You are on page 1of 4

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

REPLEKTIBONG SANAYSAY

MODYUL 1

ARALIN 1: KAHULUGAN AT PANANAW SA WIKA

_______________________________________________________

PUNDASYON NG WIKA

Dr. Vidal Mendoza Jr.

________________________________________________________

Ipinasa ni:

Genita Luz T. Alinday

, 2021

Master sa Artes ng Filipinolohiya


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
INTRODUKSIYON

Mahalagang pangangailangan ng tao ang wika upang

makamit ang kailangan natin – kung nagugutom, humihingi ng pagkain; kung

nasugatan, dumadaing tayo upang mabigyan ng panlunas; kung ,nangungulilala,

humahanap ng kausap na makakapawi sa kalungkutan (lumbera 2007). Sa

pahayag na ito naipapakita kung ano ang naidudulot ng wika sa atin, hindi kaila

sa bawat pagsikat ng araw nagagamit natin ang wika, sa pakikipagtalastasan sa

mga kasama natin sa bahay, sa pag-aabang ng masasakyan sa kanto, sa

pamimili ng pangangailangan natin, nagagawa nating ilarawan ang mga taong

nakakasalubong natin sa daan at nakakapagbigay ng komento sa iba’t ibang

social media platform. Wikang Filipino ang wikang ating nakagisnan sa Pilipinas

malaking bahagi ng pagiging demokratikong bansa natin ang malayang

naipapahayag ang ating hinaing at opinyon sa gobyerno gamit ang iisang wika.

NILALAMAN

Sa paglipas ng panahon maraming wika ang nagsusulputan

nakakabuo ng mga salita na tayo mismo ang nakakapagbigay ng mga kahulugan

mula sa awitin hanggang sa mga ekspresyon na lumalabas sa ating mga bibig.

Naalala ko ang kanta ng sikat ng Ppop group ngayon sa ating bansa ang SB19.

Nakakahangang nagagawa nilang laruin ang mga salita (word play) upang

makabuo ng pamagat ng kanilang mga kanta tulad ng MAPA na

nangagahulugan (Mama at papa, mata at paa) IKAKO (ikaw at ako), at

TILALUHA (pagtila ng luha). Tunay ngang nakakamangha ang Wika. Kung ako
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
ang tatanungin, ano ba ang wika? Isa lang ang pumasok sa aking isipan ang

wika ay instrumenton sa pakikipagtalastasan.

Binubuo ang Pilipinas ng pulo-pulo kaya hindi maiiwasan na may

iba’ibang wika tayong sinasalita may mga salitang pareho ng baybay at bigkas

ngunit magkaiba ng kahulugan bagamat sa dami ng wika nagagawa nating

magkaintindihan sa pamamagitan ng paggamit ng Wikang Tagalog. Hindi

nagiging hadlang ito para hindi makipagtalastasan nagagawa nating makibagay

gamit wikang maiitindihan ng lahat ika nga ni dating Pangulong Aquino “Wika,

dapat pagbubuuin tayo, hindi dapat tayo paghihiwalayin” Alam na natin lahat na

kapag pumunta ng Maynila ang wikang gagamitin dapat ay Wikang Tagalog kasi

dito tayo magkakaintindihan ngunit paano kung hindi lahat ay marunong

magsalita ng Wikang Tagalog? Ano ang iyong gagawin? Marahil sasabihin ng

iba mag-aral sila dapat marunong silang makibagay sa mga taga Maynila.Kung

pagbaliktarin narin ang sitwasyon ikaw ang pupunta sa Bisayas masasabi mo pa

rin pa bang matututo pa rin silang makibagay sa iyo? Isa ito sa mga kinaharap ko

ng minsan nagbakasyon ako sa probinsya tubong Aklan ang pareho kong

magulang, lumaki kaming magkakapatid sa Maynila kaya ang nakagisnan namin

ang paggamit ng Wikang Tagalog hindi lahat ng naninirahan doon ay marunong

magtagalog hindi kasi naiiwasan ang pagkakahawig ng mga salita tulad ng

nabanggit ko sa itaas halimbawa ilabas sa Aklanon (almusal) Tagalog( ilagay sa

labas), Aklanon (tinae-bituka) Tagalog (dumi na inilabas sa puwet) hindi

maiiwasan na matawa pero isang kabastusan kung hindi ito irerespeto.

Napagtanto ko na nagkakaroon nga kalituhan kung hindi kami gagamit ng wika


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
na pareho kaming magkakaintindihan. Sa tulong ng mga kaanak na

nakakaintindi ng Wikang Tagalog ay tinutumbasan nila ito sa wikang aming

naiintidihan pareho sa Aklanon. Kalaunan pareho kaming natuto bagamat hindi

ako nakakapagsalita ng purong Aklanon ang mahalaga ay naiintindihan ko, sabi

nga ng mga kamag-anak ko na hindi na ako kayang ibenta. Madalas sabihin na

gamitin ang wikang na maiitindihan ng lahat pero may mga pagkakataon na hindi

madali para sa lahat lalo na kung hindi naman nila nakamulatan hindi lang isa

ang kailangan makibagay para magkaintindihan dapat parehong may kaalaman.

Bisaya man o Tagalog bahagi pa rin ito ng ating pagkaPilipino. Maipagmamalaki

kong isa akong Bisaya na hindi dapat pagtawanan dahil lamang sa tono ng

pagsasalita. Lahat ay nangangailangan ng respeto dahil kapwa tayo Pilipino.

You might also like