You are on page 1of 25

Prepared by:

CONIE U. LACARA
Lesson Plans for Multigrade Classes BICUD ES
Grades V and VI LAL-LO SOUTH DISTRICT

Learning Area:Filipino Quarter: 2 Week: 2


Grade Level Grade 5 Grade 6
Pamantayang Pakikinig Pakikinig
Pangnilalaman Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring
pakikinig at pag-unawa sa napakinggan. pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.

Wikang Binibigkas/Gramatika(Kayarian ng Wika) Wikang Binibigkas/Gramatika/Kayarian ng Wika)


Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita
sa pagpapahayag ng salitang ideya, kaisipan, at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin. karanasan at damdamin.

Pag-unlad ng Talasalitaan/ Pag-unawa sa Binasa Pag-unlad ng Talasalitaan/Pag-unawa sa Binasa


Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa ibat ibang
uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan.

Estratehiya sa Pag-aaral Estratehiya sa Pag-aaral


Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang Naipapamalas ang ibat ibang kasanayan upang
maunawaan ang iba’t ibang teksto maunawaan ang ibat-ibang teksto.

Pagsulat Pagsulat
Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng ibat ibang
uri ng sulatin uri ng sulatin.

Panonood Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan


Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa
ng iba’t ibang uri ng media paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng ibat
ibang uri ng apanitikan
Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan
Naipapamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa
paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng
iba’t ibang uri ng panitikan
Pamantayan sa Pakikinig Pakikinig
Pagganap Nakapagbibigay ng sariling pamagat para sa Nakagagawa ng dayagram, diyorama at likhang sining
napakinggang kwento at pagsasagawa ng roundtable batay sa isyu/paksangnapakinggan
na pag-uusap tungkol sa isyu o paksang napakinggan
Wikang Binibigkas/Gramatika
Wikang Binibigkas/Gramatika Nakagagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang paksa bigkas, reader’s theatre o dula-dulaan

Pag-unlad ng Talasalitaan/Pag-unawa sa Binasa Pag-unlad ng Talasalitaan/Pag-unawa sa Binasa


Nakapagsasagawa ng readers’ theatre Naiguguhit ang mensahe ng binasang teksto o
makagagawa ng orihinal na kanta batay sa mensahe
Estratehiya sa Pag-aaral ng binasang teksto.
Nakapagtatala ng mga kailangang impormasyon o
datos Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang ibat ibang babasahin ayon sa
Pagsulat pangangailangan.
Nakasusulat ng isang talata tungkol sa isang isyu o
paksa Pagsulat
Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting o
Panonood teleradyo, editorial, lathalain o balita.
Nakagagawa ng movie trailer para sa maikling
pelikulang napanood Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan
Napapahalagahan ang wika at panitikan sa
Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan,
Napahahalagahan ang wika at panitikan sa paghiram sa aklatan, pagkukwento, pagsulat ng tula at
pamamagitan ng pagsali sa mga usapan at talakayan, kanta.
pagkukuwento, pagsulat ng sariling tula, talata o
kwento

Kompetensi
Wikang Binibigkas Pakikinig
F5PS-IIb-12.1 F6PN-IIb-4
Nailalarawan ang tauhan batay sa kilos at pagsasalita Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang
teksto
Gramatika (Kayarian ng Wika)
F5WG-IIb-5.2 Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa F0L-IIabcde-4
panahunan sa pagsasalaysay tungkol sa tradisyon at sa Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan
iba’t ibang okasyon sa iba’t ibang sitwasyon

Pag-unlad ng Talasalitaan Pag-unlad ng talasalitaan


F5PT-IIab-8 F6V-IIb-4.2
Nagagamit ang mga bagong salitang natutunan sa Nabibigyang kahulugan ang salitang hiram
usapan
Pag-unawa sa binasa
Pag-unawa sa Binasa F6RC-IIb-10
F5PB-IIb-3.2 Nasasabi ang paksa sa binasang sanaysay
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano
Estratehiya sa pag-aaral
Estratehiya sa Pag-aaral Nakapagtatala ng datos mula sa binasang teksto
Nakasusulat ng balangkas ng binasang teksto sa
anyong pangungusap o paksa Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan
F4A00-3
Pagsulat Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at
F5PU-IIbf-2.1 kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o
Nakasusulat ng isang pagsasalaysay nabasa

Panonood
F5PD-IIbd-12
Naipakikita ang pag-unawa sa pinanood sa
pamamagitan ng pagguhit

Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan


F5PL-Oa-j-3
Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at
kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o
nabasa

Unang Araw
Layunin ng Aralin  Nailalarawan ang tauhan batay sa kilos at
pagsasalita  Naiuugnay ang sariling karanasan sa
napakinggang teksto
 Nagagamit ang mga bagong salitang natutunan
 Nasasabi ang paksa sa binasang sanaysay
sa usapan
 Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano
 Nabibigyang kahulugan ang salitang hiram

Paksang Aralin  Paglalarawan ng mga tauhan batay sa kilos at  Pag-uugnay ng sariling karanasan sa
pagsasalita napakinggang teksto
 Paggamit ng mga bagong salitang natutunan sa  Pagsasabi ng paksa sa binasang sanaysay
usapan  Pagbibigay kahulugan ng mga salitang hiram
 Pagsagot sa mga tanong na bakit at paano

Kagamitang Panturo TM, TG, BOW, (others) TM, TG, BOW, (others)
Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):
Methodology:
Use letter icons to show  Whole Class  Grade Groups
methodology and describe the parts of the lesson (for example the  Ability Groups
assessment activities introduction), where you may address the  Friendship Groups
whole class as one group  Other (specify)
DT Direct Teaching  Mixed Ability Groups  Combination of Above
Teaching, Learning and Assessment Activities
GW Group Work WHOLE CLASS ACTIVITY
W A. Tatanungin ang mga bata kung nakadalo na sila sa ilang handaan
IL Independent Learning B. Itanong: Ano-ano ang mga lumang laro na ginagawa pa hanggang ngayon?
C. Pamantayan sa pakikinig ng kwento
A Assessment D.Pagbasa sa kwentong “Masayang Handaan” ( Apendiks 1)
E. Ano-anong kaugaliang Pilipino ang ipinamalas ng pamilya sa kwento?
F.Pagkilala sa mga bagong salita na hango sa kwento

DT GW
Pagtatalakay Gawain:
1. Anong tuntunin sa laro ang nilabag ni  Bumuo ng dalawang pangkat.
Mila  Bumuo ng maikling dula-dulaan tungkol sa
2 Bakit dapat ingatan at alagaan ang mga isang karanasang may kaugnayan sa kwento
halaman?  Gumamit ng rubriks sa pag-uugnay
3. Ilarawan ang mga tauhan sa kwento ( Apendiks 3)
( Apendiks 2)
IL DT
Fast learnear  Ano ang pangunahing paksa sa napakinggang
Pumili ng limang (10) bagong salita na narinig sa kwento?
kwento at gamitin ito sa pangungusap  Pagbibigay kahulugan sa salitang hiram
Slow learner  Pagbibigay halimbawa ng mga salitang hiram
Piliin sa kahon ang tamang salita na angkop sa
pangungusap (Apendiks 4)

Paglalagom
Ano ang ipinakitang pag-uugali ng mga tauhan sa kwento? Makikita pa ba sa panahon ngayon?

Mga Tala
Pagninilay
Ikalawang Araw
Layunin ng Aralin Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan
panahunan sa pagsasalaysay tungkol sa tradisyon at sa sa iba’t ibang sitwasyon
iba’t ibang okasyon

Paksang Aralin  Paggamit ng wasto ng pandiwa ayon sa  Paggamit nang wasto ang pang-uri sa

panahunan sa pagsasalaysay tungkol sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon


tradisyon at sa iba’t ibang okasyon

Kagamitang Panturo TM, TG, BOW, tsart TM, TG, BOW,


Pamamaraan Teaching, Learning and Assessment Activities
WHOLE CLASS ACTIVITY
 Balik-aralan ang mga salitang hiram na hango sa kwento.
 Gamitin sa sariling pangungusap
 Magpakita ng mga larawan. (Apendiks 5)
 Ipatukoy ang mga salitang kilos
 Ilarawan ang mga larawan

DT IL
 Talakayin ang pandiwa sa kwento  Sa loob ng klasrum,. pumili ng sampung bagay
 Mula sa kwento, piliin at isulat ang mga na makikita at ilarawan.
pandiwang ginamit  Gumawa ng rubriks sa paglalarawan
(Apendiks 6)

IL DT
(Fast Learners) Ano ang pang-uri?
Punan ng tamang pandiwa ang mga patlang Saan ginagamit ang mga pang-uri?
(Apendiks 7) Magbigay ng halimbawa ng pang-uri na makikita sa
kwentong “Masayang Handaan” at gamitin sa
(Slow Learners) pangungusap
Basahin ang tula.Bilugan ang mga pandiwa
( Apendiks 8)

Paglalagom:
Mga Tala
Pagninilay
Ikatlong Araw
Layunin ng Aralin
Nasasagot ang Lingguhang Pagsusulit nang may 80% pagkatuto

Paksang Aralin

Kagamitang Panturo Mga Kagamitan sa Pagsusulit

Pamamaraan Teaching, Learning and Assessment Activities


WHOLE CLASS ACTIVITY

Sabihin sa mga mag-aaral ang mga pamantayan ng pagsusulit

Apendiks 9 Apendiks 10

Mga Tala
Pagninilay
REFERENCES
Grade V Grade VI
Hiyas sa Wika 5 Hiyas sa Wika 5

Hiyas sa Pagbasa 5 Hiyas sa Pagbasa 5

Hiyas sa Wika 6 Hiyas sa Wika 6

Landas sa Pagbasa 6 Landas sa Pagbasa 6

Landas sa Wika 6 Landas sa Wika 6

Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5 Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5

Prepared by: Checked by: Validated by:

CONIE U. LACARA PAZ P. PINERA, Ed. D JOSE M. MATAMMU,Ph. D


Teacher-3 Head Teacher 3 EPS-Filipino/Division MG Coordinator
Apendiks 1
Unang Araw, Baitang 5 6 Filipino56/Q2/W2

Makinig nang mabuti sa babasahin kong kwento. Tukuyin ang mga


kaugaliang Pilipinong ipinamalas ng pamilya.

Masayang Handaan
Araw ng Sabado. Hapon nang dumating sa Mervilla Tanza ang
mag-anak ni Mang Reynaldo.
“Bakit ngayon lang kayo?” tanong ni Tiya Amparo. “Kaninang
umaga pa kayo hinihintay.”
“Hindi kasi kami makaalis dahil sa dumating sina Tiya belen at Tiyo
Amado,” sagot ni Aling Nelia.
“Sana isinama na ninyo rito,” sabi ni Tiyo Carding.
“Isinasama nga naming,” tugon ni Aling Nelia. “Pero may ilalakad
daw silang papeles. Kasi babalik na sila sa Amerika. Papasyal na lang
daw sila rito sa ibang araw bago sila umalis.”
Nang dumilim na, nagyaya si Mirriam na maglaro sila sa bakuran.
“Inay, doon po kami maglalaro sa bakuran.” Sabi ni Mirriam. “Mainam
pong maglaro doon dahil maliwanag ang buwan.”
“Kasama ba ang Kuya Ronnie at Diko Rodel mo?” tanong ni Tiya
Amparo.
“Sasamahan na lang po namin sila,” sagot ni Ronnie na naroon
sa malapit. “Malalaki nap o kami para maglaro ng larong ibig namin.”
“Ano bang laro ang ibig ng mga bata?” tanong ni Tiya Amparo.
Si Mirriam ang sumagot. “Taguan po ang ibig ni Mila.” O sige pero
huwag lamang ninyong sisirain ang mga halaman ha? Dapat ingatan
at alagaan ang mga halaman sapagkat nagpapaganda ang mga ito
sa mga paligid.”
“Hayaan po ninyo, inay.” Sabi ni Rodel. “Ako ang magbabantay
para hindi masira ang mga ito.”
Nag jack enpoy sina Mila, Mirria, Pablito at Junior. Si Junior ang
naging taya. Nagtakip siya ng mata habang nagtatago ang iba.
Matapos makabilang hanggang sampung beses nagsimula nang
maghanap si Junior.
“Pung!,” sigaw ni Junior nang Makita si Pablito sa likod ng isang
malaking puno.
“Pung!, ate Mirriam” muling sigaw ni Junior nang matagpuan si
Mirriam sa likod ng dram sa labahan.
Tanging si Mila lamang ang hindi Makita ni Junior.
“Mila, huwag kang lalabas!” sigaw ni Pablito. “Iligtas mo kami ate
Mila.”
“Saan kaya nagtago si ate Mila?” tanong ni Junior. “Usapan
walang magtatago nang lampas sa puno ng santol. Ang magtago
nang lampas diyan, siya ang magiging taya.”
Walang ano-ano, isang malakas na tili ang narinig mula sa
sagingan.
“Ahas, Ahas!” sigaw ni Mila na patakbong lumabas sa sagingan.
Humihingal ito at mapulang-mapula.
Dali-daling lumabas sa bahay sina Tiyo Carding at Mang
Reynaldo na may dalang flashlight at gulok. Nagpunta sila sa
sagingang pinagmulan ni Mila.
“Wala namang tuklaw ng ahas ,” sabi ni Aling nelia. “At saka
hindi magkakaahas diyan dahil malinis na malinis ang bakuran,” sabi ni
Tiya Amparo.
Walang ano-anong nagbalik ang Tiyo Carding at Mang
Reynaldo.
“Walang ahas,” sabi ni Mang Reynaldo. Tiningnan naming ang
lahat ng sulok. Talagang wala.”
“Alam ninyo kung ano ang nakita naming?” tanong ni Tiyo
Carding at may ipinakita siya.
“Ha,ha,ha,” tawanan ang lahat. “Malaking palaka pala.”
“Siguro tumalon ang palaka sa paa ni Mila,” sabi ni Tiyo Carding.
“Dahil sa malamig ito, nagulat at natakot si Mila. Akala niya ahas.”
“Hayan kasi hindi sumusunod sa tuntunin ng laro,” sabad ni Junior.
Kinabukasan abala ang lahat sa handaan sa bakuran. Nagluto
sina Tiya Amparo at Aling Nelia ng fried chicken, pansit, macaroni at
sopas. Nagtimpla ng pineapple juice si Mang Reynaldo. Tulung-tulong
namang nag-ihaw ng barbecue sina Tiyo Carding, Ronnie at Rodel.
Nag-ihaw naman ng tinuhog na sausage sina Mirriam at Mila.
Noong oras nan g tanghalian, kanya-kanyang kuha sila ng
pagkain sa mesa. Siyang pagdating nina Tiyo Benny at Tiya Beth.
Kapatid ni Tiyo Benny si Tiyo Carding at Aling nelia.
“Bakit ngayon lang kayo?” tanong ni Tiya Amparo. “Kahapon pa
namin kayo hinihintay.”
“Kararating lang namin,” sagot ni Tiyo Benny. “Galing kami sa
Bataan.”
“Wow, ice cream!” sigaw ni Junior nang alisin sa supot ni Tiya Beth
ang dalang lalagyan. “Hindi ice cream ito,” sabi ni Tiyo Benny at
binuksan niya ang lalagyan. “Ay fruit salad pala, ilagay ko muna sa
refrigerator.
Apendiks 2
Unang Araw, Baitang 5 Filipino56/Q2/W2

Ilarawan ang tauhan sa kwento batay sa kanilang katangian

Tiya Amparo

Tiyo Carding

Junior

Ronnie

Mila

Pablito
Apendiks 3
Unang Araw, Baitang 6 Filipino56/Q2/W2

Rubriks sa Gawain

Dula-Dulaan

Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi


Gaanong
Mahusay
(5 puntos) (3 puntos) (2 puntos
Malinaw ang pagbigkas ng mga
dayalogo at katamtaman ang
lakas ng tinig na dinig buong silid

Naiuugnay sa sariling karanasan


ang ipapakita

Maayos ang pagtatanghal ng


mga bata

Maayos ang blocking ng mga


tauhan at pagpapalit-palit ng
eksena.

Kawili-wili ang pagtatanghal

Kabuuan:
Apendiks 4
Unang Araw, Baitang 5 Filipino56/Q2/W2

Piliin sa kahon ang angkop na salita sa pangungusap

cellphone generator spaghetti aircon

computer rush hour cable siopao

internet LRT ice cream

1. May bagong __________ si Norman na dumating kahapon.

2. Kailangan natin ang __________ kung mawalan tayo ng kuryente.

3. Isang bagong modelo ng ___________ ni Bong ang binili ng kanyang mga


magulang.

4. Mahirap sumakay ng bus at _____ kung hapon na.

5. Sobrang hirap makipagsiksikan sa groserya kung _________ na.

6. Masarap kainin ang _____ lalo na kung mainit.

7. Hindi nawawala ang handang ____________ dahil pampahaba daw ng


buhay.

8. Marami ang mapapanood sa telebisyon kung may _________ ito.

9. Kadalasang ginagamit ang __________ kung tag-init.

10. Hindi maramdaman at malasahan ang sarap ng ________ kung panahon


ito ng taglamig.
Apendiks 5
Ikalawang Araw, Baitang 5 Filipino56/Q2/W2

Mga kilos
Apendiks 6
Ikalawang Araw, Baitang 6 Filipino56/Q2/W2

Rubriks sa Gawain

Pagtatala ng mga Pang-uri

Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi


Gaanong
Mahusay
(5 puntos) (3 puntos) (2 puntos
Mahusay na nakasusulat ng
limang bagay sa paligid at
inilarawan ito
Nakasusulat ng apat na bagay
sa paligid at inilarawan ito
Nakasusulat ng tatlong bagay
sa paligid at inilarawan ito
Nakasusulat ng dalawang
bagay sa paligid at hindi
inilarawan ito
Nakasusulat ng isang bagay sa
paligid at hindi inilarawan ito

Kabuuan:
Apendiks 7
Ikalawang Araw, Baitang 5 Filipino56/Q2/W2

Punan ng tamang pandiwa ang mga patlang

Si Heneral Miguel Malvar

(kilala) __________ ng kasaysayan si Heneral Miguel Malvar bilang


isang pinakamatapang na heneral noong himagsikan . (silang) ________
siya sa Sto. Tomas, Batangas noong ika-27 ng Setyembre, 1865. Siya ang
(puno) ________ sa mga maghihimagsik na (taboy) _________ sa mga
Espanyol mula sa kanyang lalawigan.
Si Heneral Malvar ang (puno) ______ sa lahat ng mga
maghihimagsik pagkatapos (dakip) _____________ ng mga Amerikano si
Heneral Aguinaldo. (tuloy)________ niya ang paglaban at kung kaya
lamang (suko) __________ ay dahil sa mahigpit na pakiusap ng mga
kaibigan. Siya ang pinakahuling heneral na (suko) _____________. Ngunit
hindi siya (tapon) ___________ sa Guam tulad ng iba pang mga lider ng
himagsikan.
Apendiks 8
Ikalawang Araw, Baitang 5 Filipino56/Q2/W2

Basahin ang tula. Bilugan ang mga pandiwa

PAKAMAHALIN NATIN

Pag-ibig ng ina sa anak na irog,


Walang makahihigit, walang makatutumbas;
Ginto man o pilak di ko ipagpapalit,
Kay nanay na mapagmahal at mapagpakasakit.

Kalinga ni Inay sa munting paslit,


Walang pagsasawa lalo na’t may sakit;
Puyat at pagod kanyang tinitiis,
Gumaling lamang si bunsong makulit.

Pag-ibig ni Itay sa kanyang mag-anak,


Walang pagkukunwari at sa puso’y tapat;
Gaano mang hirap kanyang binabalikat,
Nang kabuhayan ng mag-anak ay maging sapat.
Lahat ng magulang walang masamang nasa,
Kundi maging uliran mga anak na sinta.
Busog sa pangaral, pagmamahal, at paalala;
Nang lumaking marangal, buhay ay sumagana.

Kaya mga katoto dapat nating mahalin,


Mga magulang natin buong taimtim;
Igalang at mahalin buong paggiliw,
At kung tumanda’y aalagaan din
Apendiks 9
Ikatlong Araw, Baitang 5 Filipino56/Q2/W2

Basahin ang talambuhay

Henerala Nay Isa


(Talambuhay)

Ayon sa kasaysayan, maliit pa lamang na bata si nay Isa ay kinakitaan


nan g kakayahang mamuno, lakas ng loob, at katapangan. Karaniwan ng
makikita na siya ay kasa-kasama ng kaniyang mga kapatid at kapitbahay na
lalaki. Siya ang lider ng mga batang lalaki sa kanilang paglalaro, paliligo sa
ilog at dagat, sa pag-akyat sa puno, sa paninirador ng ibon, at sa
pangangabayo.
Matalino si Nay Isa sa pag-aaral. Nakatapos siya ng pagkaguro.
Nagturo siya ng ilang taon sa kanilang lugar sa pototan, Iloilo. Nakilala siyang
mahusay ngunit mahigpit na guro. Ikinasal siya sa isang nakaririwasang
magsasaka, kay Alejandro Baldera. Iniwan niya ang pagtuturo at sumama
siya sa kaniyang asawa sa bukid. Naging mapagmahal at matapat siyang
asawa.
Sa kanyang malayang oras, nagsasanay siyang humawak at
magpaputok ng baril. Tahimik at masagana silang namumuhay sa bukid ng
sumiklab sa Iloilo ang himagsikan ng mga Pilipino laban sa Espanyol.
Nagpunta si Nay Isa sa kuta ng mga naghihimagsik sa bundok upang
sumanib sa kilusan laban sa pamahalaang Espanyol. Sinabi niyang kailangan
ng bayan ang mga babaeng may kakayahang makipaglaban tulad ng mga
lalaki. Humanga si heneral Poblador sa kaniyang tapang. Binigyan siya ng
sandata at mga tauhan.
Walang takot siyang nakipaglaban at dahil sa bilis at husay humawak
ng sandata, si nay Isa ay hinirang na pinuno ng isang batalyong
rebolusyonaryo. Mula noon, sunod-sunod na nabawi ng mga naghihimagsik
na Pilipino sa pamamahala ni nay Isa ang iba’t ibang bayan sa pulo ng
Panay. Natanyag at hinangaan sa mga bayan-bayan sa pulo ng Panay ang
ngalang Henerala Nay Isa. Isa siyang dakilang Pilipina na humawak ng
sandata alang-alang sa bayan.
Noong 1900, napasailalim ang buong pilipinas sa pamamahala ng mga
Amerikano. Nagbalik sa Pototan, Iloilo si Nay Isa sa piling ng kaniyang asawa.
Namuhay na muli nang tahimik sa kanilang bukid ang matapang at
matalinong Henerala Nay Isa na walang iba kundi si Teresa Magbanua, ang
pangalawa saw along anak ng mag-asawang nakaririwasa na sina G. Juan
Magbanua at Gng. Alejandra Ferreira Magbanua.
A. Alin sa mga salita sa kahon ang naglalarawan kay Nay Isa? Bilugan ang
mga ito

dukha malakas mapagmahal

mapusok matalino malakas ang loob

matapang piyanista mahusay magturo

makabayan may disiplina matapat na asawa

nakaririwasa mambabatas kurakot


B. Punan ng wastong pandiwa ang talata

Bago pa man (dating)____________ ang mga Espanyol sa bansa,


ang ating mga ninuno ay may sariling wikang (gamit)___________..
(Sabi)_______________ na ang Tagalog ang may pinakamayamang
katangian sapagkat nagtataglay ito ng mga katangian ng ibang wika
sa daigdig, kabilang na ang Latin at kastila. (Lagay) __________ na ito
ang dahilan kung bakit (pili)_____________ batayan ng Wikang
Pambansang Tagalog. (Sikap) _____________ ng pamahalaan na
(ganap)____________ ang pambansang wika. (Gamit) _____________ ito
sa iba’t ibang sangay. Patuloy itong (turo) _______ sa mga paaralan
upang lalo itong mapagyaman .
Apendiks 10
Ikatlong Araw, Baitang 6 Filipino56/Q2/W2

Bilugan ang pang-uring ginamit sa paglalarawan ng sitwasyon.

ANG BAYAN NG MARIKINA

Ang Marikina ay tanyag sa pagiging pangunahing pagawaan ng


sapatos kaya hindi nakapagtataka kung ditto matatagpuan ang
pinakamalaking bilang ng mga mamimili sa lahat ng dako sa Pilipinas. Ang
mga taong buhat sa mga malalayong lugarpumupunta rito upang makabili
ng mga matitibay at magagandang uri ng sapatos. Naniniwala silang higit na
mura ang halaga nito kaysa sa mga department store o ibapang pamilihan.
Naiiba ang takbo ng bilihan sa mga malalaking tindahan. Higit na
mahal ang halag ngmga sapatos dahil ang mga ito ay galing pa sa ibang
bansa. Magsintibay at magkasingganda ang pagkakagawa kaya
napagkakamalang gawa ang mga ito sa Marikina.
Ang nakapagtataka sa ilan nating mga kababayan, bumibili sila ng
mga sapatos kahit di-gaanong maganda at mahal pa basta’t galing sa
ibang bansa. Kung ang pag-uusapan naman ang ganda at tibay hindi
pahuhuli ang gawangmarikina at di masyadong mahal pa. katunayan, may
isang Ale na nagmamalaki sa nabili niyang sapatos. Ito raw ay galing sa
ibang bansa. Ang nakausap niya ay isang taga-Marikina. Nang tingnan ang
sapatos, nakilala ng huli na gawa niya ito. Napahiya ang ale at ang sabi,
“Paano di-lubhang matukoy kung ang mga sapatos ay gawa rito o sa ibang
bansa. Magsingganda kasi at magsintibay ito tingnan.”
‘Piliin ang mga salitang hiram sa pangkat

1. basketball piko jack en poy patintero

2. pinakbet lumpia spaghetti fax machine

3. shorts pantalon palda saya

4. bus bapor LRT eroplano

5. coach guro generator computer

Basahin ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang kahulugan ng


mga salitang hiram na may salungguhit.

1. Bumili ang tatay ng bagong refrigerator.

a. imbakan ng pagkain b. imbakan ng palay

c. imbakan ng basura d. imbakan ng tubig

2. Pinagbawalan si Betty na magsuot ng slacks sa loob ng paaralan.

a. palda b. blusa c. saya d. pantalon

3. Hilig ni Elvie ang making sa awiting compact disc

a. radyo b. T.V. c. plakang maliit d. tape

4. Maaari bang tikman ang ginawa mong kimohi?

a. minatamis na atsara b. prutas

c. atsara ng mga Koreano d. atsara ng Hapon

5. Ginagamit nila ang generator ng biglang magbrown-out

a. pinagkukunan ng tubig b. pinagkukunan ng kuryente

c. imbakan ng pagkain d. pinagkukunan ng toyong


biglang magbrown-out

a. pinagkukunan ng tubig b. pinagkukunan ng kuryente

c. imbakan ng pagkain d. pinagkukunan ng toyo

You might also like