You are on page 1of 2

Ang wika ay isa sa mga pagkakakilanlan ng isang bansa kung kayat napakahalagang ito ay pagkaingatan at

mahalin ng bawat mamamayang naninirahan dito. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, sinisikap ng ating pamahalaan
katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon na mapanatiling buhay at maalab ang ating pagmamahal sa sarili nating wika,
ang Wikang Filipino kung kaya’t taun-taon ipinagdiriwang ang Buwan ngWika tuwing Agosto bilang pagpupugay na rin
sa Ama ng Wikang Pambansa, si Manuel L. Quezon.
Sinasalamin ng wika ang kabuuan ng ating pagkatao at kultura. Ang anumang wikang katutubo ay paraan ng
pangungusap, dinadala tayo ng ating wika sa tiyak na posisyon.
Sa panahon ng pandemya at kawalang akses sa impormasyon dulot ng panggigipit ng estado, ang wika ay
nagsisilbing boses sa pagsisiwalat. Kinakausap at ipinararating nito ang nakapanlulumong kalagayan ng mga komunidad
sa iba’t ibang panig ng bansa na patuloy na dumaranas ng pasakit dulot ng pandemya.
Ang bawat pahayag na nagmumula sa kani-kanilang damdamin ay naglalarawan sa abang kalagayan ngayong
panahon ng pandemya. Wika ang tumutulay upang mapakinggan ang kanilang hinanging. Hindi lamang simpleng mga
salita ang mga panawagan, isa itong paglalarawan sa realidad at katotohanan. 

Sa taong ito, ang paaralang Mina De Oro Catholic School Inc. ay nakiisa sa buong bansa na ipagdiwang ang
Buwan ng Wika noong Agosto 31, 2021 na may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-
iisip ng mga Pilipino”. Upang maipalamas ang kamalayang kultural at sibiko bilang bahagi ng pambansang
pagkakakilanlan na isa sa mga adhikain ng paaralan na nagtatampok sa ang iba't iba at natatanging kasuotang Filipino at
patimpalak sa pag-awit na ibinida ng piling mag-aaral sa bawat antas.
Malayo sa kinagisnang pagdiriwang ang nangyari sa taong ito sapagkat walang mga batang gaganap at
magtatanghal sa paaralan, subalit sa kabila nito sa pamamagitan ng wikang nagbubuklod ang mga guro sa Filipino ay
naghanda ng isang simpleng selebrasyon para sa pagdiriwang ng buwan ng wika. Kung saan sila’y naglabas ng isang
panawagan sa lahat ng mga mag-aaral na nag nanais sumali sa patimpalak at magbahagi ng kanilang angking mga talento.
Sa pamamagitan ng kanilang mga gurong taga-payo ang panawagan ay nakarating sa bawat mag-aaral kung saan may
dalawang patimpalak silang sasalihan. Una, ang Patimpalak sa pagrampa ng iba’t ibang kasuotan o “run-way” kung saan
kanilang irarampa at ipagmamalaki ang kanilang kasuotang Pilipino gamit ang musikang maka-Pilipino, sa kanilang
pagrampa kinakailangang kakitahan ng tema ang kanilang isasagawang run-way. Ikalawa, Patimpalak sa pag-awit kung
saan ang bawat kalahok ay bubuo ng kani-kanilang sariling pyesa ng awitin saka lalapatan ng maka-Pilipinong awiting
tono maari rin namang sariling likha. Tanging video lamang ng bawat kalahok ang ipadadala sa mga gurong taga-payo,
matapos ay ipinost sa pribadong page ng MDOCS at ang mga reaksyon ng bawat video ay may kaangkupang puntos. Sa
bawat patimpalak na ito ay pinayuhan ang lahat na mahigpit na ipinababawal ang paglabas ng nasasakupan ng tahanan ng
bawat kalahok at pakikipag-ugnayan nito sa iba bukod sa kaniyang panmilya, bilang pagsunod na rin sa Health Protocol
na ipinaiiral ng bansa.
Ang palatuntunan ay nagsimula sa isang panalangin sa pangunguna ni Bb. Kimberly Rose I. Robles, sinundan ng
Pambansang awit sa pangunguna ni Bb. Shaine Maiko G. Marigocio. Pagkatapos ay sinundan ng Pambungad na
pananalita ni G. Christian G. Latayan bilang pasasalamat sa lahat ng mag-aaral at mga guro na nakiisa sa pagdiriwang.
Ang bawat video ng mga kalahok ay pinanood at sinuportahan ng bawat guro kasabay nito ay ang pagbibigay marka sa
mga kalahok ng mga piling huradong sina Gng. Vina Marie L. Masilang, Gng. Novie Rose L. Siena, Gng. Sheridan D.
Dimaaano at Gng. Marivic S. Narciso.
Sa mga pinagsama-samang mga puntos mula sa mga hurado nanguna sa patimpalak sa pagrampa ng iba’t ibang
kasuotan si Bb. Jozel Margarette Nabing na mula sa ika-12 Baitang, pinangalawahan ni Bb. Leobelle Peradilla na mula
ika- 10 Baitang, at sinundan ni Bb. Jade D. Montemar na mula sa ika- 11 Baitang. Samantala nanguna sa patimpalak sa
pag-awit si Bb. Kriesha F. Artillaga na mula sa ika-11 Baitang, pinagalawahan ni Bb. Nicca Mhae A. Lopez na mula sa
ika-12 Baitang at sinundan ni Bb. Yancey M. Rayos na mula sa ika- 9 na Baitang.
Kahit na sa simpleng selebrasyon ay naramdaman ng bawat isa ang pagkakaisa na dulot ng wika, dahil sa kabila
ng pandemyang kinakaharap ay masayang natapos ang selebrasyon ng Buwan ng Wika 2021 na natapos sa isang
panalangin sa pangunguna ni G. Kenn Darrel Gutierrez.
PATIMPALAK SA PAGRAMPA NG IBA’T IBANG KASUOTANG PILIPINO

Ika- 7 Baitang Ika- 8 Baitang Ika- 9 na Baitang

Ika- 10 Baitang Ika- 11 Baitang Ika- 12 Baitang

PATIMPALAK SA PAG-AWIT

Ika- 7 Baitang Ika- 8 Baitang Ika- 9 na Baitang

Ika- 11 Baitang Ika- 12 Baitang

You might also like