaysay na pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
titingnan ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon.
A. Panimula B. Katawan C. Wakas D. Kakalasan
5. Bahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahalagang puntos ukol sa tema at
nilalaman ng sanaysay.
5
A. Panimula B. Katawan C. Wakas D. Kakalasan

Kumusta? Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung may mali ka, huwag kang mag-
alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang Maitama mo ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga
panitikang lumaganap sa Panahon ng Tsina.

PAGTUKLAS
Bilang pagsisimula sa araling ito ay sagutan mo ang gawain sa pagtuklas. Halina at pag-aralan
natin ang sanaysay “Ako si Jia Li,Isang ABC” ng Tsina.Simulan natin ang aralin na ito sa pagbibigay ng
kahulugan sa matatalinhagang salitang ginamit sa Sanaysay, sundan mo ang gawain 14.

Gawain 15 – BATAYANG AKLAT- PAYABUNGIN NATIN A at B

Ang Tsina ay ang bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo.Sila na ang
itinuturing na pangalawang may pinakamalakas na ekonomiya at pinakamalaking impoerter at exporter ng
mga kalakal sa buong mundo.
Alam ko na may nalalaman ka na sa panitikan noong panahon ng Tsina, Kung wala naman,
makatutulong sa iyo ang araling ito upang mabatid at madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito.

Panuto: Gamit ang batayang aklat na Pinagyamang Pluma 9 sa pahina 214, sagutin ang
PAYABUNGIN NATIN A at B. Kopyahin at Isulat ang iyong sagot sa Activity/Assessment
Notebook. Pamagatan ang iyong gawain ng (Petsa) K2-Aralin 3-Gawain 15-Payabungin Natin A
at B.

Ang iyong naging tugon sa gawain ay marahil nakabatay sa iyong sariling pag-unawa at kaalaman.
Tandaan ang mga naging tugon ay maaaring mabago ang mga ito pagkatapos mapag-aralan ang isang
akdang pampanitikan mula sa Silangang Asya.

PAGLINANG/PAGPAPATIBAY

Nabatid mo kanina ang kasagutan tungkol sa matatalinhagang salitang ginamit sa Sanaysay.Ito


ay nakatulong upang mapalawak at madagdagan pa ang iyong bokabularyo sa pagbuo ng pangungusap
gamit ang konteksto ng pangungusap.

Gawain 16 – BATAYANG AKLAT- SAGUTIN NATIN C

Ating linangin ngayon ang iyong kabatiran hinggil sa pagpapaliwanag ng pagkakabuo ng


sanaysay. Ngayun, iyong ipagpapatuloy ang pag-aaral ng araling ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng
mga impormasyon sa batayang aklat.
6
Panuto: Gamit ang batayang aklat na Pinagyamang Pluma 9 sa pahina 222, sagutin ang
SAGUTIN NATIN C.Bago sagutan ay kinakailangan mong basahing muli ang sanaysay upang
maipaliwanag mo nang maayos ang sanaysay. Kopyahin at Isulat ang iyong sagot sa
Activity/Assessment Notebook. Pamagatan ang iyong gawain ng (Petsa) K2-Aralin 3-Gawain
16-Sagutin Natin C.

Tunay na ang sinundang gawain ang nagpatibay ng kaalamang kapaki-pakinabang sa pag-aaral ng


akdang pampanitikan ng Silangang Asya, partikular na sa Tsina yamang makikita rito ang kaugnayan
sa’yong sarili mismo at maging sa lipunang Pilipino.Linangin mo pa ang iyong pag-unawa sa Sanaysay sa
pamamagitan ng pagsasagawa mo sa susunod na gawain.

PAGPAPALALIM
Bilang panimula sa bahaging ito ng modyul, ibig kong magkaroon kang muli ng pansariling
pagtataya. Sa iyong palagay, sa tulong ng mga sinundang gawaing iyong isinagawa, masasabi mo bang
malaki ang naitulong ng akdang pampanitikan mula sa Silangang Asya, partikular na sa bansang Tsina
upang higit mong madama ang halaga ng pagpapahayag ng saloobin.
Pagkakataon mo na ngayon na palalimin mo pa ang iyong pagpapahayag ng saloobin na walang masasaktan,
gayundin ang malalimang pag-unawa sa paggamit ng angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling opinyon/pananaw sa
pamamagitan ng sumusunod na mga gawain.

Gawain 17 – BATAYANG AKLAT- MAGAGAWA NATIN

Pagtitibayin sa bahaging ito ng modyul ang mga nabuo mong kaalaman tungkol sa Sanaysay ng
Tsina na kung saan maipapakita mo ang pagiging bukas sa pagkakaiba-iba ng tao. Ipagpapatuloy mo ang
iyong pag-aaral at susubukin muli ang iyong kaalaman sa pagpapaliwanag ng sariling pananaw.

Panuto: Gamit ang batayang aklat na Pinagyamang Pluma 9 sa pahina 224,


sagutin ang ISULAT NATIN.Isulat ang iyong sagot sa Activity/Assessment Notebook.
Pamagatan ang iyong gawain ng (Petsa) K2-Aralin 1-Gawain 4-Isulat Natin.

Gawain 5 – BATAYANG AKLAT- SUBUKIN PA NATIN

Panuto: Gamit ang batayang aklat na Pinagyamang Pluma 9 sa pahina 184,


sagutin ang SUBUKIN PA NATIN.Isulat ang iyong sagot sa Activity/Assessment Notebook.
Pamagatan ang iyong gawain ng (Petsa) K2-Aralin 1-Gawain 5-Isulat Natin.

Napaunlad mo nang lubusan sa bahaging ito ang iyong pag-unawa sa Tula ng hapon,na kahit
payak at hindi maligoy ay nakatulong ng malaki sa iyong sarili upang maintindihan ang kanilang
panitikan.Ngayun ay may malalim ka ng kaalaman kaya dadako kana ngayon sa susunod na bahagi ng
modyul.

INTEGRASYONG PAGPAPAHALAGA
Tunay na sa isinagawang mga gawain, naging maliwanag sa’yo ang lahat hinggil sa kahalagahan
ng pagpapahayag ng damdamin dahil kapag ang isang pahayag ay binitiwan at nakasakit hindi na ito
mababawi pa. Ang Disiplina sa sarili ay isa sa Pagpapahalaga na mag-ingat sa pagpapahayag ng saloobin
7
sa ating sarili at ibang tao. Nakatutulong din ito upang maisagawa ang nararapat na aksyon tungo sa
positibong pagbabago.

Gawain 5 – PAGPAPALIWANAG

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot sa katanungan.Kopyahin at Isulat ang iyong sagot
sa Activity/Assessment Notebook. Pamagatan ang iyong gawain ng (Petsa) K2-Aralin 1-Gawain
5-Isulat Natin.
1.Bakit mahalagang mag-ingat sa pagpapahayag ng damdamin?

Sa bahaging ito ng gawain ay mapapahalagahan mo ang pagpapahalaga sa pagpapahayag ng damdamin o


saloobin. May malawak ka ng pag-unawa sa aralin. Nabatid mo na ang kaugnayan sa’yong buhay ng
akdang pampanitikang pinag-aralan mula sa Silangang Asya, TANKA at HAIKU.

PAGLILIPAT
Pagtitibayin sa bahaging ito ng modyul ang mga nabuo mong pag-unawa tungkol sa paksang
tanka at haiku sa pamamagitan ng paggawa ng isang mapanghamong gawain.Inaasahang pagbabatayan
mo ang iyong mga natutuhan at nauunawaan sa mga nakaraang aralin upang maisakatuparan ang gawaing
iyong gagawin.

Gawain 6 – BATAYANG AKLAT-PALAWAKIN PA NATIN

Panuto: Gamit ang batayang aklat na Pinagyamang Pluma 9 sa pahina 185-186, sagutin
ang PALAWAKIN PA NATIN.Isulat ang iyong sagot sa Activity/Assessment Notebook.
Pamagatan ang iyong gawain ng (Petsa) K2-Aralin 1-Gawain 6-Isulat Natin.

Mahusay! Nagawa mong matagumpay ang huling bahagi ng araling ito. Panatilihin ang
anumang natutuhan dito yamang patuloy itong pakikinabangan sa mga susunod pang mga aralin ng
modyul na ito.Ngayon, handa ka na sa ikalawang aralin, ang Pabula partikular sa bansang Korea.

EBALWASYON
Gawain 7 – PAGSAGOT

Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong sagot.
Isulat ang titik ng inyong sagot sa Activity/Assessment Notebook.Pamagatan ang iyong gawain
ng (Petsa) K2 – Aralin 1 – Gawain7 – Panghuling Pagtataya 2.
1. Sa pagtanda ng kanyang isipan ay siya naming pagbata ng kanyang itsura.
A. paghina B. pag-edad C. pagsunod D. pagsalita
2. Ang tulang ito ay binubuo ngntatlong taludtod sa bawat saknong.
A. Haiku B. Tanka C. Ponema D. Tuluyan
3. Ang tulang ito ay binubuo ng 31 isang pantig bawat taludtod.
A. Haiku B. Tanka C. Ponema D. Tuluyan
8
4. Ito ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita,atbp.
A. hinto B. diin C. tono o intonasyon D. antala
5. Tumutukoy sa bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng salita.
A. hinto B. diin C. antala D. tono
B. Pagpapaliwanag
1. Paano makikilala ang kultura ng isang bansa sa pamamagitan ng pagkilala sa uri ng kanilang
tula?

Aralin 2
Ang Mag-inang Palakang Puno
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

PANIMULA
Sa araling ito ay matutunghayan natin na hindi nagkakalayo ang paraan ng pag-aaruga at
pagpapalaki sa mga anak ng mga Koreano at mga Pilipino.Ating umpisahan ang paglalakbay sa lupain ng
mapayapang umaga.

BLG. NG ORAS AT SESYON


2 LINGGO NOBYEMBRE 21-25, 2020
 Naiaantas ang mga salita sa pamamagitan ng clining batay sa tindi ng emosyon o damdamin
 Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan
 Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan na parang mga taong
nagsasalita at kumikilos
 Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin

Unang Linggo-Nobyembre 21-25,2020


PANIMULANG PAGTATAYA
Oras na upang tayain ang iyong pag-unawa sa modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot mo sa
sumusunod na mga tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong masagot ang panimulang
pagtatayang ito, malalaman mo ang iyong iskor. Isaalang-alang ang mga naging kamalian at tuklasin ang
tamang sagot sa mga ito habang pinag-aaralan ang modyul na ito.

Gawain 8 – PANIMULANG PAGTATAYA 2

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan nang pagsagot
sa panimulang pagtataya. Piliin lamang ang titik ng wastong sagot at sagutan ang lahat ang mga tanong.
Pagkatapos ay makikita mo ang nakuha mong iskor. Tandaan mo ang mga aytem at mga tanong na hindi
mo nasagot. Malalaman mo ang wastong sagot habang pinag-aralan mo ang modyul na ito. Kung handa
kana, Simulan mo na…

9
Panuto: Basahin . Isulat ang titik ng inyong sagot sa Activity/Assessment Notebook.Pamagatan
ang iyong gawain ng (Petsa) K2 – Aralin 2 – Gawain 8 – Panimulang Pagtataya 2.
1. Bahagi ng sanaysay na pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
titingnan nang mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon.
A. panimula B. katawan C. wakas D. gitna
2. Kilala bilang “ama ng pabula”.
A. Edgar Allan Poe B. Tagore C. Aesop D. Kurishumi
3. Kabilang sa uring ito ang karagatan,duplo at balagtasan.
A. Tulang pantanghalan B. Panghihimig C. Tulang Pasalaysay D. Tulang Patnigan
4. Bahagi ng maikling kwento na siyang ginuguhitan ng mga pangyayari sa kwento.
A. simula B. banghay C. gitna D. wakas
5. Ayon kay Aristotle ito ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.
A. Dula B. Maikling Kwento C. Sanaysay D. Pabula
Kumusta? Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung may mali ka, huwag kang mag-
alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang Maitama mo ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga
panitikang lumaganap sa Panahon ng Korea.

PAGTUKLAS

Bilang pagsisimula sa araling ito ay sagutan mo ang gawain sa pagtuklas. Halina na at pag-
aaralan natin ang pabulang Ang Mag-inang Palakang Puno ng Korea.Simulan natin ang aralin na ito sa
pag-aantas ng mga salita batay sa tindi ng emosyon o damdamin, sundan mo ang gawain 9.

Gawain 9 – BATAYANG AKLAT- PAYABUNGIN NATIN-A

Alam mo ba na ang bansang Korea ay isa sa mga bansang matatagpuan sa Silangang Asya.Ito ay
dating tinawag na Chosen na ang ibig sabihin ay “Lupain ng Mapayapang Umaga.”
Sa akdang tatalakayin ay masasaksihan ang mag-inang palakang puno at kung paanong sa abot ng
makakaya ng ina ay pilit niyang inunawa at itinuwid ang kanyang anak.Halina’t alamin natin kung paano
nangyari ang mga ito.

Panuto: Gamit ang batayang aklat na Pinagyamang Pluma 9 sa pahina 189, sagutin ang
PAYABUNGIN NATIN A. Kopyahin at Isulat ang iyong sagot sa Activity/Assessment Notebook.
Pamagatan ang iyong gawain ng (Petsa) K2-Aralin 2-Gawain 9-Payabungin Natin A.

Ang iyong naging tugon sa gawain ay marahil nakabatay sa iyong sariling pag-unawa at kaalaman.
Tandaan ang mga naging tugon sapagkat maaaring mabago ang mga ito pagkatapos mapag-aralan ang
isang akdang pampanitikan mula sa Silangang Asya.

PAGLINANG/PAGPAPATIBAY

10
Nabatid mo kanina ang ideya at kasagutan tungkol sa pag-aantas ng mga salita batay sa tindi ng
emosyon o damdamin na ginamit Ang Mag-Inang Palakang Puno.Ito ay nakatulong upang mapalawak
pa ang iyong kaalaman sa paghinuha ng damdamin sa mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan.

Gawain 10 – BATAYANG AKLAT- SAGUTIN NATIN B at C

Ating linangin ngayon ang iyong kabatiran hinggil sa diyalogo ng mga tauhan habang binabasa
ang pabula. Ngayun, iyong ipagpapatuloy ang pag-aaral ng araling ito sa pamamagitan ng pagbabasa
ng mga impormasyon sa batayang aklat.

Panuto: Gamit ang batayang aklat na Pinagyamang Pluma 9 sa pahina 195-197, sagutin
ang SAGUTIN NATIN B at C. Bago sagutan ay kinakailangan mong basahing muli ang pabula
upang maramdaman mo nang maayos ang sinasabi ng mga tauha at mabigyang puna ang
kabisaan ng pagsasalita ng mga tauhan. Kopyahin at Isulat ang iyong sagot sa
Activity/Assessment Notebook. Pamagatan ang iyong gawain ng (Petsa) K2-Aralin 2-Gawain
10-Sagutin Natin B at C.

Tunay na ang sinundang gawain ang nagpatibay ng kaalamang kapaki-pakinabang sa pag-aaral ng


akdang pampanitikan ng Silangang Asya, partikular na sa Korea yamang makikita rito ang kaugnayan
sa’yong sarili mismo at maging sa iyong ina. Linangin mo pa ang iyong pag-unawa sa Pabula sa
pamamagitan ng pagsasagawa mo sa susunod na gawain.

PAGPAPALALIM
Bilang panimula sa bahaging ito ng modyul, ibig kong magkaroon kang muli ng pansariling
pagtataya. Sa iyong palagay, sa tulong ng mga sinundang gawaing iyong isinagawa, masasabi mo bang
malaki ang naitulong ng akdang pampanitikan mula sa Silangang Asya, partikular na sa bansang Korea?
upang maaliw ka sa mga traspormasyong pinagdaanan ng dalawang tauhan sa pabula.
Pagkakataon mo na ngayon na palalimin mo pa ang iyong pag-unawa na sa tingin mo’y magpabago sa iyong
aspektong pisikal, emosyonal, at intelektuwal, gayundin ang malalimang pag-unawa sa Pagpapahayag ng Emosyon o
Damdamin sa pamamagitan ng sumusunod na mga gawain.

Gawain 11 – BATAYANG AKLAT- MAGAGAWA NATIN

Pagtitibayin sa bahaging ito ng modyul ang magandang ibinunga sa mga tauhan sa pabula
sapagkat nakapagdudulot ito ng mga aral na magagamit natin sa pang-araw-araw na buhay .Sa
pagpapatuloy ng iyong pag-aaral ay susubukin muli ang iyong kaalaman sa pagsulat ng liham para sa
iyong magulang.

Panuto: Gamit ang batayang aklat na Pinagyamang Pluma 9 sa pahina 201,


sagutin ang MAGAGAWA NATIN.Isulat ang iyong sagot sa Activity/Assessment Notebook.
Pamagatan ang iyong gawain ng (Petsa) K2-Aralin 2-Gawain 11-Magagawa Natin.

INTEGRASYONG PAGPAPAHALAGA
Tunay na sa isinagawang mga gawain, naging maliwanag sa’yo ang lahat tungkol sa kahalagahan
ng magulang para sa anak na sumusuway. Ang Pagsunod at Respeto sa sarili ay isa sa Pagpapahalaga na

11
mag-ingat sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin sa ating sarili at ibang tao. Nakatutulong din ito
upang maisagawa ang nararapat na aksyon tungo sa positibong pagbabago.

Gawain 11 – PAGPAPANOOD NG BIDYO-ANAK NI VILMA SANTOS AT KABANG

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot sa katanungan.Kopyahin at Isulat ang iyong sagot
sa Activity/Assessment Notebook. Pamagatan ang iyong gawain ng (Petsa) K2-Aralin 11-
Gawain 5-Isulat Natin.
1.Bakit mahalagang sumunod ang anak sa kanyang magulang?

Sa bahaging ito ng gawain ay mapapahalagahan mo ang pagpapahalaga sa pagpapahayag ng


damdamin o saloobin at ang pagsunod sa magulang. May malawak ka ng pag-unawa sa aralin. Nabatid mo
na ang kaugnayan sa’yong buhay ng akdang pampanitikang pinag-aralan mula sa Silangang Asya.

PAGLILIPAT
Pagtitibayin sa bahaging ito ng modyul ang mga nabuo mong pag-unawa tungkol sa paksang Ang
Mag-Inang Palakang Puno sa pamamagitan ng paggawa ng isang mapanghamong gawain.Inaasahang
pagbabatayan mo ang iyong mga natutuhan at nauunawaan sa mga nakaraang aralin upang
maisakatuparan ang gawaing iyong gagawin.

Gawain 12 – BATAYANG AKLAT- TIYAKIN NA NATIN

Panuto: Gamit ang batayang aklat na Pinagyamang Pluma 9 sa pahina 210, sagutin ang
TIYAKIN NA NATIN.Isulat ang iyong sagot sa Activity/Assessment Notebook. Pamagatan ang
iyong gawain ng (Petsa) K2-Aralin 2-Gawain 12-Tiyakin na Natin.

Magaling! Nagawa mong matagumpay ang huling bahagi ng araling ito. Panatilihin ang
anumang natutuhan dito sapagkat pakikinabangan mo ito sa susunod pang mga aralin.
Ngayon, handa ka na sa ikatlong aralin, ang Sanaysay partikular sa bansang Tsina.

EBALWASYON

Gawain 13– PAGSAGOT

Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong sagot.
Isulat ang titik ng inyong sagot sa Activity/Assessment Notebook.Pamagatan ang iyong gawain
ng (Petsa) K2 – Aralin 2 – Gawain 13 – Panghuling Pagtataya 2.
12
1. Masipag na nagtrabaho ang inang palaka dahil mag-isa na siyang nagtataguyod sa kanyang anak.Hindi
naglaon ay nagkasakit ang inang palaka.
A. lumipas B. nagtagal C. nainip D. namalayan
2. Mag-isang naglaro ang batang palaka sa gilid ng batis.
A. dulo B. gitna C.tabi D. itaas
3. Labis ang pighati ng anak dahil sa nangyari sa kanyang ina.
A. pagkagalit B. pagsisisi C. kalungkutan D. pagdurusa
4. Ang mag-inang palaka na laamang ang nanunuhay sa ilalim ng puno dahil yumao na ang ama.
A. nangibang-bayan B. umalis C. namatay D. nagkasakit
5. Nang tinanong niya ang anak ay hindi ito umimik.
A. nakinig B. nagalit C. kumibo D. nangatwiran
B. Pagpapaliwanag
1. Sa paanong paraan kaya maaaring maganyak ang kabataang tulad mo upang kalugdan pa rin ang
pagbabasa ng mga pabulang tulad nito? Ipaliwanag.

13

You might also like