You are on page 1of 27

Prepared by:

RESALYN R. LEGASPI
Cabanabaan ES
Lesson Plans for Multigrade Classes Ballesteros District
Grades 5 and 6
Learning Area: Filipino Quarter: 1 Week: 1
Grade Grade 5 Grade 6
Pamantayang Pakikinig Pakikinig
Pangnilalaman Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag- Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa
The learner unawa sa napakinggan. napakinggan.
demonstrates Wikang Binibigkas/Gramatika Wikang Binibigkas/Gramatika
understanding of Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sari
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin. ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Pag-unlad ng Talasaltaan/Pag-unawa sa Binasa Pag-unlad ng Talasaltaan/Pag-unawa sa Binasa
Naisasagawa ang napanuring pagbasa sa ibat-ibang uri ng teksto at Naisasagawa ang napanuring pagbasa sa ibat-ibang uri ng teksto at napapala
napapalawak ang talasalitaan. ang talasalitaan.
Estratehiya sa Pag-aaral Estratehiya sa Pag-aaral
Naipapamalas ang ibat-ibang kasanayan upang maunawaan ang Naipapamalas ang ibat-ibang kasanayan upang maunawaan ang ibat-ibang tek
ibat-ibang teksto. Pagsulat
Pagsulat Napapaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng ibat-ibang uri ng sulatin.
Napapaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng ibat-ibang uri ng Panonood
sulatin. Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang media.
Panonood Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan
Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t Naipapamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika
ibang media. komunikasyon at pagbasa ng ibat-ibang uri ng panitikan.
Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan
Naipapamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng
wika sa komunikasyon at pagbasa ng ibat-ibang uri ng panitikan.
Pamantayan sa Pakikinig Pakikinig
Pagganap Nakapagbibigay ng sariling pamagat para sa napakinggang kwento Nasasaulo ang isang tula o awit na napakinggan at naisasadula ang isang isy
The learner at pagsasagawa ng roundtable na pag-uusap tungkol sa isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan.
paksang napakinggan. Wikang Binibigkas/Gramatika
Wikang Binibigkas/Gramatika Nakagagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas, reader’s theat
Nakakasali sa isang usapan tungkol sa isang paksa dula-dulaan
Pag-unlad ng Talasalitaan/Pag-unawa sa Binasa Pag-unlad ng Talasalitaan/Pag-unawa sa Binasa
Nakapagsasagawa ng reader’s theatre. Nakabubuo ng sariling disyunaryo ng mga bagong salita mula sa binasa:
Estratehiya sa Pag-aaral naisasadula ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto.
Nakapagtatala ng kailangang impormasyon o datos. Estratehiya sa Pag-aaral
Pagsulat Nagagamit ang nakalimbag at di nakalimbag na mga kagamitan sa pagsasalik
Nakasusulat ng isang talata tungkol sa isang isyu o paksa. Pagsulat
Panonood Nakasusulat ng reaksyon sa isang isyu.
Nakagagawa ng movie trailer para sa maikling pelikulang Panonood
napanood. Nakagagawa ng blog entry tungkol sa napanood
Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan
Napapahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan talakayan, pagkukwento, pagt
pagsali ng usapan at talakayan, pagkukwento, pagsulat ng sariling pagsulat ng sariling tula at kwento.
tula, talata o kwento.
Mga Kasanayan sa Pakikinig Pakikinig
Pagkatuto Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula.
F5PN-Ia-4 F5PN-Ia-g-3.1
Wikang Binibigkas Gramatika
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa
napakinggang balita, isyu o usapan. iba’t ibang sitwasyon.
F5PS-Ia-j-1 F6WG-Ia-d2
Gramatika Pag-unawa sa Binasa
Nagagamit nang wasto ang mgapangngalan at panghalip sa Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan.
pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at F6PB-I
mga pangyayari sa paligid. Pagsulat
F5WG-Ia-e-2 Nasisipi ang isang talata mula sa huwaran.
Pag-unlad ng Talasalitaan F6PU-Iac-2
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan
pamamagitan ng gamit sa pangungusap. Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito.
F5PT-Ia-b-1.14 F6PL-Oa-j-1
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento
F5PB-Ia-3.1
Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang-kahulugan ang patalastas.
F5EP-Ia-15
Pagsulat
Nakasusulat ng isang maikling balita/patalastas
F5PU-Ia-2.8
Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan
Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit
nito
F5PL-Oa-j-1
Unang Araw
Layunin ng Aralin Pakikinig Pakikinig
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula.
Pag-unawa sa Binasa Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan.
Wikang Binibigkas
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang
napakinggang balita, isyu o usapan.
Paksang Aralin Pag-uugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto Pagsagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula.
Pagsagot ang mga tanong sa binasang kuwento Pag-uugnay ang binasa sa sariling karanasan.
Pagpapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang
napakinggang balita, isyu o usapan.
Kagamitang TM, TG, BOW, (others) TM, TG, BOW, (others)
Panturo
Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):

Use these letter  Whole Class  Ability Groups


icons to show Describe the parts of the lesson (for example the introduction), where you  Friendship Groups
methodology and may address all grade levels as one group.  Other (specify)
assessment  Mixed Ability Groups  Combination of Structures
activities.  Grade Groups

DT Direct Teaching
Teaching, Learning and Assessment Activities
GW Group Work
WHOLE CLASS ACTIVITY
IL Independent Basahin ng guro ang isang balita at makikinig ang mga bata. (Apendiks 1, Araw 1, Baitang 5&6)
Magkaroon ng talakayan.
Learning Tatalakayin ang mga sangkap ng balita at ang kahalagahan nito.
A Assessment Tandaan:
Ang balita ay pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran at maging sa iba pang panig ng daigdig.
Mahalaga ang pakikinig ng mga balita upang mabatid natin ang mga napapanahong pangyayari sa loob atlabas
ng bansa.
Mga Sangkap ng Balita: ano, sino, kailan, saan, paano at bakit
GW DT
 Hatiin ang mga bata sa tatlong pangkat. Ipabasa ang isang pabula. “Ang Unggoy at ang Pagong”
 Muling ipabasa sa kanila ang balita. (Apendiks 2, Araw 1, Baitang 6)
 Hikayatin silang ipahayag ang sariling opinyon tungkol sa  Talakayin kung ano ang pabula.
balita gamit ang iba’t ibang MI’s. (Multiple Intelligences)  Pagsagot sa mga tanong tungkol sa pabula.
Anong aral ang mapupulot sa kuwento?
DT GW
Ipabasa ang isang balita. Batay sa binasang pabula,hikayatin ang mga bata na iugnay ang binasa ayon s
(Apendiks 3, Araw 1 ,Grado 5) sariling karanasan.
Bumuo ng tatlong pangkat para sa kanilang gawain.
Maaaring ipakita ito sa paraang:tula,awit,drama at iba pa.
IL IL
(Apendiks 4, Araw 1 ,Grado 5) Presentasyon s apangkatang gawain ng mga bata
(Apendiks 5 , Araw 1,Grado 6)

Mga Tala
Pagninilay
Ikalawang Araw
Layunin ng Aralin Gramatika Gramatika
Nagagamit nang wasto ang mgapangngalan at panghalip sa Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa
pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at iba’t ibang sitwasyon.
mga pangyayari sa paligid.
Pag-unlad ng Talasalitaan
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa
pamamagitan ng gamit sa pangungusap.
Paksang Aralin Paggamit nang wasto sa mga pangngalan at panghalip sa Paggamit nang wasto sa mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa ib
pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at ibang sitwasyon.
mga pangyayari sa paligid.
Pagbigay ng kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa
pamamagitan ng gamit sa pangungusap.

Kagamitang TM, TG, BOW, tsart TM, TG, BOW, tsart


Panturo
Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):

Use these letter  Whole Class  Ability Groups


icons to show Describe the parts of the lesson (for example the introduction), where you  Friendship Groups
methodology and may address all grade levels as one group.  Other (specify)
assessment  Mixed Ability Groups  Combination of Structures
activities.  Grade Groups

DT Direct Teaching
Teaching, Learning and Assessment Activities
GW Group Work
IL Independent WHOLE CLASS ACTIVITY
I. Itanong:
Learning  Ano-ano ang mga nakikita niyo sa ating paligid/pagpunta niyo sa paaralan mula sa inyong bahay?
A Assessment  Hikayatin silang isulat ang mga sagot sa tsart.
TAO BAGAY HAYOP LUGAR PANGYAYARI

II. Ipabasa ang “Isang Anunsiyo sa Pahayagan”(Apendiks 6 , Araw 1,Grado 5&6)


Talakayin ang mga pangungusap na hango sa kuwentong binasa. “Isang Anunsyo sa Pahayagan”

A B
1. Si Ahmed ay tubong Cotabato. 1. Hawak niya ang binabasang pahayagan.
2. Hawak niya ang binabasang pahayagan. 2. Sasali siya sa bagong samahan.
3. Sasali siya sa bagong samahan. 3. Interesado po ako.

Pag-aralan ang mga pangungusap sa hanay A.


Itanong:
 Anong ngalan ang may salungguhit sa bilang 1? 2? 3?
Talakayin ang pangngalan at magbigay iba pang mga halimbawa.

Pag-aralan ang mga pangungusap sa hanay B.


Itanong:
 Ano-ano ang mga nasalungguhitang mga salita?
 Sino ang tinutukoy ng SIYA, NIYA at AKO?
Talakayin at ipaliwanag na ang mga ito ay panghalip.
Magbigay ng iba pang mga halimbawa.
Magbigay ng gawain. (Apendiks 7 , Araw 1,Grado 5&6)
DT GW
Basahin ang mga pangungusap. Gawain:
Pag-aralan ang mga salitang may salungguhit sa bawat hanay”  Pangkatin ang mga bata sa tatlo.
 Bawat pangkat ay gagawa n isang dayalogo na ginagamitan n mga
pangngalan at panghalip batay sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Pag-alis ng tatay mo patungong ibang bayan.
2. Hindi pagpapaalam sa magulang na uuwi ng gabi mula sa paarala
3. Hindi inaasahang pagdating ng Tiya mula sa probinsiya o ibang
A B bansa.
Sino ang katiwala sa silid- Malusog ang taong hindi
aklatan? sakitin.

Aling salita ang mahirap maunawaan?madaling maunawaan?


Paano natin mauunawaan ang mga madali/mahirap maintindihang
mga salita?
Talakayin kug ano ang pamilyar at di pamilyar na salita.

IL DT
(Apendiks 8 , Araw 2,Grado 5) Pagpapakita ng pangkatang gawain at pagbabahagi ng kuro-kuro tungkol sa
kanilang palabas.
(Apendiks 9 , Araw 2,Grado 6

Mga Tala
Pagninilay
Ikatlong Araw
Layunin ng Aralin Estratehiya sa Pag-aaral Pagsulat
Nabibigyang-kahulugan ang patalastas. Nasisipi ang isang talata mula sa huwaran.
Pagsulat Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan
Nakasusulat ng isang maikling balita/patalastas Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito.
Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan
Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit
nito
Paksang Aralin Pagbibigay-kahulugan sa patalastas. Pagsipi ng isang talata mula sa huwaran.
Pagsulat ng isang maikling balita/patalastas Pagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito.
Pagmamalaki sa sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito
Kagamitang TM, TG, BOW, (others) TM, TG, BOW, (others)
Panturo
Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):

Use these letter  Whole Class  Ability Groups


icons to show Describe the parts of the lesson (for example the introduction), where you  Friendship Groups
methodology and may address all grade levels as one group.  Other (specify)
assessment  Mixed Ability Groups  Combination of Structures
activities.  Grade Groups

DT Direct Teaching

GW Group Work Teaching, Learning and Assessment Activities


WHOLE CLASS ACTIVITY
IL Independent Itanong:
Learning  Kayo ba ay madalas/mahilig manood ng telebisyon?
 May napapanood b kayong mga patalastas?
A Assessment  (Hikayatin ang mga bata na magbigay ng mga patalastas mula sa mga napapanood nila)
DT DT
Gawain Gawain
Ilahad ang isang patalastas. Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa.
Sagutin ang mga tanong ukol dito. Ilahad ang isang talata at ipasagot ang mga tanong.
Talakayin kung ano ang patalastas at ang kahalagahan nito. (Apendiks 11 , Araw 3,Grado 6)
Magbigay ng iba pang halimbawa ng patalastas. Talakayin kung paano sinusulat ang talata.
(Apendiks 10 , Araw 3,Grado 5)
GW IL
Pangkatin ang mga bata sa tatlong grupo. Sipiin ang napag-aralang talata sa (Apendiks 11 , Araw 3,Grado 6)
Gumawa ng isang patalastas ang bawat grupo. Iwawasto ng guro.
 Pangkat 1: Patalastas na nangangailangan ng patalastas sa (Apendiks 13, Araw 3,Grado 6)
isang kompanya.
 Pangkat 2: Ipinakikiusap na bawal magtapon ng basura sa
bakanteng lote ng ospital. Ang mahuhuling lalabag dito ay
magmumulta ng limang libong piso o pagkabilanggo ng
sampung araw.
 Pangkat 3: Patalastas para sa produkto ng inyong lugar.
(Apendiks 12, Araw 3,Grado 5)
A A
Summative Test(Apendiks 14, Araw 3, Grado 5) Summative Test(Apendiks 15, Araw 3, Grado 6)

Mga Tala
Pagninilay
REFERENCES
Grade V Grade VI

Hiyas sa Wika 5 Hiyas sa Wika 5

Hiyas sa Pagbasa 5 Hiyas sa Pagbasa 5

Hiyas sa Wika 6 Hiyas sa Wika 6

Landas sa Pagbasa 6 Landas sa Pagbasa 6

Landas sa Wika 6 Landas sa Wika 6

Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5 Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5

Pinagyamang Pluma 6 Pinagyamang Pluma 6

Prepared by: Checked and Validated by:

RESALYN R. LEGASPI JOSE M. MATAMMU


Teacher 2 EPS-FILIPINO/DIVISION MG COORDINATOR
MGA
APENDIKS

Apendiks 1
Araw 1, Baitang 5 & 6 Filipino 56/Q1/W1
Ang Balita

Ikaapat ng madaling-araw. Kagigising pa lamang ni Tatang Dencio at nagkakape.


Binuksan niya ang radio habang siya’y nagkakape.

“Magandang umaga po sa inyong lahat. Narito ang ulat tungkol sa mga pangunahing
balita sa araw na ito.

Pinapurihan si G. Emilio Advincula, isang drayber ng taxi, dahil sa pinamalas niyang


katapatan. Ang foreigner na naisakay niya ay nakaiwan ng isang attache case na naglalaman
ng mga dolyares, tsekeng nagkakahalaga ng dalawang milyong piso, mga alahas, at
mahahalagang papeles. Walang kabawas-bawas ang laman na isinauli ni G. Advincula ang
attache case sa tinutuluyang hotel ng turista. Binigyan siya ng pabuya dahil sa kanyang
ginawa.”

Mga Tanong:

1. Sino si G. Emilio Advincula?


2. Anon g naiwan ng turista sa taxi?
3. Bakit siya pinagkalooban ng pabuya?
4. Kung ikaw si G. Emilio Advincula, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
5. Paano mo ilalarawan ang taxi driver?
6. Ano ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa balita?
7. Ano-anong mahalagang detalye ang nakapaloob sa balita?

Apendiks 2
Araw 1, Baitang 6 Filipino 56/Q1/W1

Ang Unggoy at ang Pagong

Noong una pa man, kahit lagging magkasama ay palagi nang nagtatalo ang
magkaibigang unggoy at pagong. Maliit man o malaking bagay ay pinagtatalunan subalit di
naman dumarating sa puntong talagang nag-aaway na sila. Kilala na nila ang isa’t isa.
Masyado kasing mataas ang pagkakakilala ni unggoy sa kanyang sarili. Tingin niya’y angat
sita kay pagong kung katalinuhan lang din ang pag-uusapan. Madalas naman nagsasawalang-
kibo na lang si pagong na kilala sa pagiging mapagpakumbaba.
Dumating ang araw na nagging napakasama ng panahon. “Tila babagyo!” ani pagong
habang kumukubli sa dahon ng isang puno ng saging upang di mabasa.
“Napakanerbiyoso mo naman!” sagot ni unggoy. “Umulan lang nang bahagya’y
parang katapusan na ng mundo mo. Umusod ka nga nang konti at nababasa na ako rito,” ang
dugtong na pang-uuyam ni unggoy.
Nagsawalang-kibo nalang ang pagong at pinagbigyan ang unggoy. Patuloy na
lumalakas ang ulan at hmahagupit na ang hangin. Natatakot na rin ang unggoy ngunit di siya
nagpapahalata sa kasama.
“Lilipas din agad iyan, makikita mo…” wika ng nagtatapang-tapangang unggoy.
Subalit ang bagyo’y sadyang lumakas pa hanggang matagpuan na llang ng dalawa ang
kanilang mga sariling palutang-lutang sa bumabahang ilog sakay sa puno ng saging na kanina
lang ay nakatayo at kanilang sinisilungan.
Sa pagkakaanod sakay sa balsang puno ng saging ay di pa rin nawala ang
pagkamataasin ni unggoy.
“’Wag ka ngang malikot pagong baka mahulog ako. Ayaw kong mabasa ng
pagkaitim-itim na tubig na ito. Napakabaho na’y andami pang mga basura. Hay naku, ang
mga tao talaga! Ginagawang basurahan ang ilog. Parang ayokong tanggapin sila’y galling sa
aming lahi,” tuloy-tuloy na wika ni unggoy.
‘Di nagtagal, inanod sila sa gilid ng isang gumuguhong bundok. Upang di mahalata
ang pagkatakot ay nag-umpisa na lang uli ang unggoy na magsalita.
“Tingnan mo ang bundok na ito. Gumuguho dahil walang punong nakatanim. Pinutol
lahat ng mga tao at naiwang nakatiwangwang. Hayun, ginawang kaingin ng mga magsasaka,
sinunog ang mga naiwang maliliit na puno. Itong baha ang bunga ng kanilang
kalapastangan,” ang malamang wika ni unggoy
Tumango lan ang pagong at nagwika; “Nakikita mo ba ang mga kawawang ibong
‘yon? Wala silang madapuan kaya silay nangangatog sa lamig.”
“Aba, pagong,” pakli ni unggoy,” sila’y kinaaawaan mo. Hindi mo ba nakikita ang
kalagayan natin? Para tayong mga yagit na di alam kung saan dadalhin ng baha. Ang mga
ibon iyon ay maaaring lumipad at humanap ng masisislungan kung gugustuhin nila. Ikaw,
hindi ka ba naaawa sa sarili mo?”
Napailing na lang ang pagong at sabay sabi, “Kung gugustuhin ko’y kanina pa ako
tumalon dito at lumangoy paputa sa ligtas na lugar. Nakalimutan mo yatang maari akong
mabuhay sa tubig o sa kati man. Ayoko lang na iwan kang mag-isa sa puno ng saging na ito.”
Biglang namutla at parang binuhusan ng malamig na tubig ang palalong unggoy.

Mga Tanong:

1. Ano ang pamagat ng pabula?


2. Sino-sino ang mga tauhan sa pabula?
3. Anon ang madalas nangyayari sa magkaibigan?
4. Saan naanod ang dalawa nang sumapit ang masamang panahon?
5. Bakit gumuguho ang bundok?
6. Batay sa mga pangyayari sa kuwento, ilarawan si pagong/unggoy.
7. Sinong tauhan ang mas gugustuhin mo, si pagong o si unggoy? Bakit?
Apendiks 3
Araw 1, Baitang 5 Filipino 56/Q1/W1

Basahin ang balita at sagutin ang mga suusunod na tanong.

Isang Lunes ng hapon, buwan ng Nobyembre, masayang tumanggap ng bag an mag-


aaral sa Ikalimang baiting mula sa alkalde ng Lungsod ng Maynila, na si Mayor Lito Atienza.
Kasama niya ang tagapamanihala ng Sangay ng mga Paaralang Lungsod na si Dr. Paraluman
Giron at katulong na tagapamanihala, si Gng. Marilou Qui Ñones. Ginanap ito sa Social Hall
ng Paaralang M. Hizon. Pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga mag-aaral na pinagkaloban
ng bag.

Mga Tanong:
1. Ano ang ipinamigay sa mga mag-aaral?
2. Sino ang nagkaloob n mga ito?
3. Kailan at saan naganap ang pamimigay ng bag?
4. Sino-sino ang mga kasama ng alkalde ng araw na iyon?
5. Ano ang naging ganti ng mga mag-aaral sa kabutihan ng alkalde.
6. Anon ang naging damdamin o saloobin ng mga mag-aaral?
Apendiks 4
Araw 1, Baitang 6 Filipino 56/Q1/W1

Gawain: Basahin ang balita at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Balikbayan,Dagsa sa NAIA

MANILA, Philippines-Libo-libong mga Pinoy balikbayan,OFWs, at mga tourists ang


nagsidatingan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa kanilang Christmas
Vacation.

Ayon sa ulat, may 200,000 pasahero galling sa ibat-ibang lugar ang nagsiuwi mula
noong December 1-7 na karamihan ay pawing mga balikbayan.

“You can see it for yourself that there are long lines of passengers everyday at the
immigration arrival despite some 22 immigration officers at the counter s to fascilitate the
stamping of their passports,”ayon sa ulat.

Halos nahihirapan na rin ang ilang balikbayan sa paghihintay ng mga pushcart na


gagamitin para lagyan ng kanilamg mga bagahe sa dami ng mga pasaherong dumating sa mga
terminal ng paliparan.

Gayunman, ligtas ang lahat ng pasaherong dumating at umalis sa NAIA kung mga
salisi gang at iba pang criminal ang pag-uusapan dahil dinoble ang mga security personnel
dito.

-Mula sa Pilipino Star Ngayon.Retrieved:Dec. 8, 2010,Butch Quejada


Web site:http;//www.philstar.com/

Article.aspax?articleld=637114&publicationSubCategory=92

Mga Tanong:

1. Ano ang nangyari sa NAIA?


2. Sino-sino ang dumagsa sa NAIA?
3. Saan sila nahirapan pagdating sa NAIA?
4. Kailan dumagsa ang mga pasahero sa NAIA?
5. Bakit dumagsa ang mga pasahero sa NAIA?
6. Paano natulunga ng pamunuan ng NAIA ang kaligtasan ng mga
balikbayan?

Apendiks 5
Araw 1, Baitang 5 Filipino 56/Q1/W1

Rubriks sa Gawain

Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi


GaanongMahusay

(5puntos) (3puntos) (2puntos


Maliwanag ang pagbigkas
Malikhain ang pagkakagawa

Kawili-wiliangpagtatanghal

Kabuuan:
Apendiks 6
Araw 2, Baitang 5&6 Filipino 56/Q1/W1

Isang Anunsiyo sa Pahayagan

Kasalukuyang nagbabasa ng pahayagan si Ahmed, tubong Cotabato at nabibilang sa


tribo ng T’boli. Natuon ang kanyang paningin sa isang anunsyo sa pahayagang Bukang
Liwayway na nagsasaad ng ganito.

NANGANGAILANGAN:

Tagagawa ng Alahas

18-25 taong gulang.

Masipag, mabait at

Mapagkakatiwalaan.

Stay-in

Makipagkita kay:

Gng. Ruby Brilliantes

719 Kalye Saniro

Batu-Bato, Bulacan

“Tiya! Tiya!” ang sumusugod na tawag no Ahmed sa kanyang Tiya Agnes na nasa
kusina.

“Bakit, Ahmed? Ano’t ikaw ay sumusugod?” ang tanong ni Tiya Agnes.

“Pakitingnan po ninyo itong anunsyo sa pahayagan,” ang pakiusap ni Ahmed sabay turo
sa nabasa sa diyaryo.
“Interesado po ako, Tiya,” ang wika ni Ahmed.

“Bakit nga hindi mo subukan?”ang tugon ni Tiya Agnes.

“Labing-siyam na taong gulang ka, tapos ng hayskul, matatas magsalita ng Tagalog


kahit ilang buwan ka pa lamang ditto sa Maynila at higit sa lahat, masipag, mabait at
mapagkakatiwalaan sa mga gawain.”

“Bukas na bukas din ay akin pong pupuntahan,” ang wika ni Ahmed.

“Hayaan mo’t pasasamahan kita sa pinsan mong si Lita upang iyong matunton ang lugar na
iyan,” ang pangako ni Tiya Agnes.

“Marami pong salamat, Tiya,” ang nasambit ni Ahmed.

Mga Tanong:

1. Sino si Ahmed? Ilarawan siya.


2. Tungkol saan ang nabasa ni Ahmed sa pahayagan?
3. Ano-anong katangian ang hinahanap sa anunsyo?
4. Sa palagay mo, matatangap kaya si Ahmed?
5. Sa paghahanap ng trabaho, ano-anong kaugalian ang dapat pairalin?
6. Sa anong bahagi ng pahayagan nabasa ni Ahmed ang pangangailangan sa
hanapbuhay?

Punan ang tsart ng mga kinakailangang impormasyon mula sa anunsiyo.

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari


Apendiks 7
Araw 2, Baitang 5&6 Filipino 56/Q1/W1

I. Bilugan ang pangngalan sa pangungusap at isulat sa patlang kung tao, bagay,


hayop, lugar opangyayari.

________________1. Inilagay ko sa mesa ang binili ko.


________________2. Pinayuhan ng ministro ang mga naniniwala sa kanya.
________________3. Masaya nilang sinalubong ang Bagong Taon.
________________4. Nakarating kami sa Montalban, Rizal.
________________5. Dumalo kami sa isang kasalan kahapon.

II. Salungguhitan ang wastong panghalip ang sumusunod na talata.

(Ako,Ikaw) ba’y laging nananaginip? (Ako, Ikaw, siya) ay may panaginip


kagabi. (Tayo, Sila, Kami) raw na (aking, iyong, kanilang) ama ay namingwit sa
ilog. Tuwang-tuwa (sila, ikaw,ako) sa dami ng (iyong, aking, aming) nahuli. May
isang malaking isda ang biglang nakawala sa (iyo, iyan, doon) ngunit pumusad
patungo sa tubig. Bigla (kong, mong, niyang) dinakma ngunit nawalan (ako, ikaw,
kayo) ng panimbang at napaupo sa tubig. Malalim pala (ito, iyon, dito) kaya’t
(ako,ikaw,kayo) ay napahiga sa tubig. Sisainghap-singhap akong itinayo ng (iyong,
inyong, aking) ama. Akala (ko,mo,niyo) ay katapusan ko na.
Apendiks 8
Araw 2, Baitang 5 Filipino 56/Q1/W1

Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar . Bilugan
ang sagot.

1. Inalok niyang bilhin ang sangang hugis-puso.


(Inangkin, Isinama,Iipinakiusap)

2. Parang paglapastangan iyon sa Poon.


(pagmamahal, paglabag, pag-alipusta)

3. Nais ng lalaki na maangkin ang hugis krus na sanga ng punongkahoy.


(makuha, mawala, maipagmalaki)

4. Napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sangang hugis krus.


(Nagsitutol, Nag-away-away, Napagkasunduan)

5. Binendisyunan ng pari ang punongkahoy.


(Binasbasan, Bininyagan, Biniyayaan)

Apendiks 9
Araw 2, Baitang 6 Filipino 56/Q1/W1
Rubriks sa Gawain

Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi


GaanongMahusay

(5puntos) (3puntos) (2puntos


Maliwanag ang pagbigkas
Malikhain ang pagkakagawa

Kawili-wiliangpagtatanghal

Kabuuan:

Apendiks 10
Araw 3, Baitang 5 Filipino 56/Q1/W1

Abangan!
1997-1998 PALIGSAHAN SA KASAYSAYAN

Pambansang Pagsusulit sa Kasaysayan


Ng Bayan mula 1872-1906

Gunitain ang kasaysayan ng


ating bayan sa nalalapit na1997-1998
Paligsahan sa Kasaysayan.

Gaganapin sa ikaaaanim ng Marso


1998 mula ika-9 ng umaga hanggang
Ika-12 ng tanghali sa PTV-4 Studio,
Lungsod ng Quezon

Bibigyang-halaga ang mga


kaganapan sa Rebolusyong Pilipino,
ang Sentenaryo ni Gat. Andres
Bonifacio at ng Katipunan at mga
Iba pang kaanapan patungo sa
Proklamasyon ng ating kalayaan.

Ipagdiwang ang Sentenaryo ng Kalayaan!


Isabuhay ang diwang Pilipino!

Mga Tanong:

1. Ano ang gugunitain n gating bayan?


2. Ano ang magaganap sa nasabing okasyon?
3. Saan at kalian ito gaganapin?
4. Ano ang bibigyang-halaga sa nasabing okasyon?

Apendiks 11
Araw 3, Baitang 6 Filipino 56/Q1/W1

Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Pista saAming Bayan


Tuwing Mayo 1 ng bawat taon ay ipinagdiriwang sa lalawigan ng Nueva Ecija ang
pistang bayan ng Gapan City. Ang mga patron ng siyudad ay ang Divina Pastora at Tatlong
Hari. Marami sa mga magsasaka ang kasama sa parada. Nakasakay sila sa mga kalabaw. Ilan
sa mga sumamang kariton ay may mga bigkis ng palay at buwig ng saging na palamuti. Ang
nakahihigit ay traktora at mga trak ng palay.
Ang Gapan ay unang bayan ng Nueva Ecija, Lungsod na ito ngayon. Pagsasaka ang
pangunahing pangkabuhayan ng mga tao. Naniniwala sila na ang patrona, Divina Pastora ay
nagbibigay proteksyon sa mga naninirahan dito. Ang patrona ay milagrosa. Ang pista ng
Gapan ay dinarayo ng mga tao sa kalapit bayan at lungsod.

Mga Tanong:
1. Anong bayan sa Nueva Ecija ang nagdiriwang ng pista tuwing Mayo 1 ?
2. Sino-sino ang mga patron ng siyudad?
3. Paano ipinagdiriwang ng mga tao ang kapistahan sa siyudad na ito?
4. Ganyan din ba kayo magdiwang ng pista?

Apendiks 12
Araw 3, Baitang 5 Filipino 56/Q1/W1

Rubriks saPagsulat ng Patalastas

Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi


Gaanong
Mahusay
(5 puntos) (3 puntos) (2 puntos
Kumpleto ang impormasyong
inilahad sa patalastas

Malinaw ang pagbibigay ng


impormasyon

Maayos at malinis ang


pagkakasulat

Kabuuan:

Apendiks 13
Araw 3, Baitang 5 Filipino 56/Q1/W1

Rubriks sa Pagsipi ng Talata

Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi


Gaanong
Mahusay
(5 puntos) (3 puntos) (2 puntos
Sinunod ang mga pamantayan sa
pagsulat (bantas, kapitalisasyin,
indensyon)

Maayos at malinis ang


pagkakasulat
Kabuuan:

Apendiks 14
Araw 3, Baitang 5 Filipino 56/Q1/W1

I. Piliin ang angkop na pangngalan na bubuo sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot
sa patlang.

Monggol Luneta Park

Ibon Linggo

guro

1. Mabait ang aking ___________ na si Gng. Cruz.


2. Nagsisimba ako tuwing araw ng ____________.
3. Masarap mamasyan sa _____________.
4. Ang ____________ ay masayang umaawit sa sanga ng isang puno.
5. Ang gamit kong lapis ay ____________.

II. Palitan ng panghalip ang mga nasalunguhitang pangngalan.


____________1. Si Rosalinda ang napiling pinakamahusay.
____________2. Nagluto sina Nena at Neneng ng adobong manok.
____________3. Aani ikaw, ang tatay ko at ako ng pananim sa bukid.
____________4. Ang mag-anak na Llanes ay patungong Espanya.
____________5. Ibig ng ama na ang magkakapatid ay mag-aral na mabuti.

III. Bilugan ang kahulugan ng nasalungguhitang salita.


1. Napakakisig ng prinsipe sa kanyang maganda at lapat na lapat na kasuotan.
(mayaman, malusog, magandang lalaki)
2. Maraming masarap na pagkaing inihanda sa piging para sa anak ng sultan.
(panauhin, handaan, palatuntunan)
3. Ang tumangay kay Sari ay hindi na nakita pang muli.
(kumuha, nanligaw, humanga)
4. Sa malawak nilang lupain ay may pananim na palay.
(malalim, malayo, maluwang)
5. Maganda, matibay at mamahalin talaga ang marangyang sasakyan ng prinsipe.
(marami, mabango, magara)

Apendiks 15
Araw 3, Baitang 6 Filipino 56/Q1/W1

I. Piliin ang angkop na pangngalan na bubuo sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot
sa patlang.

Monggol Luneta Park

Ibon Linggo

guro

6. Mabait ang aking ___________ na si Gng. Cruz.


7. Nagsisimba ako tuwing araw ng ____________.
8. Masarap mamasyan sa _____________.
9. Ang ____________ ay masayang umaawit sa sanga ng isang puno.
10. Ang gamit kong lapis ay ____________.

II. Palitan ng panghalip ang mga nasalunguhitang pangngalan.

____________1. Si Rosalinda ang napiling pinakamahusay.


____________2. Nagluto sina Nena at Neneng ng adobong manok.
____________3. Aani ikaw, ang tatay ko at ako ng pananim sa bukid.
____________4. Ang mag-anak na Llanes ay patungong Espanya.
____________5. Ibig ng ama na ang magkakapatid ay mag-aral na mabuti.

III. Sipiin sa isang buong papel ang talata sa ibaba. Sundin ang mga pamantayan sa
pagsulat.
Tradisyon ng mga Pilipino

Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan.Ang


bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang
pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang tradisyon natin ay ang bayanihan.
Ang bayanihan ay ang pagtutulunagan ng mga tao para sa isang gawain.
May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo
na sa mga lalawigan.

You might also like